Sa panahon ngayon, ang paggamit ng teknolohiya ay bahagi na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Kahit nga mga maliliit na bata ay sanay nang gumamit ng mga gadgets, at magpunta sa iba’t-ibang sites sa internet. Kaya rin pati mga guro ay nakikisabay na sa teknolohiya sa pamamagitan ng social media in schools, lalo na sa mga assignments.
Ngunit ayon sa DCIT, o Department of Information and Communications Technology, nais nilang ipagbawal ang gawaing ito ng ilang mga guro.
DICT, tutol sa social media in schools
Plano raw ng DICT na maglabas ng memorandum circular upang ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga assignments o school work ng mga bata.
Ayon kay Information Technology Officer Gen Macalinao , “So one of the salient points of the circular that we are working on, because one of the DICT’s mandate is to formulate policies and initiatives on cybersecurity in coordination with the DepEd (Department of Education) and Ched (Commission on Higher Education), is for academic institutions to cease using social media.”
Mas makabubuti raw kung idaan na lamang sa email sa halip na social media ang ganitong klaseng mga assignments. Ito ay dahil sa mga pangamba tungkol sa cybersecurity, lalong-lalo na at mayroong mga taong nangha-hack ng mga social media accounts.
Sinusuportahan rin daw sila ng ilang mga magulang na nagreklamo tungkol sa ganitong gawain ng mga guro. Nakakadistract rin daw kasi ang paggamit ng social media, kaya’t mas mabuting iwasan na lang ito ng mga teacher at mga bata.
Hindi dapat sumobra sa paggamit ng social media ang mga bata
Bagama’t sa panahon ngayon ay parang lahat na yata ng tao ay gumagamit ng social media, hindi nito ibig sabihin na dapat ay sumabay sa uso ang mga bata.
Importanteng limitahan ng mga magulang ang paggamit ng social media, dahil hindi rin naman ito kailangan ng mga bata. Sa kanilang edad, mas mabuti kung sila ay nakakalabas at nakikipaglaro kasama ang kanilang mga kaibigan.
Bukod dito, kailangan ring bawas-bawasan ang screen time ng mga bata, at kung maaari ay gumamit lang ng gadgets o computer kung kinakailangan.
Mahalaga ang pagiging pamilyar sa teknolohiya, ngunit kailangan ring magkaroon ng balanse pagdating sa paggamit nito.
Source: Inquirer
Basahin: Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat gaanong nagshe-share sa social media
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!