Sa kanyang national address, Pangulong Duterte, sinabi na baka handa na sa mga susunod na araw ang COVID-19 cure Philippines. Kaya naman kanyang pakiusap, huwag na munang lumabas at sumunod sa kanya para mas mapabilis ang pagpuksa sa sakit.
COVID-19 cure Philippines
Image from Freepik
Binanggit ng Pangulo na mayroong “killer antibodies” na maaaring maging lunas para sa COVID-19 at malapit na raw itong matapos. Aniya, ang pag-aaral ay pinangungunahan ng mga top pharmaceuticals at sila ay nakahanap na ng antibody treatment.
“The experiments are getting into high gear. Baka makakita tayo ng lunas in a few days,” pahayag ng Pangulo.
Ito raw ay posibleng matapos na sa Mayo at kung ito ay mai-produce na, puwede na niyang i-lift ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Bagama’t aminado siya na matatagalan pa bago magkaroon ng bakuna para sa COVID, umaasa naman siya na ang medisinang ito ay magiging sapat.
“Sabi, ang bakuna is about 2021. Pero ‘yung ibang medisina, ‘yung mga killer antibodies, andiyan na ata. Kung mabili ‘yan in mass production, mabigyan ng quota ‘yung Pilipinas, I will lift the quarantine. Ang medisina lang kailangan ko,” dagdag niyang pahayag.
Gayunpaman, nananatili ang Pilipinas na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia. Ito ay ang kasalukuyang bilang bago pa man magsimula ang pinaplanong targeted mass testing.
Dexamethasone laban sa sakit na COVID-19
Isang magandang balita para sa lahat ang pagkakatuklas na ang gamot na Dexamethasone ay nakakatulong umanong makapagpagaling ng mga pasyenteng dinapuan ng sakit na COVID-19. Ito ay base sa resulta ng ginawang pag-aaral ng grupo ng mga researchers mula sa Oxford University. Sa pamamagitan ito ng pagkukumpara sa naging resulta ng kondisyon ng 2,000 hospital patients na nabigyan ng gamot at higit sa 4,000 na pasyenteng hindi nabigyan nito.
Image from UNILAB
Ang gamot ay ibinigay sa pamamagitan ng intravenous injection at tablet form sa mga pasyente.
Ayon sa mga researchers, binawasan ng Dexamethasone ang tiyansa ng mga COVID-19 patients na masawi ng dahil sa sakit. Nasa 40% hanggang sa 28% ang naibawas na tiyansa ng pagkakasawi sa mga COVID-19 patients na naka-ventilalors at nabigyan ng gamot. Habang nasa 25% to 28% naman ang tiyansa ng pagkakasawi na naibawas sa mga taong may COVID-19 na naka-oxygen. Pero dagdag nila ang sakit ay nakakatulong lang sa mga COVID-19 patiens na nasa malubhang kalagayan o yung mga nahihirapan ng huminga. At hindi ito nakitang nakatulong sa mga taong may milder symptoms lang ng sakit. Hindi rin ito maaring ibigay sa mga COVID-19 patients na buntis at nagpapasuso.
Ano ang gamot na Dexamethasone at saan ito ginagamit?
Bagamat malaking bagay ang ambag nito sa laban ng buong mundo sa sakit na COVID-19, ang Dexamethasone ay isang murang gamot na matagal ng available.
Image from Freepik
Ito ay isang uri ng steroid na ginagamit upang mabawasan ang inflammation na idinudulot ng ilang health conditions. Tulad ng mga inflammatory disorders, cancers, severe asthma, severe allergic reactions, inflamed joints, rheumatoid arthritis at lupus. Ito nga ay kabilang sa WHO Model List of Essential Medicines mula noong 1977 na available sa maraming bansa sa buong mundo.
Paliwanag ng mga eksperto, tinutulungan nito ang isang COVID-19 patient na gumaling mula sa sakit sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang immune system. At sa pagbabawas ng inflammation na nararanasan ng kanilang katawan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source:
GMA News
Basahin:
Mas at risk ang mga lalaki sa COVID-19, ayon sa pag-aaral
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!