Corporal punishment sa Pilipinas, mabisa nga bang paraan ng pang-didisiplina sa mga bata?
Gurong namahiya ng kaniyang estudyante
Isang guro na naman ang nahaharap sa reklamo dahil umano sa pananakit at pamamahiya sa kaniyang estudyante.
Ayon sa lola ng estudyante na si Salve Bañez, 47-anyos, pinahiya at pinalabas daw sa klase ang kaniyang apo dahil lamang sa card na nalimutan nitong dalhin at ibalik sa kaniyang guro.
Hindi daw sana nila ito malalaman, kung hindi lang nagsumbong ang kakilala nilang nakarinig at nakakita ng ginawa ng guro. Mas napatunayan nga nila ito sa pamamagitan ng CCTV na kung saan kitang-kita nga ang nangyari.
“Dahil lang sa card, pinalabas niya ang apo ko, binalibagan niya ng upuan. Ilang minuto niya pinag-stay sa labas. Tapos sabi niya nakalimutan niya ng balikam dahil nagsulat na siya sa blackboard ng lesson niya. Sinabi niya din na manigas ka diyan.”
Ito umano ang sumbong kay Lola Salve ng saksi sa ginawa ng guro sa kaniyang apo. Ngunit dagdag pa niya, hindi lang ito ang ginawa ng guro sa kaniyang apo, bago pa ang insidente ay sinaktan niya narin ito.
“One time daw na nag-ingay yung apo tinuktukan niya sa ulo. Tapos sabi nung classmate ng apo kong kambal tinuktukan ng suklay yung apo. Kaya pala nagtaka yung mommy niya nung pinaliguan medyo may sugat-sugat siya sa ulo.”
Ito ang dagdag na kwento ni Lola Salve.
Na-trauma ang bata
Kaya naman dahil sa nangyari ay humihiling si Lola Salve at ang ina ng batang estudyante na mabigyan ng leksyon ang abusadong guro. Lalo pa’t kanilang inaakala na sa kamay ng mga guro ay ligtas ang kanilang mga mahal na estudyante.
“Noong tinanong ko kung totoo yun, umiyak siya bigla. Doon siya naging emotional. Syempre nasa trabaho kaming mag-asawa hindi namin akalain na gaganunin ang anak ko. Ang alam namin kapag magulang ka once na hinatid mo yung anak mo sa school ok na safe na tapos mismong sa room niya, gaganunin siya. Papahiyain siya.”
Ito ay ang pahayag ng ina ng estudyante na si Rosemil Edroso, 26-anyos.
Image from Unsplash
“Isa lang po ang gusto ko sa teacher na yan, ang mabigyan ng leksyon. Dahil ang ginawa niya sa apo ko hindi makatarungan. Kasi malaking impact yun sa apo ko, matrautrauma siya.”
Ito ang hinaing ni Lola Salve na sinabing na-trauma ang Grade 2 niyang apo sa nangyari.
Guro dinisiplina lang umano ang bata
Ngunit depensa at paghihingi ng tawad na guro, wala siyang intensyong saktan ang bata. Ang gusto niya lang ay disiplinahin ito.
“Yung ginawa ko,ang intensyon ko lang po doon ay bigyan ng disiplina. Wala po akong intesyon na saktan ang bata. Yun pong mali ko pong iyon ay hinihingi ko po ako ng pasensya o tawad.”
Ito ang pahayag ng guro na si Melita Limjuco, 55-anyos.
Ngunit ang paghingi ng tawad ay hindi sapat kay Lola Salve at Mommy Rosemil. Gusto nilang tuluyan ng mawalan ng lisensya at magpahinga na sa pagtuturo ang guro. Para hindi na ito makapanakit ng iba pang estudyante.
Update: Ayon sa mamamahayag na si Raffy Tulfo, ay susubukan niyang pagbatiin ang dalawang kampo at mabigyan nalang ng mas mababang sanction ang guro. Ito ay matapos umalma ang mga netizen at iba pang mga guro sa hiling na maalisan ng lisensya ang inirereklamo. Masyado daw mabigat ang parusang ito, lalo pa’t ang layunin lang ng guro ay disiplinahin ang kaniyang estudyante.
Corporal punishment sa Pilipinas
Kamakailan lang ay naging mainit na usapin ang corporal punishment sa Pilipinas. Ito ay matapos hindi pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbabawal rito. Dahil paniniwala ng Pres. Duterte ang corporal punishment sa Pilipinas ay isang epektibong paraan ng pagdidisiplina sa mga bata. Ngunit ito daw ay dapat sa paraang hindi masusobrahan o maaabuso ang karapatan ng isang bata.
Image from Unsplash
“I am of the firm conviction that responsible parents can and have administered corporal punishment in a self-restrained manner, such that the children remember it not as an act of hate or abuse, but a loving act of discipline that desires only to uphold their welfare,” sabi ni Duterte sa isang mensahe.
“Such manner of undertaking corporal punishment has given rose to beneficial results for society with countless children having been raised up to become law-abiding citizens with a healthy respect for authority structures in the wider community,” dagdag pa niya.
Pahayag ng DepEd
Para naman kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang corporal punishment ay hindi katanggap-tanggap kahit ito pa ay naglalayong maturuan ang isang bata. Kaya naman hinikayat at pinaalalahanan niya ang mga guro na suportahan ang magandang layunin ng kanilang ahensya. At protektahan ang karapatan at kapakanan ng kanilang mag-aaral.
“While the DepEd is one with the belief that education should also instill and reinforce the values of respect, responsibility, and discipline—it does not, without reservations, condone any act of violence or abuse in the conduct thereof”, ani ni Briones sa isang pahayag.
Source:
Raffy Tulfo In Action, Inquirer News,PNA
BASAHIN:
3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!