Sa pag-aaral na isinagawa, napag-alaman na hindi nirerekomenda at epektibo ang pagsuot ng face mask at valve mask na pangontra sa COVID-19.
STUDY: Face shield at valve mask, hindi epektibong pangontra laban sa COVID-19
Sa pandemya na nararanasan, kasama na sa ating outfit ang pagsusuot ng face mask o face shield. Iba’t-ibang klase ng face mask ang sinusuot ng mga tao kapag sila ay lumalabas. Nariyan ang surgical mask, cloth mask, N95 mask o valve mask. required na rin ang pagsusuot ng face shield sa Metro Manila lalo na kung lalabas ka at mamamalengke.
Ngunit sa bagong pag-aaral na isinagawa mula sa Florida Atlantic University’s College of Engineering and Computer Science, napag-alaman na hindi nakakatulong sa pagtigil ng COVID-19 ang pagsusuot ng valve at face shields.
Sa pag-aaral na ito, gumawa sila ng qualitative visualizations para mapakita kung paano dumadaloy ang hangin at maliliit na droplets kapag nakasuot ng face shield at valve mask ang isang tao. Nakatulong ang laser light sheet at ang mixture ng distilled water at glycerin para sa fog na ginamit dito. Dito mapapakita ang visualized droplets na galing sa bibig ng mannequin habang ito ay umuubo at bumabahing. Ang mannequin na ito ay nakasuot ng N95 valved mask. Nakita kung saan at paano lumalabas ang droplets habang nakasuot ito.
Ayon sa department chair, professor, at director ng SeaTech na co-author ng nasabing pag-aaral,
“From this latest study, we were able to observe that face shields are able to block the initial forward motion of the exhaled jet, however, aerosolized droplets expelled with the jet are able to move around the visor with relative ease.”
Habang sang-ayon naman si John Frankenfeld rito.
“Over time, these droplets can disperse over a wide area in both lateral and longitudinal directions, albeit with decreasing droplet concentration.”
Para naman sa face shield, gumamit ang mga researcher ng horizontal laser sheet at vertical laser sheet na ipapakita kung paano gumala ang droplets sa hangin. Mapapansin rin ang pagpunta ng droplets sa iba’t-ibang direksyon.
Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA
Nilinaw ng Food and Drug Administration o FDA na hindi napipigilan ng face mask na may mga valve ang pagtigil ng COVID-19 sa paligid. Dagdag pa nito, ang valved mask na ito ay hindi dinesenyo para sa medikal na gamit. Kadalasan kasi itong ginagamit sa mga industrial use katulad sa construction site na pangsala ng mga alikabok.
Ayon sa director-general ng Food and Drug Administration (FDA) na si Eric Domingo, maaari namang mag suot ng valved mask ngunit kailangan ito ay sa open area lamang at ang dalawang tao ay kailangang magkalayo ng 1-2 meters.
Mahigpit din itong pinagbabawal ang pagsusuot sa mga ospital o ‘yung may mga active exposure ng COVID-19.
“Karamihan po kasi sa masks na may valve, hindi po registered iyan as a medical device. Designed po sila for industrial use, sa mga construction workers, karpintero. Ang talaga kini-keep out niya ‘yung abo o particles. Hindi siya designed for infection control.”
Dagdag pa nito na nasasala nito ang bacteria na papasok ngunit hindi ang paglabas. Mas makabubuti pa ang pagsusuot ng surgical mask sa pagpigil ng COVID-19, ayon rito.
“Kung ang gumagamit halimbawa ‘nung mask na ‘yon ay mayroong virus, mayroon siyang sakit. Kapag buga niya ng hangin maaaring lumabas doon sa valve. Kaya maaaring ma-expose ‘yung ibang tao.”
Bukod sa pagbabawal sa ospital na magsuot nito, hindi rin inaabiso na magsuot ng valve mask sa mga closed area katulad ng office o restaurant.
Source:
BASAHIN:
Buntis, patay matapos mahawaan ng COVID-19 sa mismong surprise baby shower
4 Free online doctor consultation services ngayong may COVID-19 pandemic
Anong dapat gawin kapag nag-positibo sa COVID-19 habang buntis?