Ano ang cold mother syndrome at paano ito nakakaapekto sa paglaki ng iyong anak?
Ang pagiging isang ina
Sa pagpasok ng isang nanay sa ‘motherhood’, nakasalalay na rito ang kaniyang buong buhay. Kumbaga, panibagong yugto na naman ito ng kaniyang journey but this time, as a mommy na.
Masasabi nating matapang ang isang nanay dahil matyaga nilang ginagawa araw-araw ang mabibigat na gawain na sila lamang ang nakakagawa. Katulad ng paglalaba, paglilinis ng bahay, pagluluto at pag-aalaga ng mga anak. Minsan pa nga ay napag sasabay-sabay niya ito!
Toxic mother daughter relationships | Image from Freepik
Talagang maswerte sa kanilang nanay ang mga batang punong-puno ng pagmamahal ng isang ina.
Ngunit hindi lahat ng tagpo, ay katulad nito. May iba ring mga bata ang hindi nakakatanggap ng sapat na atensyon at pagmamahal ng kanilang nanay. Kaya naman lumalaki talaga na may kulang sa pagkatao ng isang batang kulang ng pagmamahal.
Cold mother syndrome
Isang ina na hindi mahal ang kaniyang anak? Mahirap paniwalaan, ano? Sino ba naman kasing hindi makakatiis sa mapupungay at cute na cute na mata ng iyong baby?
Mahirap mang paniwalaan ngunit nangyayari talaga ito. Ano ang mangyayari sa isang batang lumalaki na walang natatanggap na pagmamahal?
Baby pa lamang ang iyong anak, mararamdaman na agad nito ang iyong ipinapakitang pagmamahal sa kaniya. Ang simpleng pagkarga at paghaplos mo sa kaniyang mkuha ang isang paraan para magsimula ang inyong connection bilang isang mag-ina. Mararamdaman ni baby ang safe place sa iyong mga braso at mapapanatag siya kapag nandiyan siya.
Kabaliktaran ito ng mga batang lumalaking walang pagmamahal. Sila ay nagiging tahimik, malayo sa pamilya at minsan ay nagiging rebelde. Sa kanilang pag-iisa, masasabi nating sila ay matapang nang bata. Lumalaki sila at dinidiskubre ang mundo ng walang gabay at tulong lang ang sarili nila.
Cold mother syndrome | Image from Unsplash
Mararamdaman rin ng mga bata ang kakulangan na pagmahahal na binibigay sa kanila ng kaniyang mga magulang. Hindi man sila nagsasalita ngunit alam sa kanilang kilos na kailangan ka niya. Kadalasan, natatakot silang magsalita dahil sa maaaring consequence na mangyari.
Cold mother syndrome: Epekto sa iyong anak
Naparamdam mo na ba sa iyong anak na mahal mo siya? Kung hindi, ito ang maaaring mangyari sa kaniya.
1. Kakulangan ng confidence
Ang mga batang lumaking kulang o walang pagmamahal ng magulang ay nagkakaroon ng mababang confidence sa sarili. Maraming pangamba at katanungan sa kanilang sarili bago sila sumabak sa isang desisyon. Ito ay nabubuo kapag hindi sila nakakataggap ng mga motivational at encouraging words galing sa mga taong malapit sa kanila.
Lumalaki silang hindi alam ang kanilang halaga at kung gaano sila kaimportante sa mundo.
2. Hirap makisama
Nahihirapan ring bumuo ng matibay na samahan ang mga batang lumaki na kulang sa pagmamahal. Hindi kasi sila nasanay na makihalubilo sa madaming tao. Napagalaman rin na ang mga babaeng kulang sa pagmamahal ng kanilang ina ay hirap makabuo ng pagkakaibigan sa kapwa nito babae. Ito ay dahil sa pangamba na magtiwala.
Toxic mother daughter relationships | Image from Unsplash
3. Hindi makita ang halaga ng sarili
Sa kwento ng isang babae, lumaki siya na mas napapansin ng kaniyang nanay ang lahat ng kamalian nito kahit nasa proseso pa lang siya ng pagkatuto. Hanggang sa lumaki ito at nagtrabaho siya. Sinabihan siya ng boss niyang hindi siya nakikitaan ng effort at parang wala lang ang pagtatrabaho nito.
Dito niya nalaman na kinokontrol na pala niya ang kaniyang sarili at nililimitahan rin ito. Nadala niya ang mga sinasabi ng kaniyang nanay dati dahilan para magkaroon siya problema sa pagkatao ngayon.
Ang mga batang lumalaking walang sapat na pagmamahal ay hindi nila nakikita ang kanilang kakayahan bilang isang ‘anak’. Ito ay dala ng pressure ng kaniyang mga magulang.
Source:
Psychology Today
BASAHIN:
Masama ba akong ina? 10 signs that you are a toxic mom
Mas kailangan ka ng asawa mo ngayon: Paraan kung paano ipaparamdam ang suporta sa kanya
Relax ka lang! 5 tips at tricks para maging kalmadong magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!