X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

ALAMIN: Vaccine na nakakatulong palakasin ang katawan para malabanan ang COVID-19

5 min read
ALAMIN: Vaccine na nakakatulong palakasin ang katawan para malabanan ang COVID-19

May vaccine na nga bang nakakatulong na malabanan ang COVID-19? Narito ang sagot ng mga eksperto.

Pneumonia vaccine COVID-19 treatment o vaccine na nga ba talagang maituturing? Narito ang sagot ng mga eksperto ukol sa claim na ito.

Pneumonia vaccine COVID-19 treatment

Ayon sa pediatrician na si Dr. John Ong, ang pneumonia vaccine ay nakakatulong umanong magbigay ng dagdag na proteksyon sa isang tao mula sa sakit na COVID-19.

Pneumonia vaccine COVID-19

Image from AARP

“If you are inoculated for pneumonia, you are indirectly strengthening your body’s defenses against COVID-19.”

Ito ang pahayag ni Dr. Ong sa isang interview.

Kaya naman dito sa Pilipinas ay iminumungkahi niya na patuloy na magbigay ng pneumonia vaccine partikular na ang pneumococcal conjugate vaccine o PVC 13 sa mga Pilipino. Ito ay upang mabawasan umano ang pagkalat ng sakit sa bansa. Lalo pa’t base sa mga recorded cases ang pneumonia ay isa sa potential complications na dulot ng COVID-19.

Pahayag ng mga world health experts

Pero may kontra pahayag ang mga health experts sa claim na ito. Tulad nalang ng pediatric infectious disease specialist na si Dr. Frank Esper mula sa health website na Cleveland Clinic.

Advertisement

Ayon sa kaniya, ang pneumonia vaccine ay nakakatulong talaga sa isang tao na maiwasang labis na magkasakit dahil sa virus na nagdudulot ng influenza. Pero hindi umano sa coronavirus na madalas ay nagdudulot ng pneumonia.

“Often times, we see that influenza can lead to secondary infections with other types of bacteria that the pneumonia shot prevents. But because coronavirus is bad enough on its own, the pneumonia shot doesn’t offer protection against it.”

Ito ang pahayag ni Dr. Esper. Pero paliwanag pa niya, mahalaga parin na mabigyan ng pneumonia vaccine ang isang tao. Lalo na ang mga bata 2 taon pababa, mga matatandang 64-anyos pataas at mga adults na naninigarilyo edad 19 hanggang 64-anyos. Dahil ang sakit na pneumonia ay napaka-peligroso rin kung hindi maaagapan.

Magkaiba ang sakit na COVID-19 at pneumonia

Ang pahayag na ito ni Dr. Esper ay sinuportahan naman ng WHO o World Health Organization.

Base sa pahayag sa kanilang website ay nilinaw rin nila ang pneumonia vaccine ay hindi nagbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19. Dahil ang novel coronavirus ay bago at naiiba kaya naman kailangan nito ng vaccine na angkop lang para sa sakit.

“Vaccines against pneumonia, such as pneumococcal vaccine and Haemophilus influenza type B (Hib) vaccine, do not provide protection against the new coronavirus.”

“The virus is so new and different that it needs its own vaccine. Researchers are trying to develop a vaccine against COVID-19, and WHO is supporting their efforts.”

Pero sa kabila nito, paalala ng WHO, mahalaga parin na mabigyan ng vaccine laban sa mga respiratory illnesses tulad ng pneumonia ang isang tao. Ito ay upang masigurong mapoprotektahan ang kaniyang kalusugan laban sa iba pang mga sakit.

“Although these vaccines are not effective against COVID-19, vaccination against respiratory illnesses is highly recommended to protect your health.”

Pneumonia vaccine COVID-19

Image from Freepik

Wala paring nadidiskubreng vaccine laban sa COVID-19

Base naman sa analysis at research ng EIU Healthcare, ang claim na ito ay nag-ugat sa mga early reports sa China tungkol sa bagong uri ng pneumonia noong December 2019. Ito nga ay kalaunang naging COVID-19 pandemic na marami na ang naging biktima sa buong mundo.

Pero paliwanag nila, ang proteksyon na ibinibigay ng pneumonia vaccine ay para lang sa common bacterial cause ng pneumonia. At ito ay hindi makakapagbibigay ng kahit anumang proteksyon laban sa COVID-19.

“The fact that the virus can cause pneumonia led some people to jump to the conclusion that vaccination against pneumonia might offer protection. However, the existing pneumonia vaccine that is used in older people won’t work against coronavirus. It targets a common bacterial cause of pneumonia, called Streptococcus pneumoniae.”

Ito ang bahagi ng analysis report ng EIU Healthcare.

Isa nga lang daw ang posibleng koneksyon ng pneumonia vaccine at COVID-19. Ito ay ang maaring nakakatulong ang pneumonia vaccine sa mga taong may COVID-19 na maiwasang magkaroon pa ng pneumonia na nakakapaglala ng lagay nila. Ngunit magpahanggang-ngayon ay wala pang abiso o payo ang mga world health experts ukol rito.

Paano mapoproteksyonan ang sarili laban sa COVID-19?

Pneumonia vaccine COVID-19

Image from Freepik

Kaya naman bilang proteksyon laban sa COVID-19 ay mainam paring ugaliing sundin at i-observe ang mga sumusunod na paalala.

  • Ugaliin ang maayos at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. O kaya naman ay sa pamamagitan ng 70% alcohol-based sanitizer.
  • Obserbahan ang physical distancing o lumayo ng hindi bababa sa 1 metro sa isang tao lalo na sa mga umuubo o umaatsing.
  • Iwasang hawakan ang iyong mukha ng hindi pa naghuhugas ng kamay. Ito ay upang maiwasang pumasok sa iyong mata, ilong at bibig ang virus.
  • Ugaliing mag-disinfect ng mga bagay at surfaces sa iyong paligid.
  • Kung galing sa labas ay agad na magpalit ng damit. Huwag ng gamiting muli ang mga jeans at jackets. Dahil maaring kumapit sa mga ito ang virus.
  • Magtakip ng tisyu o panyo sa tuwing uubo o babahing. O kaya naman ay itakip ang iyong braso o manggas ng damit sa tuwing uubo.
  • Manatili lang sa bahay kung masama ang makiramdam.
  • Agad ng magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas ng coronavirus na ubo, lagnat at hirap sa paghinga.
  • Makinig sa balita at umiwas sa mga lugar na may nailulat na kaso ng coronavirus.
  • Kung hindi makakaiwas na magpunta sa matataong lugar ay mag-suot ng mask. At mag-baon ng alcohol na madaling mailalagay sa kamay sa oras na hahawak sa mga bagay o surfaces.

 

Partner Stories
Nickelodeon's brand new preschool series Baby Shark's Big Show! makes a splash this July!
Nickelodeon's brand new preschool series Baby Shark's Big Show! makes a splash this July!
SKY Fiber's new super speed plans hit the "Sweet Spot" between affordable and seamless connection
SKY Fiber's new super speed plans hit the "Sweet Spot" between affordable and seamless connection
Kalikasan kits for kids: A donation drive to benefit underprivileged kids 
Kalikasan kits for kids: A donation drive to benefit underprivileged kids 
Southeast Asian Countries Come Together Towards a #BetterFuture4BreastCancer
Southeast Asian Countries Come Together Towards a #BetterFuture4BreastCancer

Sources:

GMA News, Cleveland Clinic, WHO, COVID-19 Facts

Basahin:

President Duterte naniniwalang magkakaroon na ng gamot laban sa COVID-19 sa Disyembre

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • ALAMIN: Vaccine na nakakatulong palakasin ang katawan para malabanan ang COVID-19
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

    Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

  • PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

    PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

    Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

  • PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

    PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko