Month of December 2020 when I took pregnancy test because I was almost 2 weeks delayed. It was positive, it was unexpected but I was very happy with mix emotions. I have fear also because of this pandemic.
Due to this Covid 19, there is high risk in pregnant women like me. So it increased my fear. My mental health really affected that time. I carefully followed the essential preventive measures as our agency suggested and took extra cautious. I didn’t want to talk to other people, very selected and even removing my mask when I am out. My hands became so dry because of frequent spray of alcohol.
I was very thankful to my employer allowing me to work from home. And I only went out for my prenatal check-up. My entire pregnancy was really stayed at home. Only my husband going out to buy some our essential needs at home.
Habang lumalaki aking tiyan, mas nanabik ako sa aking panganganak at masilayan ang baby na sa aking tiyan at excited na rin ako sa magiging reaksyon ng aking panganay na magkakapatid na siya. Nag umpisa na rin ako mamili thru online ng mga baby essentials at mga ibang gamit na kakailanganin sa aking panganganak.
At dahil CS delivery ako sa panganay ay scheduled CS Delivery na rin ako sa pangalawa. I was scheduled on July 31, 2021 and that is my on 38 weeks. So anytime pwede na ako manganak. Lahat ng mga bagay na dapat ihanda ay aming nang inayos. We were very excited, well prepared and organized. Ultrasound and laboratory test were good. Nacheck na rin namin yong room to stay namin kumbaga everything was settled kulang na lang manganganak na ko. And the bill sa hospital napaghandaan na rin namin.
Due to the hospital safety protocol, I had to undergo RTCPR Test before my operation. July 27, 2022, maaga kami nagpunta sa hospital kung saan din ako manganganak para magpaswab. At malalaman daw resulta pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong araw.
July 29, 2022, wala pa akong natatanggap na resulta mula sa hospital. Around 4 o’clock in the afternoon, I received a phone call confirming my name. Tinanong din ako kung saan ako nakatira at kung nagpaswab ba ako. From that call I was started to feel panic and nervous. At ang tumawag pala sa akin ay mga Contact Tracer ng Quezon City. I hurried to call the hospital where I took a swab test and they confirmed me that I was positive from the COVID 19 Virus. Nagulat ako sa resulta dahil wala naman akong nararamdaman related to covid 19 symptoms. So paano ko nakuha, wala naman akong nakasalamuhang may covid 19, ni hindi ako lumalabas ng bahay, ako, asawa ko and my daughter lang naman sa bahay. So I don’t have any idea where I got it. Despite of all extra cautious that I have done, I was not exempted to this virus. But the virus is there I needed to face it.
And that time the number of getting sick because of delta variant was increasing. So IATF agency ay mas humigpit sa mga pinatutupad na PROTOCOL. Tinanggal din ang home quarantine. Lahat ng positibo ay dinadala sa Quarantine Facility. May nagpunta din sa bahay na mga taga Quarantine Facility para kunin ako sa bahay at doon ako magquarantine. So nakiusap ako sa kanila na kung pwede ay huwag na lang ako sumama dahil I was scheduled na to give birth. I was terribly crying because they insisted me to go with them. Paano ang aking sitwasyon na schedule na akong manganganak? Paano kung abutan ako ng labor while nasa facility and sino mag aasikaso sa akin doon? Ang daming katanungan sa isip ko at nalilito. Iniisip ko din ang aking anak na panganay kung kanino naming siya iiwan. I was so emotional that time, iyak ako ng iyak. Nahabag ako sa sitwasyon namin at pati kamag anak naming ayaw kaming lapitan at naiintindihan ko naman yon. And eventually pinayagan na ako to stay 1 day sa bahay and I will be brought to the hospital the next day.
Tiwagan ko agad ang aking OB kung ano na mangyayari sa akin kung gayon na nag COVID positive ako at hindi na siya ang magpapaanak sa akin. Agad tumugon naman ang aking OB sa akin at naghanap siya ng hospital na pwedeng tumanggap sa covid patient. Tinanong ako ng aking OB kung gusto ko daw ba sa public hospital manganak at doon tumatanggap ng covid patient. Hindi sa walang tiwala sa mga pumpublikong hospital ay mas gusto naming ng asawa ko sa pribadong hospital. Kaya nagsuggest ang OB na private hospital. And pregnancy during this pandemic is more expensive than the old normal. And the private hospitals accepting covid patients are twice expensive than the other hospital. Kelangan naming magdesisyon agad dahil nagkakaubusan ng kwarto dahil sa tumataas na kaso ng mga admitted covid patient ng mga panahon na iyon. Nag usap kami ng asawa ko at pumayag na din siya na sa private na hospital kami.
Dahil sa mahigpit na protocol sa panahon na iyon bawal naming gamitin ang aming sasakyan para service papunta ng hospital. Tanging ambulance lang ng barangay ang pwedeng maging transportasyon ng mga covid positive noon. Ang aking asawa din pala ay sumailalim din sa RTCPR Test ng Quezon City dahil close contact ko siya kaya kelangan siya iswab.
And finally I was then admitted to one hospital here in Quezon City and I was very thankful to my OB every now and then for assisting us. August 1, 2021, when I gave birth safely. Naging maayos naman ang aking operasyon. After recovery period doon sa operation room ay dinala na rin ako sa kwarto kung saan nag aantay aking asawa doon. I wasn’t be able to hold or even see my baby because she needed to separate from me immediately or else might get infected from me. And it was very hard for me as a mother to experience giving birth and not being with my baby.
After 1 day of my operation, akala ko ay ayos na lahat dahil nakapanganak na ako at aantayin na lang ang paglabas pero nirefer ako sa Infectious Desease Doctor para tignan ang aking kondisyon dahil natamaan din ako ng covid 19. Nagsagawa ng mga laboratory test and xray sa akin. At nakita sa x-ray na may Pneumonia ako. I was diagnosed with Covid-19 Pneumonia. Nagulat na naman ako, ano naman eto? At kelangan ko daw maggamot para hindi magprogress at baka daw lumala ang aking kondisyon. Mahirap daw sa sitwasyon ko dahil kakapanganak ko pa lang at mahina pa ang resistensiya ng aking katawan. The meds for the treatment is very costly. Komunsulta din kami sa mga kakilala naming na may kaalaman sa gamot na gagawin sa akin kung makakabuti ba sa akin iyon. Hindi kami agad pumayag dahil na rin sa kamahalan ng gamot but eventually pumayag na rin kami. And I had to believe and trust the doctors what should medical treatment needed to be done with me. They said that it will help me as well for my fast recovery.
Kumusta ang aming baby? Ang aming baby ay nasa NICU pa rin at nagsagawa rin sa kanya ng mga laboratory test and RTCPR Test. Siya pala ay naka isolate sa mga ibang baby habang inaantay ang resulta. At laking pasalamat ko na negative siya RTCPR Test. At naisama na rin siya sa ibang baby but she was diagnosed with pneumonia. So, she needs to treat with 7 days antibiotic.
Parehas kami ng anak ko na ginagamot. I had to take 5 days of remdesivir and my baby is 7 days for her antibiotic. The situation was really hard for us. We can only connect to our relatives and friends thru phone. And only selected people knew our situation. Days, week passed by but we haven’t touch or even seen our new born baby in personal. Thanks to our pedia who’s been updating us regarding the status ni baby from day 1.
Sobrang laki ng bill naming sa hospital. I didn’t know how we collected that sum of money and paid the hospital in cash.
So much thankful na natapos na namin ung mga gamot and yehey uuwi na kami. Nagkita na lang kami ng Baby ko sa Bahay napo sobrang saya ko na nagsama sama din kami.
Anyway, my husband who took also swab test had a negative result after 5 days they just texted the result.
Nagpapasalamat ako sa mga Doctors and Nurses na gumabay and sa mga taong tumulong sa amin. At higit sa lahat sa Diyos Ama na naggabay at nagbigay ng tapang sa amin habang nasa mahirap na sitwasyon kami.
We might have different hard experiences, but let that experiences make us stronger enough to face whatever challenges may come. And always ask guidance to our Almighty Father.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!