Sinuspinde na ng Department of Labor and Employment ang kanilang COVID Adjustment Measures Program o CAMP. Ito ay ang cash assistance na hatid nila para sa mga empleyado at manggagawang apektado ng COVID-19 outbreak.
COVID adjustment measures program o CAMP | Image from Freepik
COVID Adjustment Measures Program (CAMP) sinuspinde ng DOLE
Matatandaang noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng Department of Labor and Employment na magbibigay sila ng cash assistance na mas kilala bilang COVID adjustment measures program o CAMP. Ito ay para sa lahat ng mga manggagawang nawalan at nabawasan ng trabaho dahil sa krisis ng COVID-19. At noong April 15, 5:00 pm ang huling araw ng pag pasa ng application para sa COVID adjustment measures program o CAMP na hatid ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Sa pagsasara ng deadline noong Wednesday, nag anunsyo naman ang DOLE noong April 16 tungkol sa tuluyang pagsuspinde ng CAMP.
“The Department of Labor and Employment announces with regret the suspension of acceptance of application for financial assistance under the Covid Adjustment Measures Program (CAMP) for formal sector workers. Effective 5:00 pm of April 15, the online application has been closed.”
Ayon sa DOLE, nakatanggap na ang mahigit 236,412 na manggagawa ng kanilang hatid na Php 5,000 na one-time cash assistance na nagsimula noong March 23. Ang mga ito ay nagmula sa halos 10,000 establishments. At nakasunod na rin na mabibigyan ang halos 85,000 na workers sa mga susunod na araw.
COVID adjustment measures program o CAMP | Image from Freepik
“The labor department has been swamped with volumes of requests that the available fund for the program amounting to P1.6 billion is very close to being depleted. Since the implementation of CAMP from March 23 to date, DOLE was able to provide the one-time P5,000 assistance to 236,412 workers from 10,663 establishments, with total cash disbursements of Php1.2 billion. We have yet to pay 85,563 more workers in the coming days.”
Nanghihingi rin sila ng pang-unawa dahil may mga manggagawa pa rin talaga na hindi mabibigyan ng kanilang serbisyo. Ito ay dahil nasa P1.6 bilyon lamang ang kanilang paunang budget para sa COVID adjustment measures program o CAMP.
“We seek the full understanding of employers and workers who were unable to receive the assistance. The requests simply ballooned beyond the capacity of DOLE’s resources. The situation was aggravated by the extension of the Enhanced Community Quarantine (ECQ) up to 30 April. DOLE is working closely with other agencies, including Congress, for an immediate alternative program to help ease the burden on the greater number of workers who did not benefit from CAMP. Our regional operations had enormous challenges in attending to the 1.6 million CAMP applications nationwide. But we are happy to extend assistance to those who had received the cash aid.”
“DOLE is now moving fast its recovery plan for workers and employers to cope with the “new normal” after the ECQ. We are preparing a menu of programs that will complement national efforts to effectively address the needs of the people.”
Samantala, hinihintay pa rin nila ang karagdagang pondong inaprubahan ni Pangulong Duterte. At ito ay nasa Php 2.5 bilyon na pondo.
COVID-19 Philippines Update
As of Apr 16, 4:00 PM, umakyat na sa 5,660 ang positive cases dito sa Pilipinas. Naitala rin ang pinaka maraming narecover na COVID-19 patients sa araw na ito na 82 recoveries. Sa ngayon, 362 katao na ang namatay samantalang 435 ang recoveries sa buong Pilipinas. At 3,253 ang total ng kasalukuyang naka-admit sa mga ospital.
|
CONFIRMED |
RECOVERED |
DEATHS |
5,660 |
435 |
362 |
Samantala, extended naman ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon hanggang April 30. Marami rin ang nagsasabing maaari pa itong ma-extend dahil sa patuloy na pagtaas ng positibong kaso dito sa Pilipinas. Ilang senador rin ang sumang-ayon sa pag-extend ng ilan pang mga araw ng Enhanced Community Quarantine.
Source: National Wages and Productivity Commission
BASAHIN: Howie Severino: COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!