Para sa COVID-19 vaccine update, ayon sa CDC kailangang maghanda na ang mga estado sa distribution ng vaccine kontra COVID-19 ngayong November.
Distribution ng COVID-19 vaccine sa America, maaaring ilabas ngayong November
Ayon sa nilabas na sulat ni Robert Redfield, director ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention, makakatanggap ang states ng permit application mula sa McKesson Corp sa madaling panahon. Ang permit na ito ay nagsasabing maaari nang ipamigay ang vaccine sa mga taong nangangailangan. Ang unang bibigyan ng gamot kontra COVID-19 ay ang mga local health departments at ospital sa kanilang estado.
COVID-19 vaccine update | Image from Freepik
Sa salaysay ni Robert Redfield, maaaring i-distribute na nila ito ngayong November 1.
“CDC urgently requests your assistance in expediting applications for these distribution facilities and, if necessary, asks that you consider waiving requirements that would prevent these facilities from becoming fully operational by November 1, 2020.”
Dagdag pa nito, naghahanda na rin sila sa pagbibigay ng vaccine na maaaring umabot sa isa o dalawa na magsisimula ngayong November.
Samantala, aminado ang mga vaccine at health experts na isinasagawa pa rin nila ang huling stage ng trial ngunit maaari na itong matapos agad.
Ayon naman kay Dr. Paul Offit ng Children’s Hospital of Philadelphia,
“Being ready is reasonable. Cutting short phase 3 trials before you get the information you need isn’t.”
Ganito rin ang naging pahayag ng isa pang eksperto na si Michael Osterholm. Ito ay matapos imadali ang pagbibigay ng vaccine bago mag eleksyon.
Nag-aalala rin ang isang propesor sa Baylor University na si Peter Hotez sa distribution na ito. Ayon sa kanya, lumalabas na ito ay isang ‘stunt’ at hindi nagpapakita ng public health concern.
“It gives the appearance of a stunt rather than an expression of public health concern.”
COVID-19 vaccine update | Image from Unsplash
COVID-19 vaccine update sa Pilipinas
Nagbigay naman ng kasiguraduhan ang Malacañang na magkakaroon ng vaccine ang Pilipinas sa tulong ng bansang Russia.
“The Philippines stands ready to work with Russia on clinical trials, vaccine supply and production, and other areas deemed practicable by relevant Philippine and Russian agencies to address this global health emergency.”
Ayon sa Palasyo, nakahandang tulungan ng Russia ang Pilipinas sa pag supply ng vaccine kontra COVID-19. Handa silang tumulong sa clinical trials, vaccine supply at produksyon nito.
Sa isang press briefing, ibinahagi ni Russian ambassador Igor Khovaev na nakatakda silang magbigay ng tulong sa clinical trials at magtayo ng vaccine production hub sa bansa kapag pumayag na ang gobyerno.
“We are ready to combine our efforts, we are ready to make the necessary investments with our Filipino partners and we are ready to share our technologies simply because we want to build a robust partnership between our two nations,”
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
COVID-19 vaccine update | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
Inquirer
BASAHIN:
ALAMIN: Vaccine na nakakatulong palakasin ang katawan para malabanan ang COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!