Presyo ng congenital anomaly scan sa ilang ospital at diagnostic clinic

Alamin ang halaga ng pagsasagawa ng congenital anomaly scan, alamin din kung ano ang presyo nito sa ilang mga ospital sa metro manila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mommy nagnanais ka bang mapag-congenital anomaly scan, narito ang presyo ng congenital anomalyscan price sa ilang ospital at diagnostic clinic sa Metro Manila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Presyo ng congenital anomaly scan sa ilang ospital
  • Mga ospital kung saan mayroong congenital anomaly scan
  • Ibig sabihin ng congenital anomaly scan

Ano ang Congenital Anomaly Scan?

Larawan mula sa iStock

Bilang magulang ninanais natin na lumaking normal ang ating mga anak o walang birth defects kapag ipinanganak. Ngunit may iba sa atin na hindi napagbibigyan na maranasan ito. Mabuti na lang sa tulong ng teknolohiya ay nabuo ang tinatawag na congenital anomaly scan. Ito ang pregnancy scan na isinasagawa sa 18-20 weeks ng pagbubuntis na ang goal ay matukoy kung may abnormalities ba ang sanggol na ipinagbubuntis.

Ayon sa pag-aaral, ang congenital abnormalities at birth defects ay maaaring makaapekto sa 2-3% ng lahat ng pagbubuntis. Karamihan sa mga ito ay maituturing na minor abnormalities. Habang ang iilan naman ay maituturing na major defects na kailangan ng agarang gamutan o solusyon. Maaari ring magkaroon ng special arrangement sa panganganak o postnatal treatment.

Paano ito isinasagawa?

Ang pagsasagawa ng congenital anomaly scan ay tulad din ng pagsasagawa ng ultrasound scan upang malaman ang kasarian o gender ni baby. Isinasagawa ito sa tulong ng sonographer. Bagama’t kumpara sa ultrasound scan, ang congenital anomaly scan ay mas detalyado o mas tinitingnan ang bawat bahagi ng katawan ng lumalaking sanggol sa sinapupunan. Ang mga bahagi o structures ng katawan na tinitingnan sa congenital anomaly scan ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

  • Ulo at utak ni baby
  • Mukha
  • Spine
  • Puso
  • Diaphragm
  • Tiyan
  • Abdominal wall
  • Kidney, Bladder
  • Extremeties (Femur at humerus length)
  • Placenta, umbilical cord
  • Amniotic fluid
  • Uterine artery

Ito’y sa paunang ulat ni Irish Manlapaz. Basahin ang buong ulat rito.

BASAHIN:

Mga sakit na maaaring matukoy sa pamamagitan ng Congenital Anomaly Scan

Maaari bang magkamali ang ultrasound sa gender at due date ni baby?

Congenital anomaly scan: Bakit ito mahalagang gawin ng buntis?

Ang mga congenital abnormalities na maaaring matukoy ng congenital anomaly scan?

  • Spina bifida
  • Anencephaly
  • Hydrocephalus
  • Congenital heart disease
  • Gastroschisis
  • Major kidney problems
  • Major limb abnormalities
  • Diaphragmatic hernia
  • Cleft lip and palate
  • Down’s syndrome o Trisomy 21

Price range ng congenital anomaly scan sa ilang ospital sa Metro Manila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

1. The Medical City

Address: Ortigas Ave, Pasig, Metro Manila

contact number: (02) 8988 1000

Congenital anomaly scan price: 4,400

2. Hi-Precision Diagnostics

Customer Care Hotline: 8741-7777

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Congenital anomaly scan price: 2,800

*Know there locations and branches here

3. Makati Medical Center

Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, 1229

Contact number: 02) 8888 8999

Congenital anomaly scan: 4,000

4. ManilaMed – Medical Center Manila

Address:850 United Nations Ave, Paco, Manila, Metro Manila

Contact number: 8523 8131

Congenital anomaly scan price: 4,988

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Manila Doctors Hospital

Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

Contact number: (02) 8558 0888

Congenital anomaly scan: 5,577

6. St. Luke’s Medical Center Quezon City

Address: 279 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, 1112 Metro Manila

Contact number: (02) 8723 0101

Congenital anomaly scan: 5,577

7. Fatima Medical Center

Address: 120 MacArthur Highway, Valenzuela, 1440 Metro Manila

Contact number:  (02) 8291 6538

Congenital anomaly scan price: 2,310

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Address: 23 Sumulong Hwy, Sta. Cruz, Antipolo, 1870 Rizal

Contact number: (02) 8727 8845

Congenital anomaly scan price: 2,310

Tawagan ang kanilang mga hotline para sa iba pang detalye.

Halaga nang pagsasagawa ng congenital anomaly scan

Isinasagawa ito sa pagitan ng 18 to 24weeks ng pagbubuntis. Tinatawag din itong Second Trimester Fetal Development Anomaly Scan o 20-week ultrasound scan. Sa pamamagitan nito maaaring malaman ang development ng baby sa loob ng sinapupunan ng nanay. Dahil sa scan na ito maaaring matukoy agad ang kundisyon ni baby at maaaring maagapan ang mga sakit o kumplikasyon ni baby. Gayundin, maaaring maihanda ka nito sa anumang kundisyon ng iyong anak kapag siya’y naisalang na.

Source:

themedicalchambers

Sinulat ni

Marhiel Garrote