Coronavirus Philippines latest news: Unang biktima ng 2019-nCov na nasawi sa labas ng China naitala dito sa Pilipinas.
Coronavirus Philippines latest news
Ayon sa WHO umabot na sa 14, 380 ang kumpirmadong kaso ng sakit na novel coronavirus o 2019-nCov sa buong mundo. Karamihan sa mga ito ay nasa China na kung saan naiulat ang higit na 300 na biktima ng sakit na ang nasawi. At nitong Sabado, February 1, 2020 ibinalita ng DOH na sa unang pagkakataon ay may nasawi dahil sa sakit dito sa Pilipinas. Ito rin ang first recorded novel coronavirus death na naiulat na nangyari sa labas ng bansang China. Ang bansang kung saan nagmula umano ang virus.
Isa sa Chinese na kumpirmadong infected ng novel coronavirus pumanaw na
Base pa rin sa pahayag ng DOH ang naiulat na nasawi dahil sa 2019-nCov dito sa bansa ay isang lalaki, 44-anyos at isang Chinese. Siya ay ang boyfriend ng 38-anyos na babaeng Chinese national na unang kumpirmadong kaso ng sakit dito sa Pilipinas.
Ayon pa rin sa DOH, ang mag-partner na Chinese ay galing umano sa Wuhan, China. Ang lugar na pinaniniwalaang pinagsimulan ng virus. Sila ay dumating dito sa Pilipinas mula Hongkong noong January 21, 2020. Una silang lumapag sa Cebu sakay ng Cebu Pacific flight 5J 241 noong nasabing araw. Saka muling sumakay ng Cebu Pacific flight DG 6519 mula Cebu to Dumaguete.
Mula naman sa impormasyong ibinigay ng Philippines Airlines, sinabi nilang naisakay din nila ang magkasintahan sa kanilang PR 2542 flight mula Dumaguete to Manila noong January 25. Kaya naman dahil dito ay kinokontak ng dalawang airlines ang lahat ng nakatabi at nakasama ng dalawang Chinese sa mga nasabing flights. Una nang inilagay sa quarantine ang mga crew sa mga nabanggit na flights. At na-disinfect na rin ang aircraft na ginamit sa mga flights na ito.
Dahil sa severe pneumonia
Pagbabalita naman ng DOH, ang magkasintahang Chinese ay parehong na-admit at na-isolate sa San Lazaro Hospital sa Maynila. Bagama’t unang nakumpirma na ang babaeng Chinese ang positibo sa sakit, nagpakita daw ng mas nakababahalang sintomas ang boyfriend nito. Dahil dito, siya ay dinala sa ospital matapos makaranas ng lagnat, ubo at sore throat. Habang ang babaeng Chinese naman ay mild cough lang ang naranasan. At sa ngayon ay hindi na nagpapakita ng kahit anong sintomas ng sakit o siya ay asymptomatic na.
Kwento pa ng DOH, habang naka-isolate at tumatanggap ng treatment ang lalaking Chinese ay lumala daw ang kondisyon nito. Siya ay nagkaroon ng severe pneumonia na naging dahilan ng kanyang pagkamatay noong February 1, 2020, Sabado.
Image from Unsplash
“Over the course of the patient’s admission he developed severe pneumonia. In his last few days, the patient was stable and showed signs of improvement. However, the condition of the patient deteriorated within the last 24 hours resulting in his demise.”
Ito ang pahayag ni Department of Health Secretary Francisco T. Duque III ukol sa first reported death ng 2019-nCov dito sa bansa.
DOH: Wala dapat ipag-alalala ang mga Pilipino
Pero magkaganoon man, ayon kay DOH Sec. Duque ay wala dapat ipag-alala ang mga Pilipino. Dahil ang kaso ng Chinese ay isang imported case na wala pang napatunayang local transmission o nahawaan dito sa Pilipinas.
“I would like to emphasize that this is an imported case with no evidence of local transmission. We are currently working with the Chinese Embassy to ensure the dignified management of the remains according to national and international standards to contain the disease.”
Ito ang kanyang pahayag.
Sa ngayon ay may 34 pang katao ang under observation ng DOH nang dahil sa sakit. 30 naman sa mga ito ang nag-negatibo sa virus. Habang ang apat ay patuloy pang sinusuri ang specimen ng RITM o Research Institute for Tropical Medicine.
Pagpapatupad ng temporary travel ban sa mga biyaherong mula China
Kaugnay nito ay nagpatupad na rin ng temporary travel ban ang Pilipinas sa mga biyahero mula China. Exempted lang sa nasabing ban ang mga Filipino citizens at holders ng permanent resident visa dito sa Pilipinas.
“The Philippine Government has already implemented a temporary travel ban for travelers coming from China, Macao, and Hong Kong. DOH is monitoring every development on the 2019-nCoV very closely and is taking proactive measures to contain the spread of this virus in our country. This health event is fast-evolving and fluid. We are continuously recalibrating our plans and efforts as the situation develops.”
Ito ang pagsisiguro ni Duque sa ginagawa nilang efforts para makontrol ang pagkalat pa ng sakit sa bansa.
“We are providing the public with constant updates and advisories as frequently as possible, so all I ask from the public now is to heed the advisories from official DOH channels and to refrain from sharing unverified and unvalidated information. I assure the public that we will keep you abreast of any information that we have.”
Ito ang dagdag pa ni Sec. Duque.
Ngunit maliban sa mga efforts na kanilang ginagawa, patuloy pa rin nilang pinapaalalahanan ang lahat na protektahan ang sarili laban sa sakit. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-oobserve ng proper hygiene. Tulad ng palaging paghuhugas ng kamay. Pagsusuot ng mask kung pupunta sa mga matataong lugar. Pagtatakip sa bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing. Pagluluto ng pagkain nang maayos. At patuloy na pagkain ng masustansyang pagkain para may resistensya at panglaban ang katawan sa mga sakit.
SOURCES: CNN, NY Times, DOH
BASAHIN: Paano mo mapoprotektahan si baby sa novel coronavirus?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!