ALAMIN: Importance ng seating arrangement sa mga kids sa pagbabalik ng face-to-face classes

Alamin din ang ways para matulungan ang inyong anak na makipagkaibigan sa school.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagbabalik ng kids sa school for their face-to-face classes, alam niyo ba parents na mahalaga raw ang classroom seating arrangement for them? Alamin sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Importance of classroom seating arrangement sa pagbabalik ng face-to-face classes
  • Help your kids make friends this coming school year

Importance of classroom seating arrangement sa pagbabalik ng face-to-face classes

Larawan mula sa Pexels

Talaga namang excited na ang lahat sa unti-unting pagbabalik mula ng face-to-face classes sa school. Ito ay sa kadahilanang lumuluwag na ang COVID-19 restrictions at matatapos na rin ang ilang taong online class. Malamang ay maraming parents na ang abala sa pagbibili ng school supplies at iba’t iba pang pangangailangan ng anak.

Sa pagbabalik ng klase, handa na rin kaya ang inyong kids? Ready na kaya ulit sila mag-make friends with their classmates?

Sa tuwing pagsisimula ng klase, nagkakaroon ng part na aayusin ng teachers ang classroom seating arrangement. Mayroong teachers na academic considerations ang unang layunin sa paglilipat ng mga students. Bakit nga ba ito ginagawa? Ano ang kahalagahan ng classrooom seating arrangement at ano dapat ang i-prioritize ng teachers?

Classroom seating arrangement daw ang isa sa mahalagang factors upang makapag-build ng friendships ang mga bata sa school. Nalaman ito sa isang resulta ng pag-aaral na published sa isang journal ng Frontiers in Psychology.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tiningnan nila ito sa 235 na estudyanteng participants kung saan 129 ang lalaki at 106 naman ang mga babae. Sa pagitan din ng grade 3 hanggang grade 5 na may edad 8 hanggang 11 taong gulang ang mga bata.

Ayon kay Brett Lauren, Ph. D ang senior author ng pag-aaral, mas nakabubuo raw ng kaibigan ang mga magkakatabi sa classroom kumpara sa kalayo niyang upuan.

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When seat assignments changed, new seatmates were apt to become new friends, consistent with claims that exposure alone is not a sufficient condition for friendship. Apparently, proximity transcends familiarity by providing new opportunities for the kind of exchanges that form the basis of a friendship.”

Sinubukan din daw nilang obserbahan ang mga bata sa panahon ng kanilang break time. Nalaman din nilang bihira ang interaction ng mga bata sa kaklase nilang nasa malalayong upuan kumpara sa nakakatabi na nila sa classroom.

“Of course, students were not glued to their seats; interactions with far-seated peers undoubtedly occurred during lunch, recess and (in some classes) free time activities.”

Masasabi rin daw ng mga researchers, na malaki ang maaaring maging impluwensya ng mga ginagawa ng teachers for kids.

“Taken together, our findings highlight the enormous influence that teachers wield over the interpersonal lives of children. With great power comes great responsibility.”

“We urge teachers to exercise their power judiciously.”

Help your kids make friends this coming school year

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Kung madalas mong napapansin na ang iyong anak ay hindi madalas nakikipag-make friends sa ibang kids, it’s time for you to help them. Maaari kasing may mga problems or inner conflict siya sa kanyang sarili kaya nagkakaganito.

Dahil ngayon na malapit nang maging face-to-face ang classes at mas marami na siyang makakasalamuhang bata, dapat lang matulungan mo siyang makipagkaibigan. Narito ang ilang paraan upang maging helpful ang parents sa socializing skills ng kanilang anak:

Observe how they socialize.

Una sa lahat, tignan muna kung paano nga ba nakikipag-socialize ang inyong anak. Tingnan kung paano sila nagii-start ng conversation with other kids na kasing edad nila. Maaaring puntahan ang ilang school activities at unawain kung gaano sila kakomportableng nakikipagsalamuha. May posibilidad kasi na anxious sila na makipag-interact with other kids.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subukan ang role playing sa bahay.

Kung hirap pa sila magsimula ng conversation, subukan sa inyong tahanan. Turuan siya kung paano makikipag-usap sa paraang komportable rin siya gawin. Gawin nang gawin ito hanggang sa maging natural na lamang ang kanyang pakikipag-usap.

Maging mabuting modelo.

Madaling natuto ang bata kung nakikita nila parati ito sa araw-araw. Mahalagang simulan ng parents na ipakita sa kanilang anak kung paano nga ba dapat bumubuo ng conversations. Kung kasama ang anak at makakakita ng kakilala, siguraduhing maipapakita sa kanya ang tamang pakikipagsalamuha.

Purihin sila sa bawat achievements nila, kahit gaano pa ito kaliit.

Mahalaga ring nakikilala mo ang effort nilang makipagsocialize. Kahit pa minimal o small steps lamang ang kanilang na-achieve, dapat ay nakikilala ng parents ang kanilang ginagawa. Sa ganitong way kasi sila namo-motivate dahil validated ang efforts na ini-exert nila.

Huwag balewalain ang problema nila sa socializing.

Hindi birong problema ang pagkakaroon ng hirap ng kids sa pakikipag-interact with other kids. Maaari kasing maging problema ito in the near future. Ngayon pa lang, tulungan na silang ma-overcome ito with your guidance o kumonsulta sa mga eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sinulat ni

Ange Villanueva