Narito ang mga kumakalat na coronavirus myths na pinabulaanang hindi totoo ng World Health Organization o WHO.
Coronavirus myths na hindi totoo ayon sa WHO
Coronavirus hindi maaring kumalat o maihawa sa mga lugar na may mainit na panahon
Ayon sa WHO, ito ay hindi totoo. Dahil base sa mga ebidensya at kasalukuyang nagaganap, ang COVID-19 ay maaring kumalat kahit saang lugar. Kaya naman upang maging ligtas mula sa sakit ay huwag na munang magpunta sa mga lugar na naiulat na infected ng virus.
Mapapatay ng malamig na panahon at snow ang coronavirus
Ito ay hindi rin totoo. Sa katunayan, ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Sun Yat-sen University sa Guangdong province, China, ay mas mabilis kumalat ang virus sa mga lugar na may temperature na 8.72 degrees Celsius. Samakatuwid ay mas kailangang mag-doble ingat mula sa virus ang mga bansang may malalamig na klima.
Ang paliligo sa hot shower ay mainam para hindi ka mahawa
Ito ay hindi totoo. Dahil ayon sa WHO, kahit ano pa ang temperature ng paligid mo ay hindi mababago nito ang normal body temperature ng iyong katawan na maaring pasukin ng virus. Paalala pa ng ahensya, lubha ring mapanganib ang paliligo ng mainit na tubig. Kaya naman dapat mag-ingat sa pagsasagawa nito.
Ang coronavirus ay maikakalat at maihahawa sa pamamagitan ng mga goods o parcel mula sa bansang apektado na ng sakit tulad ng China
Ayon sa WHO ito ay hindi totoo. Bagamat ang virus ay kumakapit sa mga surfaces o gamit, hindi naman ito mabubuhay o magtatagal ng ilang araw rito. Mababa rin ang tiyansa na magtagal ito kung pabago-bago ang temperature ng lugar na kinalalagyan nito.
Sinuportahan naman ito ng pahayag mula kay CDC Immunization and Respiratory Diseases Director Dr. Nancy Messonnier. Ito ang kaniyang sinabi.
“In general, because of poor survivability of these coronaviruses on surfaces, there is likely very very low risk of spread from products or packaging that are shipped over a period of days or weeks at ambient temperatures.”
Pero para makasigurado mabuting i-disinfect muna ang mga parcel o goods na mula sa mga bansang infected ng sakit. Pagkatapos linisin ito ay saka naman hugasan ang iyong kamay gamit ang tubig at sabon o alcohol-based sanitizer.
Ang COVID-19 ay maaring maihawa sa pamamagitan ng kagat ng lamok
Sa ngayon ay wala pang ebidensya na makakapagpatunay sa claim na ito. Isa lang ang sigurado, ang COVID-19 ay naihahawa sa pamamagitan ng droplets mula sa ubo o atsing ng taong infected ng sakit. Ang tinatamaan nito ay ang ating respiratory system na kung saan nagdudulot ito ng ubo, hirap sa paghinga at lagnat. Kaya upang mas mabawasan ang tiyansa ng mahawa sa sakit ay mabuting lumayo sa mga taong umuubo o umaatsing. O gumamit ng face mask kung hindi maiiwasang makipag-usap sa ibang tao.
Mapapantay ng hand-dryers ang virus sa ating mga kamay
Ayon sa WHO ay hindi ito totoo. Ang pinakamagandang paraan parin para maiwasan ang pagkahawa at pagkalat ng sakit ay sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon. Saka punasan ang kamay ng paper towel at mabilis itong patuyuin gamit ang hand dryer.
Kayang patayin ng ultraviolet disinfection lamp ang coronavirus
Hindi po ito totoo. Lalong hindi dapat gamitin ang UV lamps upang i-sterelize ang mga kamay at ang iba pang parte ng katawan. Dahil paalala ng WHO, ang UV radiation ay maaring magdulot ng skin irritation.
Hindi effective ang mga thermal scanners sa pag-dedetect ng mga biktima ng coronavirus
Paliwanag ng WHO, ang mga thermal scanners ay isang paraan na ginagamit upang ma-detect ang sinumang may lagnat na isa sa sintomas ng COVID-19. Ngunit, hindi naman ito ang basehan upang masabing kumpirmadong taglay na ng isang tao ang virus. Lalo pa’t may mga kaso ng COVID-19 ang hindi nagpapakita ng sintomas o asymptomatic. Dahil matapos ang exposure sa virus umaabot pa ng 2 hanggang 10 araw bago magpakita ng sintomas ang taong infected ng sakit.
Ang pag-spray ng alcohol o chlorine sa buong katawan ay makakapatay sa coronavirus
Ito ay hindi rin totoo. Dahil hindi mapapatay ng mga ito ang virus na pumasok na sa loob ng katawan ng tao. Maari lang itong gawin panglinis o disinfectant. Ngunit kailangan ring mag-ingat dahil may kalakip na peligro ang paggamit nito. Lalo na kapag pumasok ito sa mata o bibig ng isang tao.
Pagkain ng bawang makakapigil sa virus na kumalat sa katawan
Bagamat ang bawang ay isa sa mga halamang gamot o natural medicine na ginagamit nating mga Pinoy, wala pang ebidenya na maari itong maging lunas o proteksyon laban sa coronavirus.
Tanging ang matatanda lang ang maaring dapuan ng COVID-19
Lahat ay maaring dapuan ng COVID-19. Mas prone o susceptible lang ang mga matatanda sa sakit na may pre-existing conditions o sakit na nagpapahina ng immune system. Ito ay ang mga sakit tulad ng asthma, diabetes at heart disease. Ngunit lahat ay maaring tamaan ng sakit. Kaya dapat lahat ay protektahan ang kanilang sarili mula sa virus.
Wala paring gamot o bakunang natutuklasan laban sa coronavirus disease
Sa ngayon ay wala paring gamot na natutuklasan laban sa coronavirus disease. Dahil sa ito ay isang uri ng virus ay hindi ito malulunasan ng mga antibiotics. Hindi rin daw totoo na maaring malunasan ng pagpapatak ng saline drops sa ilong ang sakit. Bagamat isang mabisang paraan ito upang malunasan ang sipon. Wala paring bakuna ang nagagawa bilang proteksyon laban rito. Dagdag na paglilinaw ng WHO ay hindi maaring proteksyonan ng anti-pneumonia vaccine ang isang tao mula sa sakit. Upang maka-recover mula sa sakit ay tinutulungan ang mga COVID-19 patients na maibsan ang mga sintomas na kanilang nararanasan. Kaya naman sa ngayon, napakahalagang paalala ng WHO na mag-ingat laban sa sakit. At hangga’t maari ay makinig at sumunod sa lahat ng hakbang o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source tulad ng DOH at WHO.
SOURCE: CDC, WHO, theAsianparent PH
BASAHIN: ATM at iba pang mga bagay kung saan maaaring mahawa ng COVID-19