Isang COVID-19 positive, niyakap ang mga kapitbahay niya nang malaman nito na dadalhin siya sa ospital. Bakit nga ba siya nagalit at ano ang buong kuwento?
COVID-19 positive, niyakap ang mga kapitbahay
Sa Jakarta, Indonesia, isang 40 years old na lalaki ang nagpositibo sa COVID-19 at hindi pumayag na ma-isolate. Dahil dito, pinuntahan siya ng isang team ng healthcare workers at pinakiusapan na sumama sa ospital.
Nagsimula umano itong magalit lalo nang i-record siya ng kanyang mga kapitbahay habang dinadala ng mga healthcare workers. Dito na siya nanlaban at sumigaw na, “what are you staring at? I will hug you all, you will soon be people under monitoring” habang nanghahabol at nangyayakap ng mga tao sa paligid.
Image from Freepik
Sa huli ay napapayag din siyang madala sa ospital at siya ngayon ay naka-quarantine sa isang isolation room.
Pahayag pa ng Deputy Mayor, “I have ordered a team to forcibly take the patient, because if not, it would be dangerous for the neighborhood if transmission occurs.”
Paano nahahawa sa COVID-19
Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:
- Lagnat
- Dry cough
- Pagkaramdam ng pagod
- Hirap sa paghinga
Image from Freepik
May iba naman na nakakaranas ng:
- Sore throat
- Diarrhea
- Runny nose
- Nausea
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
Sa kasalukuyan, mayroon ng 12,178 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at 2,729 na ang nakaka-recover habang 831 naman ang mga namatay.
Agad ka bang mahahawa kung nag-contact sa isang COVID patient?
Ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng person-to-person contact. Ibig sabihin, maaaring mahahawaan ka kapag malapit ka sa isang taong infected na umubo o bumahing. Ang respiratory droplets ay maaaring maipasa sa bibig at ilong ng mga malalapit na tao at malanghap sa baga.
Kaya naman napakahalaga na gawin ang mga sumusunod upang protektahan ang iyong sarili:
- Wash your hands gamit ang sabon at tubig ng 20 segundo, lalo na kapag galing sa pampublikong lugar o pagkatapos suminga, umubo, bumahing, o gumamit ng banyo.
- Gumamit ng sanitizer or alcohol na may at least 60% alcohol. Siguraduhing linisin ang kamay hanggang matuyo ang alcohol.
- Iwasang hawakan ang mga mata, ilong, at bibig hangga’t hindi naghuhugas ng kamay.
- Idistansiya ang sarili sa ibang tao (social distancing) kung ang COVID-19 ay kumalat na sa inyong baranggay
- Linisin at i-disinfect ang lahat ng mga hinawakang bagay
Mayroon na bang gamot sa COVID?
Image from Freepik
Isang magandang balita para sa lahat ang pagkakatuklas na ang gamot na Dexamethasone ay nakakatulong umanong makapagpagaling ng mga pasyenteng dinapuan ng sakit na COVID-19. Ito ay base sa resulta ng ginawang pag-aaral ng grupo ng mga researchers mula sa Oxford University. Sa pamamagitan ito ng pagkukumpara sa naging resulta ng kondisyon ng 2,000 hospital patients na nabigyan ng gamot at higit sa 4,000 na pasyenteng hindi nabigyan nito.
Ang gamot ay ibinigay sa pamamagitan ng intravenous injection at tablet form sa mga pasyente.
Bagama’t malaking bagay ang ambag nito sa laban ng buong mundo sa sakit na COVID-19, ang Dexamethasone ay isang murang gamot na matagal ng available.
Ito ay isang uri ng steroid na ginagamit upang mabawasan ang inflammation na idinudulot ng ilang health conditions. Tulad ng mga inflammatory disorders, cancers, severe asthma, severe allergic reactions, inflamed joints, rheumatoid arthritis at lupus. Ito nga ay kabilang sa WHO Model List of Essential Medicines mula noong 1977 na available sa maraming bansa sa buong mundo.
Paliwanag ng mga eksperto, tinutulungan nito ang isang COVID-19 patient na gumaling mula sa sakit sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang immune system. At sa pagbabawas ng inflammation na nararanasan ng kanilang katawan.
Source:
Inquirer, The Jakarta Post
Basahin:
COVID toes at iba pang rashes, maaaring pinakabagong sintomas ng virus
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!