X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bagong swine flu na nakita sa China, nag-uumpisa ng kumalat sa mga nagtatrabaho sa pig farms

4 min read
Bagong swine flu na nakita sa China, nag-uumpisa ng kumalat sa mga nagtatrabaho sa pig farms

Napag-alaman sa isang pag-aaral ang bagong uri ng swine flu sa China ngayong 2020. Ayon dito, maaari itong makahawa mula sa mga tao. | Lead Image from Unsplash

Nakita sa isang pag-aaral ang bagong uri ng swine flu sa China ngayong 2020. Ayon dito, maaari itong makahawa mula sa mga tao.

Swine flu sa China 2020

Noong nakaraang araw, lumabas na ang balita tungkol sa nakitang bagong uri ng swine flu sa China ngayong 2020. Sa pag-aaral na ito, sinabi na wala pang ebidensya na maaaring makahawa ang G4 sa tao. Nagbigay pa rin sila ng babala na maaari itong pagsimulan ng bagong epidemya. Ito ay may kaugnayan sa H1N1 na naging epidemya rin noong 2009. Kumitil ito ng halos 385,000 na tao at pinagmulan ng seasonal flu.

swine-flu-china-2020

Image from Unsplash

Ngunit kahapon lamang, nakakita ang mga eksperto ng dahilan kung bakit kailangan agad na mapigilan ito para hindi lumala at pagmulan ng bagong epidemya.

Ang G4 EA H1N1 ay kilala na sa mga baboy sa China noon pa lamang 2016. Ayon sa pag-aaral, ang bagong strain na ito ay nakahawa na sa ilang workers sa mga farm sa China. Nagbigay sila ng babala na kaialngan agad itong mapigilan sa pagkalat para hindi na lumala pa.

Inilarawan ng mga scientist ang G4 bilang isang bagong candidate na maaaring pagsimulan ng panibagong pandemic.

Ayon sa head ng virology department sa Britain’s Animal and Plant Health Agency na si Ian H. Brown, mahalagang bigyan ito ng pansin at mapigilan agad. Maaari itong pagmulan ng bagong epidemya at maging aggressive katulad ng COVID-19.

“It may be that with further change in the virus it could become more aggressive in people much as SARS-CoV-2 has done.”

swine-flu-china-2020

Image from Unsplash

Sumangayon rin ang director ng Division of ​Pediatric Infectious Disease​s na si Li-Min Huang rito. Ayon sa kanya, mahalagang pag-aralan ng maigi ang mga virus na may kakayahang makahawa sa mga tao.

“It’s a very important study, and the virus looks quite dangerous. We need to be worried about any disease with the potential to spread human to human.”

Ayon sa pag-aaral na nakalimbag sa Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of the America, sa pag-aaral na ginawa noong 2011 hanggang 2018, kumuha ng nasal swab ang mga researcher sa 30,000 na baboy sa sampung probinsya sa China at ilang veterinary hospital. Sa loob rin ng tatlong taon, nakakuha sila ng 338 na blood samples sa mga workers na nagtatrabaho sa mga farm. Samantalang 230 na samples naman sa mga kalapit bahay.

Napagalaman dito na ang 10.4% na mga farm workers at 4.4% ng mga kalapit bahay ay nagpositive sa antibodies para sa G4 . Samantalang ang mga nasa edad 18 hanggang 35 ay 20.5%.

Taong 2014 nang tuluyang tumataas ang respiratory symptoms sa mga baboy sa China kasama na ang Europe at Asia.

Ayon rin kay Dr. Anthony Fauci, ito ay hindi “immediate threat” pero kailangang pagtuunan ng pansin katulad sa pagkalat ng swine flu noong 2009.

swine-flu-china-2020

Image from Unsplash

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Source:

The New York Times

BASAHIN:

Ebola outbreak idineklara sa Congo, 5 na ang patay

Partner Stories
My Dream in a Shoebox Year 13 aims to build an E-Hub to support Filipino youth in the pandemic learning
My Dream in a Shoebox Year 13 aims to build an E-Hub to support Filipino youth in the pandemic learning
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Choose the best for your family only with the best-tasting Jollibee Chickenjoy
Choose the best for your family only with the best-tasting Jollibee Chickenjoy
Score big discounts of up to 50% on your purchases from the official GSK Shopee page!
Score big discounts of up to 50% on your purchases from the official GSK Shopee page!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Bagong swine flu na nakita sa China, nag-uumpisa ng kumalat sa mga nagtatrabaho sa pig farms
Share:
  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko