Coronavirus in babies, ano nga ba ang dapat gawin upang maprotektahan sila laban sa kumakalat na sakit.
Coronavirus in babies
Kumakalat ngayon sa social media ang video ng isang baby na infected umano ng coronavirus sa Wuhan, China. Ang baby nasa loob ng isang isolated room na kung saan may makapal na salaming nakaharang sa kaniya. Nasa labas ng kwarto nakatanaw sa kabilang banda ng salamin ay isang lalaki na maaring ama ng bata. Nakatingin at kinakausap nito ang baby. Makikita namang sumasagot at ngumingiti ang baby. At aktong itinataas ang kamay niya na tila gustong magpakarga. Ang lalaki naiyak sa tagpong ito dahil hindi niya makarga ang sanggol.
Totoo man o hindi ang nasabing video ay sadyang napakasakit nitong panoorin para sa ating mga magulang. Lalo pa kaya kung mangyayari ito sa ating anak. Sa ngayong, ang kumakalat na sakit na novel coronavirus ay napakabilis makahawa at walang natutuklasang gamot pa.
Pero ano nga ba ang maari nating gawin upang maprotektahan ang ating anak mula sa sakit na ito? At anu-ano ang mga sintomas na maaring palatandaan na taglay niya na ang pinakabagong uri ng coronavirus na naitala.
Sintomas ng coronavirus sa mga baby
Base sa health website na WebMD, ang coronavirus ay ang virus na nagdudulot ng impeksyon sa ilong, sinus at upper throat. Karamihan ng coronavirus ay hindi delikado. Tulad nalang ng nagdudulot ng sipon at ubo. Ngunit may ibang uri rin nito ang mapanganib sa kalusugan tulad ng SARS at MERS. At ang pinakabagong uri ng coronavirus na kumakalat ngayon sa buong mundo na 2019-nCov o novel coronavirus.
Ayon kay Dr. Gellina Ann Suderio-Maala o Dr. Gel, isang pediatrian, lahat tayo ay maaring mahawaan ng novel coronavirus. Mas prone nga lang sa sakit ang mga bata, matatanda at may mahinang immune system. O ang mga may taglay ng iba pang karamdaman.
Dagdag pa niya, ang sintomas ng novel coronavirus sa mga bata ay tulad lang din sa mga matatanda. Ilan nga sa palatandaan nito ay ang pagkakaroon ng ubo, sipon, lagnat at hirap sa paghinga. Kaya naman sa oras na mapansin na ang iyong baby ay nagpapakita ng nasabing sintomas, mabuting dalhin na agad siya sa doktor. Upang siya ay matingnan at malaman kung positibo ba siya sa sakit. Dahil kung mapabayaan ang sakit ay maaring magpahirap sa mahina pang katawan ng iyong anak.
Paano maiiwasan ang coronavirus in babies
Pero paliwanag ni Dr. Gel, ang coronavirus in babies ay maari namang maiwasan. Kailangan lang i-practice ang proper hygiene at palakasin ang kaniyang immune system.
“Anyone can have the infection. However, the very young, the very old and the immunocompromised are more prone to acquire it. Symptoms would include, fever, cough, colds, shortness of breath or difficulty of breathing.
I highly advice everyone to practice proper hand hygiene and cough etiquette, avoid close contact with people who has respiratory symptoms and boost the immune system.’
Ito ang pahayag ni Dr. Gel sa aming panayam.
Safe bang gumamit si baby ng face mask?
Pagdating naman sa paggamit ng respirators o face mask, ayon kay Dr. Gel ay magiging useless rin ito kung hindi fit sa mukha ng bata o baby na gagamit. At maari ring itong magdulot ng hirap sa kanilang paghinga tulad nalang ng n95 mask.
“It’s hard to find a mask that fits face of babies and kids. If the mask doesn’t fit well, it negates the purpose of wearing the mask.”
“There are masks made for kids 2yo and above, if the mask fits them well and they can be told how to use it properly, then its ok. One downside though, is they will have a hard time breathing through special mask like the n95.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Gel.
Pero para kay Dr. Nelson Branco, isang pediatrician mula sa American Academy of Pediatrics, mas mabuting huwag pagsuotin ng respirator mask ang mga bata. Dahil unang-una ay mahihirap sila ditong huminga. Pangalawa, ay nagbibigay umano ito ng false sense of security sa mga magulang na ok lang ilabas ang kanilang anak sa kabila ng pagkalat ng virus dahil naka-mask sila.
“Parents can feel like their child has a mask on and is being protected, but the air that’s leaking around the sides of the mask is not being filtered because it doesn’t fit properly,”
“There are lots of sites on Amazon and local sites that will sell you masks for children, but in general, we don’t recommend people get the over-the-counter masks, because they don’t tend to work very well.”
Ito ang pahayag ni Dr. Branco.
Iba pang paraan para makaiwas sa coronavirus ang iyong anak
Kaya naman dagdag na payo ni Dr. Gel, mas mabuting huwag na munang ilabas o dalhin sa matataong lugar ang mga baby at bata. Ito ay upang hindi sila ma-expose sa mga germs at viruses na maaring magdulot sa kanila ng sakit.
Para sa mga adults, kailangan ding ugaliin ang strict at proper handwashing bago hawakan si baby. Gawin din ito sa kaniya lalo na kung siya ay nakakahawak ng maruming bagay.
Maari ring gumamit ng hand sanitizer na may 60% alcohol. Bagamat mas ipinapayo ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
Siguraduhin ding laging hydrated si baby. At palakasin ang kaniyang immune system sa pamamagitan ng pagpapakain sa kaniya ng mga prutas na rich in vitamin C.
Ayon parin kay Dr. Gel, ang paggamit ng air purifiers na may HEPA filters ay makakatulong upang masigurong malinis ang hangin na umiikot sa loob ng ating bahay.
At higit sa lahat, iwasang halikan si baby. Dahil maraming germs at viruses na kumakapit sa katawan nating mga adult na para sa atin ay harmless. Pero para kay baby ay delikado at hindi na kayang labanan ng mahina pa niyang katawan.
SOURCES: SF Gate, LA Times
BASAHIN: ALAMIN: Listahan ng mga bansa na may confirmed cases ng coronavirus
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!