Corporal punishment in the Philippines, ikinundena ng Department of Education.
Gurong nanakit ng estudyante
Naging viral sa social media ang video ng isang gurong nakuhanan na kinurot at sinampal ang kaniyang estudyante.
Sa video ay makikitang tila tinuturuan ng guro ang bata na magbasa ngunit bigla nalang niya itong sinampal at kinurot niya ito sa bibig.
Ang naturang video ay kuha umano sa Lahug Elementary School sa Cebu City. Na kung saan ang estudyanteng sinaktan ng guro ay isang Grade 5 student na itinago sa alyas na “Annabel.”
Hindi pinalampas ng mga netizen ang hindi kanais-nais na tinuran ng guro sa kaniyang estudyante. Kaya naman i-shenare ang video ng maraming beses hanggang sa mapukaw nito ang pansin ng Department of Education.
Ayon sa imbestigasyon ng DepEd Cebu City sa pamumuno ng legal adviser ng ahensya na si Atty. Bienvenido Jaban, nahihirapan umano ang batang magbasa sa kaniyang remedial class kaya napuno ang guro at nasaktan niya ito.
Pero hindi daw ito katanggap-tanggap na rason para saktan ng guro ang batang estudyante. Kaya dahil sa kaniyang nagawa ay maaring maharap sa reklamo ang guro habang patuloy paring iniimbestigahan ang insidente.
“It could be considered as corporal punishment. So she may be facing grave misconduct or simple misconduct in accordance sa DepEd [rules] regarding child abuse,” pahayag ni Jaban.
Corporal Punishment in The Philippines
Una ng kinundena ni DepEd Secretary Leonor Briones ang corporate punishment in the Philippines. At pinaalalahanan ang mga guro na suportahan ang magandang layunin ng ahensya at protektahan ang karapatan at kapakanan ng kanilang mag-aaral.
“While the DepEd is one with the belief that education should also instill and reinforce the values of respect, responsibility, and discipline—it does not, without reservations, condone any act of violence or abuse in the conduct thereof,” ani ni Briones sa isang pahayag.
Para maprotektahan ang mga bata mula sa corporal punishment ay isang batas ang sinusulong nina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Grace Poe, former Sen. Nancy Binay at Leila de Lima.
Ito ay ang Senate Bill 1477 o Positive Discipline of Children Act na naglalayong ma-protektahan ang mga minors mula sa kahit anong uri ng physical at mental violence. Sa ilalim ng batas ay ipinagbabawal ang pamamalo, paninipa, pananampal o pananakit sa kahit anong parte ng katawan ng isang bata, may gamit mang instrument o wala.
Nialayon din ng batas na ipagbawal ang mga verbal abuse o assaults sa mga bata. Kabilang dito ang intimidation, threat, swearing, pamamahiya, pagmumura at pagmumukhang mangmang ng isang bata sa harap ng kaniyang mga kaibigan o sa publiko.
Ngunit nito lamang Pebrero 2019 ay hindi sinang-ayunan ni Pres. Duterte ang batas na ito. Mariin niyang tinukoy ang kahalagahan ng corporate punishment in the Philippines na isa daw epektibong paraan ng pagdidisiplina sa mga bata. Pero ito daw ay dapat sa paraan na hindi masosobrahan o maabuso ang karapatan nila.
“I am of the firm conviction that responsible parents can and have administered corporal punishment in a self-restrained manner, such that the children remember it not as an act of hate or abuse, but a loving act of discipline that desires only to uphold their welfare,” sabi ni Pres.Duterte sa isang mensahe.
“Such manner of undertaking corporal punishment has given rose to beneficial results for society with countless children having been raised up to become law-abiding citizens with a healthy respect for authority structures in the wider community,” dagdag pa niya.
Sources: Inquirer, PNA, ABS-CBN News, Rappler
Photo: Yahoo News
Basahin: DICT, gustong ipagbawal ang paggamit ng social media para sa assignments
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!