2 year-old, nagpositibo sa COVID-19 matapos pumunta sa mall

Pinapayo ng mga awtoridad at doktor na huwag munang isama sa labas ang bata kung hindi naman sila kailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang bata nagpositibo sa COVID-19 matapos nitong pumunta sa mall.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 2 taong gulang na bata, nagpositibo sa COVID-19
  • Tips para sa mga magulang kung kailangan talagang lumabas ng kanilang anak sa bahay

2 taong gulang na bata, nagpositibo sa COVID-19

Sa isang Facebook ng isang doktor ibinahagi niya na ang isang 2 taong gulang na bata ay nagpositibo sa COVID-19 rapid antigen test tatlong araw matapos nitong pumunta sa mall.

Ayon sa post ng doktor,

“Just diagnosed a 2-yr old kid positive for COVID-19. Asked if he could’ve been exposed to someone or if they went somewhere. Guess what they did? Went to the mall 3 days ago. Please mag-ingat po tayo.”

Matapos umano siyang makitaan ng sintomas ng COVID-19 agad umanong pina-test ng doktor ang bata para sa COVID -19 rapid antigen test. Nang lumabas nga ang resulta, ay positibo nga ito sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Pinost umano niya ito para mabigay paalala sa mga magulang upang mag-ingat upang hindi mahawaan ang kanilang anak ng virus na ito.

Paalala ni doktor,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“If it’s just for leisure, if you can avoid going out then iwas na lang talaga, if hindi na maiwasan, sa open areas with lots of social distancing like parks.

If high ang density ng mga tao sa area, do not remove your masks. There are 4 simple things na we can do to prevent having COVID.

Wear your masks. Use soap and water to clean your hands or if unavailable then use 70% alcohol. Maintain social distancing. Get vaccinated.”

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng Alert level 2 warning para sa COVID-19, kung saan halos lahat ng establisyemento katulad nang mall at parke ay bukas. Kaya naman marami umanong mga menor de edad ang kadalasan nakikita sa mga lugar na ito.

Larawan mula sa Shutterstock

Pero paalala ng mga awtoridad kung hindi naman mahalaga na isa ang bata ay mas maganda rin na ‘wag silang isama. Lalo na sa mga matataong lugar kagaya ng mall.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año mula sa ulat Inquirer,

“That’s very unfortunate. That’s why we are still reminding everyone to follow the public health protocols and for the parents to discern in bringing their kids to the mall to be careful and only if it’s necessary.” 

“While we have low COVID cases, the pandemic is still not over,”

Dagdag pa ng Dr. Maria Van Kerkhove ng World Health Organization (WHO),

“The best way to keep children safe is about prevention…The comprehensive package of interventions that you hear us talk about all the time apply to children as well.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Making sure children have clean hands and they wash their hands appropriately with soap and water and sing the songs so that they get enough bubbles and they make sure that those hands are really clean. Or use an alcohol-based rub.”

BASAHIN:

REAL STORIES: “Dalawang beses inoperahan ang baby namin at nagpositibo pa sa COVID”

Safe at effective ang COVID-19 bakuna sa mga batang 5-11 years old, ayon sa Pfizer

Sanggol hindi man lang napangalanan ng mga magulang niyang nasawi dahil sa COVID-19

Tips para sa mga magulang kung kailangan talagang lumabas ng kanilang anak sa bahay

Inilista namin ang ilang tips para sa inyo parents kung hindi talaga maiiwasan na isama ang inyong anak kapag lumabas ng kayo ng bahay.

  • Umiwas sa mga matataong lugar kagaya ng mall.
  • Ipaalala sa iyong anak na laging isuot ang kaniyang mask.
  • Siguraduhing na may alcohol o sanitizer kayong dala.
  • Mag-alcohol agad kapag may nahawakan na ibang bagay.
  • Sabihin sa kaniya na mahalaga ang social distancing at ipaliwanag ito sa kaniya.
  • Magpabakuna kayo ng iyong asawa at kung pwede na iyong anak na mabakunahan ay pabakunahan siya. 
  • Kapag uwi ng inyong bahay ay hugasan ng mabuti ng inyong mga kamay.
    • Palitan agad ang inyong mga damit at labhan ito.
  • Siguraduhing susundin ang mga health protocol ng Department of Health at mga awtoridad.

Source:

Inquirer, WHO, Unicef

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Marhiel Garrote