Karamihan ng positibong COVID-19 patients sa Cebu asymptomatic o hindi nakaranas ng sintomas ng sakit. Ito ay ayon sa pahayag ni Cebu City Mayor Edgardo Labella.
COVID-19 patients sa Cebu asymptomatic ang karamihan
Base sa pinaka-latest data ng Cebu City government mayroong 1,749 residente sa lungsod ang lumabas na positibo sa COVID-19. Ayon nga kay Cebu City Mayor Edgardo Labella, 95% sa mga ito ang asymptomatic o hindi nakaranas ng kahit anumang sintomas ng sakit.
“As of yesterday, [we have recorded] 1,749 positive cases, but 95 percent are asymptomatic.”
“Sila ang medyo delikado. They don’t have the symptoms, walang lagnat, walang ubo and they go around so we isolate them.”
Ito ang pahayag ni Mayor Labella sa dinaluhang virtual press briefing kahapon, May 19.
Dagdag niya pang pahayag, natukoy nila ang mga asymptomatic COVID-19 patients sa pamamagitan ng kanilang effective at extensive contact tracing. Na kung saan nagtulungan at nagkaisa ang mga DOH personnel, barangay health workers, policemen, at health department personnel ng lungsod.
“We finish contact tracing in 24 to 36 hours. In fact, more than 10,000 people [who were exposed to COVID-19 patients] have been tested with 35,000 RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) test kits, while 8,000 others were tested with rapid-test kits.”
Ito ang pahayag pa ni Mayor Labella na sinabi ring kasalukuyang nagsasagawa ng mass testing sa kanilang lungsod. Ito ay upang matukoy ang iba pang maaring positbong kaso ng sakit.
Mass testing sa Cebu City
Para nga makumbinsi ang mga Cebuano na sumailalim sa testing ay ito ang naisipang istratehiya nila Mayor Labella.
“Of course, there are those who are scared to be tested, so our information drive is called Be a Hero. Because having yourself tested is not only for your benefit, but for the benefit of people whom you love and care about. You will be a hero to them,” pahayag pa ni Mayor Labella.
Maliban sa hakbang na ito ay inihiwalay o inisolate na umano nila ang mga COVID-19 asymptomatic cases sa lungsod. Ito ay upang maiwasang makahawa pa ang mga ito ng iba. Ayon parin kay Mayor Labella, ang hakbang na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit may mababang mortality rate ang Cebu City.
“Our mortality rate is at .091% because we were immediately able to isolate the 95% who are asymptomatic to our barangay isolation centers.”
Ito ay dagdag pang pahayag ni Mayor Labella.
Base sa isang report as of May 18, mayroon ng naitalang 15 nasawi sa lungsod dahil sa COVID-19. Habang may 25 katao naman ang naiulat na tuluyang naka-recover mula rito.
Sa ngayon, tulad ng Cebu City ay nagsasagawa rin ng mass testing sa mga lungsod ng Lapu-Lapu at Mandaue.
Ayon nga kay Office of Presidential Assistant for the Visayas Assistant Secretary Jonji Gonzales, nasa 46,000 households sa tatlong lungsod ang sasailalim sa mass testing. Ito ay katumbas ng 10% ng kabuuang bilang ng household o kabahayan sa tatlong lungsod.
Anong ibig sabihin ng asymptomatic?
Ayon sa health online health information directory na Patient, ang asymptomatic ay tumutukoy sa mga taong nagtataglay ng virus ngunit hindi nagpapakita ng pangunahing sintomas ng COVID-19. Bagamat karamihan ng mga pasyenteng asymptomatic umano ang nakaranas ng kawalan ng panlasa o loss of sense of smell.
Para nga matukoy ang isang asymptomatic na siya pala ay positibo sa virus ay isa nga lang ang natatanging paraan. Ito ay sa pamamagitan ng pagsailalim sa COVID-19 antibody test.
“Being asymptomatic means that you have no symptoms. However, there are reports of loss of sense of smell in asymptomatic people. Technically even that is a symptom.”
“If you live in a house with people with probable COVID-19 infection and you have no symptoms, you may be an asymptomatic case. You will not know for sure until we have an antibody test.”
Ito ang pahayag mula sa isang artikulo na nailathala sa Patient.
Paano maiiwasang maihawa o mailkalat ang sakit?
Ayon naman kay William Petri, professor of medicine and microbiology sa University of Virginia, USA, kahit na hindi umuubo ang isang COVID-19 asymptomatic patient ay maihahawa parin niya ang virus sa iba. Ito ay sa pamamagitan ng normal exhalations o paghinga. Pati na sa mga surfaces o gamit na nahawakan ng taong asymptomatic na maaring nakapitan ng virus mula sa bahing o hininga niya. Ito umano ang dahilan kung bakit mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat na magsuot ng mask.
Dagdag pa niya maliban sa pagsusuot ng mask ay dapat ding mag-self quarantine ang sinumang na-expose sa virus may sintomas man o wala. Ito ay hindi dapat bababa sa loob ng dalawang linggo o 14 na araw. Dahil sa ito ang incubation period ng sakit o ang mga panahon na magpapakita ng sintomas ang taong infected nito na mas nagpapataas ng tiyansa ng mas mabilis na pagkalat ng virus.
Source:
Patient, Science Alert, WHO, ABS-CBN News, GMA News
Sabihin:
COVID-19 positive, nangyakap ng kapitbahay dahil ayaw madala sa ospital
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!