Naniniwala si President Duterte na magkakaroon na ang Philippines ng gamot o vaccine laban sa COVID-19 ngayong December.
Pres. Duterte on COVID-19: “I think by december mayroon na hong vaccine.”
Sa public address ni Pangulong Duterte kahapon, July 7, sinabi nito ang mga kasalukuyang kalagayan ng bansa sa panahon ng COVID-19.
Narito ang mga lugar kung saan nakasailalim ang Enhanced Community Quarantine, General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.
Enhanced Community Quarantine
General Community Quarantine
- National Capital Region (NCR)
- Cavite
- Rizal
- Benguet
- Lapu Lapu City
- Mandaue City
- Leyte
- Ormoc
- Southern Leyte
- Talisay City
- Minglanilla (Cebu)
- Consolacion (Cebu)
COVID-19 vaccine in Philippines this December? | Image from Unsplash
Modified General Community Quarantine
- Abra, Baguio City, Ifugao, Kalinga (CAR)
- Ilocos Norte, La Union, Pangasinan (Region 1)
- Cagayan, Isabela (Region 2)
- Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City (Region 3)
- Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City (Region 4A)
- Palawan, Puerto Princesa City (Region 4B)
- Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City (Region 5)
- Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City (Region 6)
- Cebu Province, Bohol, Negros Oriental (Region 7)
- Tacloban City, Western Samar (Region 8)
- Zamboanga City, Zamboanga del Sur (Region 9)
- Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro (Region 10)
- Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro (Region 11)
- Cotabato, South Cotabato (Region 12)
- Agusan del Norte, Butuan City (Region 13)
- Maguindanao, Lanao del Sur (BARMM)
Kahit na nakasailalim na tayo sa General Community Quarantine, mahigpit pa rin ang ipinapatupad na COVID-19 health protocol sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ito ay para mapigilan ang tuluyang pagkalat ng virus.
Nagbigay rin ng kaunting pag-asa sa mga kababayan si President Duterte na maaaring magkaroon ng gamot o vaccine laban sa COVID-19 ngayong darating na December.
“I think by December mayroon na hong vaccine or at least if not a vaccine, a medicine that could kill the COVID-19.”
Sa ngayon, mahigit 47,000 na ang nagpositibo sa COVID-19 dito sa bansa. Habang 12,386 ang naka recover at 1,309 ang nasawi sa nasabing virus.
Pres. Duterte On COVID-19: “I Think By December Meron Nang Vaccine.” | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
Pres. Duterte On COVID-19: “I Think By December Meron Nang Vaccine.” | Image from Unsplash
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
GMA News Online
BASAHIN:
Bagong mutation ng COVID-19, mas nakakahawa ayon sa DOH
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!