X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

ALAMIN: Listahan ng mga bansa na may confirmed cases ng coronavirus

7 min read
ALAMIN: Listahan ng mga bansa na may confirmed cases ng coronavirus

2019-nCoV UPDATE: Coronavirus confirmed cases countries. Mga dapat tandaan kung paano makakaiwas sa nakakamatay na virus na ito.

UPDATE: Coronavirus confirmed cases countries as of January 31, 2020. Unang coronavirus Philippines confirmed case, inanunsyo na ng Department of Health.

Matatandaang kahapon, January 30 ay kinumpirma na ng DOH ang unang kaso ng 2019-nCov dito sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang 38-year old na babaeng Chinese ay positibo sa coronavirus. Ito ay residente ng Wuhan, China at dumating sa Manila galing Hongkong noong January 21. Kasalukuyan pa rin itong nasa isang hospital kung saan inoobserbahan.

Ilang linggo pa lang ang nakakaraan nang pumutok ang balitang ito. At hindi maikakaila na mabilis kumalat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang nakamamatay na virus na nagmula sa Wuhan, China. Upang maging updated sa 2019-nCov, narito ang listahan at total number ng mga infected sa mga bansang positibo sa coronavirus:

 

Coronavirus confirmed cases countries

Mainland China:

CITY CONFIRMED DEATH RECOVERED
Hubei 5806 204 116
Zhejiang 537 9
Guangdong 393 11
Henan 352 2 3
Hunan 332 2
Jiangxi 240 7
Anhui 237 3
Chongqing 206 1
Shandong 178 2
Sichuan 177 1 1
Jiangsu 168 2
Shanghai 128 1 9
Beijing 121 1 5
Fujian 101
Guangxi 87 2
Shaanxi 87
Hebei 82 1
Yunnan 76
Heilongjiang 59 2
Hainan 50 1 1
Liaoning 45 1
Shanxi 39 1
Tianjin 32
Gansu 29
Ningxia 21 1
Inner Mongolia 20
Xinjiang 17
Guizhou 15 1
Jilin 14 1
Tibet 1
Qinghai 8

 

Advertisement

Other Countries:

Thailand 14 5
Hong Kong 12
Japan 11 1
Singapore 10
Taiwan 9
Malaysia 8
Macau 7
South Korea 6
France 5
New South Wales Australia 4 2
Bavaria Germany 4
United Arab Emirates 4
Queensland Australia 3
Victoria Australia 2
Ontario Canada 2
Italy 2
California, US 2
Illinois, US 2
Vietnam 2
Cambodia 1
British Columbia Canada 1
Finland 1
India 1
Nepal 1
Philippines 1
Sri Lanka 1
Arizona 1
Washington US 1
TOTAL: 9,776 213 187

 

Maaari mo ring ma-track ang mga bansang may coronavirus dito: 2019-nCoV Global Cases

 

First confirmed case in Philippines

Ang 38-year old na Chinese na ito ay hindi nakitaan ng sintomas ng nasabing nakakamatay na virus. Ngunit noong nakaraang Jan 25, doon na siya nagsimulang obserbahan dahil sa kanyang ‘mild cough’. Dahil dito, nakumpirma na positibo siya sa n-Cov. Mula sa Wuhan, lumipad ito papuntang Hong Kong at sumakay ng eroplano papunta sa Cebu. Pagkatapos nito ay saka rin siya tumungo sa Dumaguete at saka tumungo dito sa Manila.

Sa update tungkol dito, nagsimula nang alamin ng DOH ang mga nakasalamuha at nakatabi ng pasyente sa flight na sinakyan niya sa Cebu Pacific, Cebgo and Philippine Airlines na papunta rito. Oobserbahan ang mga ito at titignan kung nahawaan ba ito ng naturang sakit.

Ayon naman kay DOH spokesperson Undersecretary Eric Domingo, lahat ng galing Wuhan na nandito sa bansa na may sipon, lagnat at ubo ay paniguradong dadaan sa test at observation.

Ngunit sa kabila nito, mas mabuti na rin ang makaiwas sa naturang virus. Narito ang ilang mga dapat tandaan:

 

Uri at sintomas ng coronavirus

Tamang paggamit ng face mask

Coronavirus confirmed cases countries | Image from Freepik

 

Ang coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga viruses na common sa mga mammals, mapa-hayop man o tao. Tinatawag ng mga scientist na “zoonotic” ang virus na ito. Dahil sa maari itong ma-transmit o maihawa mula sa hayop papunta sa tao.

Noong una ay may anim lang na uri ang coronavirus. Ang apat sa mga ito ay nagdudulot ng mild to moderate effect sa katawan ng tao. Ito ay ang 229E, NL63, OC43, at HKU1. Ang mga uri ng coronavirus na ito ang nagiging sanhi ng common colds o sipon na sinasabayan ng mga sumusunod pang sintomas ng coronavirus:

  • runny nose
  • sakit ng ulo
  • ubo
  • sore throat
  • lagnat
  • masamang pakiramdam

Kung mapabayaan ang mga sintomas na ito ay maaring lumala at maaring mauwi sa pneumonia at bronchitis.

Samantala, ang dalawa pang uri ng coronavirus ay ang itinuturing na pinaka-seryoso at delikadong uri nito. Dahil sa mabilis nitong pagkalat at sa dami ng taong nasawi nang magkaroon nito. Ito ay ang MERS-Cov o MERS at SARS-Cov o SARS.

Sanhi ng coronavirus

coronavirus-confirmed-cases-countries

Coronavirus confirmed cases countries | Image from Freepik

 

Ayon sa mga scientist, ang coronavirus ay nagmula sa mga hayop. Tulad ng MERS na pinaniniwalaang nagmula sa mga camels. At SARS na pinaniniwalaan namang nanggaling sa civet cats. Habang ang 2019-nCov naman ay pinaniniwalaang nagmula sa seafood na buhay na ibinebenta sa isang palengke sa Wuhan, China.

Ang virus ay naipapasa sa mga tao sa oras na magkaroon ng close contact sa mga hayop na nagtataglay nito. Naikakalat naman ito ng tao at naihahawa sa mga sumusunod na paraan:

  • Pag-ubo o pag-bahing na walang takip ang bibig na kung saan kumakalat ang droplets na may virus sa hangin.
  • Paghawak o pagkamay sa taong may taglay ng virus.
  • Paghawak sa bagay na taglay ang virus na mapapasok sa katawan kapag agad na hinawak ang kamay sa ilong, bibig at mata.
  • Maari rin itong maihawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng contact sa duming may taglay ng virus.

Lunas sa sakit na dulot ng coronavirus

Ang sakit na dulot ng coronavirus sa ngayon ay walang specific na lunas. Dahil sa ito ay isang virus ay hindi ito malulunasan ng antibiotics o antiviral drug. Ang tanging paraan lang para malunasan ang sakit ay maibsan ang mga sintomas ng coronavirus at iwasan itong lumala. Ilan sa mga paraan upang gawin ito ay ang sumusunod:

Partner Stories
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
  • Pag-inom ng maraming tubig.
  • Umiwas sa paninigarilyo at sa mga mauusok na lugar.
  • Pag-inom ng acetaminophen, ibuprofen o naproxen para sa lagnat at sakit.
  • Paggamit ng humidifier o cool most vaporizer pati ang pagligo sa maligamgam na tubig para makatulong maibsan ang ubo at sore throat.

Pero para makasiguradong maiiwasang lumala ang mga sintomas ng coronavirus ay mabuting magpa-konsulta agad sa doktor. Lalo pa’t matutukoy lang kung positibong infected ng virus ang isang tao sa pamamagitan ng pagsusuri sa respiratory fluids ng katawan tulad ng plema at dugo.

Paano makakaiwas sa coronavirus

coronavirus-confirmed-cases-countries

Coronavirus confirmed cases countries | Image from AFP

Sa ngayon ay wala pang vaccine o bakuna bilang proteksyon laban sa coronavirus. Pero may mga paraang maaring gawin para maiwasan ito. Lalo na ng mga may mahinang immune system tulad ng mga bata at matatanda na mas mabilis madapuan ng sakit.

Ayon sa DOH at WHO, ito ang mga paraan upang maiwasang maihawa at maikalat ang coronavirus:

  • Pag-praktis ng proper hygiene tulad ng palaging paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig na hindi bababa sa 20 segundo.
  • Pagtakip sa ilong at bibig kapag umuubo.
  • Pag-disinfect sa mga gamit o lugar sa bahay na nahawakan ng taong may sakit.
  • Pagsusuot ng N95 mask kung lalabas sa matataong lugar.
  • Pagluluto ng pagkain ng maayos lalo na ng mga karne ng hayop na pinaniniwalaang pinagmulan ng sakit.
  • Pag-iwas sa unprotected contact sa mga farm o wild animals.
  • Hindi muna pagpunta o pagbisita sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit.
  • Pagpapanatili ng malusog na katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya at pagtulog ng tama.

Maliban sa mga nabanggit na paraan ng pag-iwas, mahalagang sa oras na makaramdam ng sintomas ng coronavirus ay magpakonsulta na agad sa iyong doktor. Upang ito ay agad na matukoy at maibsan ang mga sintomas na maaring lumala. At maging sanhi ng mas malalang sakit at pagkasawi kung hindi maagapan.

 

SOURCE: CNN Health

BASAHIN: Coronavirus: Kumpirmadong maaaring mahawa sa taong may sakit na ito

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • ALAMIN: Listahan ng mga bansa na may confirmed cases ng coronavirus
Share:
  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko