Sa isang pag-aaral, inanunsyo ng DOH ang bagong mutation ng COVID-19. Ito raw ay mas nakakahawa at delikado na.
Bagong mutation ng COVID-19, mas nakakahawa ayon sa DOH
Ayon sa Department of Health (DOH), nakita sa bagong pag-aaral ang mutation ng COVID-19. Ayon rito, ito raw ay mas nakakahawa at delikado sa kalusugan ng tao.
Sa press briefing na isinagawa noong nakaraang araw, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ‘infectious’ na ang mutation na ito.
“Mutations do occur with COVID-19 virus, and this particular one is now more common in the world and seems to be more infectious.”
Bagong mutation ng COVID-19, mas nakakahawa ayon sa DOH | Image from Freepik
Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, ang “D614G” ang dahilan kung bakit tumaas ang infection ng COVID-19.
“There is no evidence it makes it more deadly or virulent. However, it can spread faster and overwhelm our health care system if we don’t double our control efforts and so it can lead to a higher number of overall deaths if we do not properly manage the number of infections.”
Ang mutation ng COVID-19 na ito ay 3 times na mas delikado at nakakahawa kumpara sa virus ngayon. Kasalukuyan pa rin nilang pinapag-aralan ito sa tulong ng mga scientists na may hawak sa COVID-19.
As of July 7, umabot na sa 47, 873 ang COVID-19 positive case sa Pilipinas.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough o tuyong ubo
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Bagong mutation ng COVID-19, mas nakakahawa ayon sa DOH | Image from Freepik
Narito ang mga seryoso na sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Mga buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
Bagong mutation ng COVID-19, mas nakakahawa ayon sa DOH | Image from Freepik
COVID-19 Health protocols
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
ABS-CBN
BASAHIN:
Ebola outbreak idineklara sa Congo, 5 na ang patay
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!