Abot-kamay na natin ang epektibong COVID-19 vaccine! Ito ang magandang balita na labis na ikinasasaya ng mga researcher at scientist ngayon sa buong mundo. Ayon sa kanila, COVID-19 pandemic malapit ng matuldukan at magbabalik na rin sa normal ang lahat.
90% effective na COVID-19 vaccine
Mag-iisang taon na ng magsimulang kumalat ang sakit na COVID-19. Sa ngayon base sa pinaka-latest na data, mayroon ng naitalang 50.8 million na naitalang kaso nito sa buong mundo. Higit sa isang milyon sa nasabing bilang ang nasawi dahil sa sakit. Habang may higit na 36 milyon naman ang tuluyan ng gumaling at naka-recover.
Malaki man ang porsiyento ng recoveries ng sakit na COVID-19 ay labis naman ang takot at pangamba na idinulot nito sa atin. Lalo pa’t wala pang nakikitang lunas dito. Tanging vaccine o bakuna lang ang sagot upang maitigil na ang patuloy pang pagkalat nito.
Ngayon, bago matapos ang taon, may magandang balita ang pharmaceutical companies na Pfizer at BioNTech. Dahil ayon sa kanila, mayroon ng COVID-19 vaccine! Ito’y 90% na epektibo base sa mga test na isinagawa nila sa 43,500 na tao. Mula sa anim na bansang US, Germany, Brazil, Argentina, South Africa at Turkey.
“Today is a great day for science and humanity. The first set of results from our Phase 3 COVID-19 vaccine trial provides the initial evidence of our vaccine’s ability to prevent COVID-19.”
“We are reaching this critical milestone in our vaccine development program at a time when the world needs it most with infection rates setting new records, hospitals nearing over-capacity and economies struggling to reopen.”
Ito ang pahayag ni Dr. Albert Bourla, Chairman at CEO ng Pfizer tungkol sa tagumpay ng kanilang COVID-19 vaccine.
Para maging effective ang vaccine ay kailangan ng 2 dose nito
Photo created by jcomp – www.freepik.com
BASAHIN:
Pananakit ng tiyan maaaring sintomas ng COVID-19 sa bata, ayon sa research
STUDY: Face shield at valve mask, hindi epektibong pangontra laban sa COVID-19
Ayon pa rin kay Dr. Bourla, bagama’t ang magandang balita nilang ito ay hindi pa ang resulta ng final analysis ng ginawa nilang test, positibo siyang malapit na malapit ng mahinto ang pagkalat ng COVID-19. Dahil sa higit na 43,000 na taong naging volunteer ng kanilang vaccine test ay 94 lang sa mga ito ang nagkaroon ng COVID-19. Wala ring naitalang negatibong epekto ito sa kalusugan ng iba pang volunteers na naturukan ng vaccine.
Pero ayon pa rin sa kaniya, para ma-achieve ang effectivity ng kanilang vaccine ay kailangan ng dalawang dose ng bawat tao. Ito ay kailangang ibigay na may 3 linggong pagitan. O sa madaling sabi ay magiging effective lang ito sa loob ng 28 days mula ng mabigyan ng nasabing COVID-19 vaccine.
Ang magandang balita at breakthrough na ito ay ninanais ng Pfizer na maibagay na sana sa publiko bago matapos ang taon.
“With today’s news, we are a significant step closer to providing people around the world with a much-needed breakthrough to help bring an end to this global health crisis. We look forward to sharing additional efficacy and safety data generated from thousands of participants in the coming weeks.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Bourla.
Reaksyon ng mga eksperto
Ayon kay Sir John Bell, professor of medicine mula sa Oxford University, ang magandang balita na ito mula sa Pfizer at BioNTech ay palatandaan na sa mga susunod na buwan ay magbabalik narin sa normal ang lahat.
“I am probably the first guy to say that, but I will say that with some confidence”, pahayag ni Bell.
Ganito rin ang paniniwala ni William Gruber, isang vaccine clinical researcher at developer. Ang balitang ito ay maituturing na “extraordinary”. Maaaring sa wakas ay ang hinihintay nating sagot upang maitigil na ang sitwasyong nagbalot sa buong mundo sa takot at kalungkutan.
“I’ve been in vaccine development for 35 years. I’ve seen some really good things. This is extraordinary. This really bodes well for us being able to get a handle on the epidemic and get us out of this situation.”
Ito ang pahayag ni Gruber.
Pero para naman kay Michael Osterholm, director ng CDC Research and Policy sa University of Minnesota, dapat tayong maging realistic. Dahil sa ngayon ay hindi pa final ang resulta ng analysis na ginawa ng Pfizer at BioNTech. Masyado pang maaga upang ma-predict ang impact nito sa mga taong nabigyan ng vaccine. Magkaganoon man isang bagay ito na dapat maging dahilan upang manatili tayong positibo laban sa sakit.
“I don’t want to dampen any enthusiasm for this vaccine. I just want us to be realistic. For a vaccine to really have maximal impact, it’s going to have to also reduce severe illness and death. And we just don’t know yet.”
Ito ang pahayag ni Osterholm.
Paalala: Protektahan pa rin ang sarili laban sa sakit na COVID-19
Hand photo created by alexeyzhilkin – www.freepik.com
Sa ngayon, ayon parin sa Pfizer at BioNTech ay umaasa silang sa ika-3 linggo ng Nobyembre ay maaaprubahan na ng mga vaccine regulators ang kanilang discovery. Kung sakaling mangyari ito, bago matapos ang taon ay makakapag-supply na sila ng 50 million doses at dagdag na 1.3 billion bago matapos ang 2021.
Nangunguna umano sa listahan ng mabibigyan ng COVID-19 vaccine na ito ay ang mga hospital staff o healthcare workers. Dahil sila ang mas vulnerable at most at risk na mahawaan ng sakit. Hindi pa rin tukoy kung anong mga bansa ang unang mabibigyan ng vaccine kung sakali.
Kaya naman paalala ng mga eksperto, magpatuloy sa pagsasagawa ng COVID-19 preventive measures. Tulad ng pagsusuot ng mask, madalas na paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng social distancing kapag nasa matataong lugar. Dapat ding palakasin ang resistensya laban sa mga sakit. Gawin ito sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansya at pagtulog sa sapat na oras. Makakatulong rin ang pagbabakuna laban sa iba pang sakit upang magkaroon ng dagdag na proteksyon ang iyong katawan.
Source:
BBC, StatNews, Worldometer
BASAHIN:
True story: ‘COVID-19 saved my marriage’, shares 33-year-old mum of one
4 Free online doctor consultation services ngayong may COVID-19 pandemic
6 tips to prepare your child for easy COVID-19 testing
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!