Tingnan dito ang madamdaming kuwento ng isang nanay na street vendor na mag-isang tinataguyod ang mga anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
Madamdaming kwento ng isang nanay na street vendor

Viral ngayon sa social media ang video ng isang nanay na street vendor. Ang nasabing ina kasama ang dalawa niyang anak sa kalsada habang nagtitinda. Ito ay sa kabila ng malamig na panahon at ingay ng lansangan.
Na-feature ang nanay na street vendor sa vlog ng isang painter na natuwa silang tingnang mag-iina. Ang vlogger bumili ng paninda ng nanay habang ipinipinta ito at mga anak niya. Kinakausap niya rin ito at ini-interview kung bakit ganito ang kalagayan nila.
Ayon sa kahanga-hangang ina, mag-isa nalang siyang tumataguyod sa dalawa niyang anak. Ang panganay niyang lalaki ay may sakit pa. Ito ay may congenital heart disease at pabalik-balik sa ospital para magpagamot. Kwento pa ng ina, wala na daw ang ama ng anak niyang lalaki. Ito daw ay nag-suicide dahil sa hindi kinaya ang pressure sa sakit at pagpapagamot sa anak.
Watch on TikTok
Paano niya itinataguyod ng mag-isa ang mga anak
Sa ngayon mag-isa siyang nagsisikap para mapagamot ang may sakit niyang anak. Maliban sa anak niyang lalaki ay karga-karga niya rin ang anak niyang babae. Ito ay mukhang nasa isa hanggang dalawang taong gulang palang.
Kuwento ng huwarang ina, hiwalay narin sila ng ama ng kaniyang anak na babae. Ito ay dahil hindi daw tanggap na pamilya nito ang anak niyang lalaki na may sakit. Kaya naman noong papiliin siya na palayasin ang anak na lalaki, ay hindi na nag-isip ang street vendor. Sila ay magkakasamang umalis ng mga anak niya at tuluyang nakipaghiwalay na sa asawa niya.

Sa edad na 28-anyos ay ito na ang mabigat na responsibilidad na hinaharap ngayon ng naturang ina. Nang mapanganak daw ang panganay niyang lalaki ay ito na daw ang kaniyang ginagawa para masigurong maibibigay ang pangangailangan nito. Pangarap niya sa mga anak na makatapos sa kanilang pag-aaral. Kaya naman lahat gagawin niya para sa mga ito.
Ang naturang ina ay ginagawa ang kahit ano mang trabaho. Dati narin daw itong naging construction worker at tower crane operator. Sa kabila ng mabigat niyang responsibilidad ang nanay na street vendor nanatiling positive sa buhay. Wala daw lugar ang kalungkutan para sa kaniya at mga anak niya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!