MANILA, Philippines (COVID 19 Cases Update March 26): As of now, March 27, umakyat na sa 803 ang nakumpirmang nagpositibo sa coronavirus sa bansa.
COVID 19 cases in Philippines Update | Image from Freepik
COVID 19 Cases in Philippines update
As of now, March 27, patuloy na umaakyat ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ngayong araw, 803 na ang bilang ng kaso ng coronavirus dito sa Pilipinas. Habang 31 naman ang naka recover at 54 ang mga namatay.
Ang mga bagong naitalang namatay ay may mga sakit sa puso, diabetes at hypertension.
Samantala, ayon naman sa mga health official, asahan pa ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil marami pa ang mga paparating na resulta na isinagawa sa mga pasyenteng minomonitor.
Narito ang breakdown ng COVID-19 dito sa Pilipinas as of March 27:
|
CONFIRMED
|
RECOVERED
|
DEATHS
|
PIUs
|
803 |
31 |
54 |
722 |
COVID-19 hotlines:
1555 (PLDT, Smart, Sun, and TnT)
(02) 894-26843 (894-COVID)
https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/photos/pcb.3179518628726034/3179517398726157/?type=3&theater
Ayon sa Department of Health, suportado nila ang pagtataas ng Code Red Sublevel 2 dito sa Luzon dahil patuloy ang pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 dito sa bansa.
Dagdag naman ni Secretary Duque, malapit at delikado sa virus ang mga matatandang may edad na nasa 66 years old. Kasama na rin sa mga ang mga taong may present na sakit katulad ng cardiovascular disease, diabetes, cancer o chronic lung disease. Hindi naman ibig sabihin nito na hindi na tatamaan ng sakit ang mga kabataan. Kung maaari lang daw ay mag-doble ingat ang mga taong tinutukoy at iwasan muna ang matataong lugar.
COVID 19 cases in Philippines Update | Image from Freepik
Enhanced Community Quarantine sa Luzon
Noong March 16, opisyal nang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Hindi na maaaring makalabas o makapasok ng bansa sa pamamagitan ng land, local air travel at local sea travel. Ito ay nagsimula noong March 15 habang ang buong NCR ay isinailalim sa Community Quarantine. Ang lockdown na ito ay hanggang sa April 14.
Mahigpit na ipinatupad ang Total Lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Hindi maaaring makalabas ng lungsod ang mga tao. Utos ng pangulo, sa kani-kanilang bahay na lang sila manatili hanggang matapos ang total lockdown.
Ipinatigil rin muna ang lahat ng land transportation sa buong Luzon. Katulad ng mga byahe ng jeep, bus, tricycle at iba pang uri ng public transportation. Sinisita rin ang mga nakikitang naglalakad sa labas at ang mga private cars na patuloy na bumabyahe.
Sa kabila ng Total Lockdown na ito, sabay na ring nagkansela ng pasok ang mga private companies. Base na rin sa pagsunod sa protocol.
COVID 19 cases in Philippines Update | Image from Freepik
Idineklara naman ng World Health Organization na ang COVID-19 ay pandemic na.
Dagdag nila, panatilihin ang regular na paghuhugas ng kamay. At kung uubo o babahing, takpan ang bibig at ilong. Napapasa kasi ito dahil sa mga maliliit na droplets galing sa ilong o bibig.
Upang maging updated sa mga lugar na may kaso ng COVID-19 sa bansa, maaari mo itong i-click: COVID-19 Cases: Philippines
Source: Department of Health
BASAHIN: Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!