X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

COVID-19 Positive Si Mommy, Eh Si Baby Kaya?

4 min read
COVID-19 Positive Si Mommy, Eh Si Baby Kaya?

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Hello, I want to share my delivery story!

22 April 2021: Nasa isang mall kami nag-iikot dahil hinihintay namin ang ultrasound result ko nang may tumawag sa akin na contact tracer. Sinabi sa akin na positive ako sa COVID-19.

Na-shocked ako pati na rin ang pamilya ng asawa ko na kasama namin sa bahay. Natatakot ako dahil paano if mahawaan ang baby ko, mga kasama ko sa house, at paano kung manganak ako nang maaga? Ayan ang mga worry moments ko nung mga panahon na 'yun.

April 24, 2:30 pm: Umihi ako, then, nagtataka ako dahil nakalabas na ako sa banyo pero may tumutulo pa rin. That time, ang tiyan ko ay nasa 36 weeks and 2 days pa lang. So, nagsabi na ako sa parents ng asawa ko sa nararamdaman ko dahil nga patuloy pa rin ang paglabas ng tubig pero walang sumasakit.

Nagsimula na rin akong ma-stress dahil 'yung pag-aanakan ko dapat ay sinabihan ako na maghanap na ako ng ibang hospital na magpapa-anak sa akin dahil hindi raw nila ako tatanggapin dahil nga sa COVID-19 positive ako.

Lumipas ang magdamag na naghahanap pa rin ako ng hospital dahil nagla-labor na pala ako 'nun! Buti na lang tinulungan ako makahanap ng contract tracer ko ng hospital. Kaso nga lang hindi mapanatag ang biyenan ko dahil anytime pwede na ako manganak dahil sa  Fabella Hospital pa ako nakakuha ng slot, na medyo malayo-layo sa amin.

COVID-19 Positive Si Mommy, Eh Si Baby Kaya?

Lumipas ang gabi na walang sakit pero patuloy ang pagtagas ng panubigan ko. Nakakain pa ako nang maayos at nakatulog nang mahimbing ng mga oras na ito.

25 April 2022, morning: Umaga pa lang naligo na ako at naglakad-lakad sa paligid. Lumipas ulit ang maghapon na ganoon pa rin—wala pa ring sakit nagwo-worry na nga ako dahil baka may nangyari na sa baby ko dahil 'di na siya sumisipa—wala akong maramdaman.

Ala singko na at doon na ko nakakaramdam ng hilab pero wala akong sakit na maramdaman. Hanggang 8 pm, umalis na kami sa bahay dahil sa wala kaming nakuhang ambulansya. Ang sabi wala raw available so we don't have a choice kung hindi umalis na at magcommute.

Pero hindi pa kami agad dumiretso sa Fabella Hospital dahil nagbabakasakali kami na tanggapin ako sa malalapit na hospital sa amin. Ang ginagawa ko na lang ay bawat paghilab ko, nililista ko na lang para alam ko.

Una kaming pumunta sa private hospital na may COVID ward kaso di na ako tinanggap at puno na.

Pangalawa, sa public hospital pero di na rin ako tinanggap dahil wala raw silang incubator dahil yung baby ko nga is 36 weeks and 2 days pa lang—meaning, premature.

So, wala na talaga kaming choice kung hindi tumakbo na sa Fabella Hospital. In-ask ako ng biyenan ko if kaya ko pa sinabi kong oo dahil wala naman akong sakit na nararamdaman. Nakarating kami sa Fabella Hospital at exactly 10 pm at 7 cm na rin ako nung pagIE saakin.

Thankful lang talaga ako sa contact tracer ko at sa doctor na nagmo-monitor sa akin dahil kahit nasa biyahe oras-oras ay tinatawagan ako kung ano na ang lagay ko. Pagkadating namin inasikaso na agad ako kasi inaantay na ako ng doctor na magpapa-anak sa akin.

Akala ko hanggang doon na lang ang problema ko pero hindi pa pala kasi pagdala sa akin sa delivery room, 1 hour na akong umiri-iri hindi lumalabas ang baby ko kahit fully dilated naman na ako at isang iri na lang lalabas na.

Pero hindi pa rin siya lumalabas dahil wala na pala akong panubigan. Nanghihina at nanlalambot na rin ako, wala ng lakas pa umiri at antok na antok anytime babagsak na ang mata ko.

Nagmakaawa na ako sa doctor ko na i-cesarian na lang ako para mailabas na ang baby ko kasi super worried na talaga ako. Tinitignan ko na rin 'yung oras sa orasan kasi pakiramdam ko anytime mawawala ako, ganoon 'yung feeling.

2:12 am nang lumabas na sa tiyan ang baby ko. Nagpapasalamat ako sa panginoon na healthy siya. Nilagay muna siya sa NICU ng 4 days para obserbahan. Nakakaawa lang din dahil super baby niya pa pero need niya ma-swab para tignan if positive din siya.

COVID-19 Positive Si Mommy, Eh Si Baby Kaya?

Thanks God! Negative siya.

Super hirap manganak pero worth it naman lahat nung nakita ko siya. At super thankful ako sa contact tracer at doctor na nagche-check sa akin that time!

Partner Stories
Contact Lenses Still Safe in COVID-19 Era
Contact Lenses Still Safe in COVID-19 Era
RLC Residences Provides Vaccines for Homeowners
RLC Residences Provides Vaccines for Homeowners
Why you shouldn’t have second thoughts on getting the COVID-19 vaccine
Why you shouldn’t have second thoughts on getting the COVID-19 vaccine
Eight things to do when caring for a COVID-positive family member at home
Eight things to do when caring for a COVID-positive family member at home

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

ann kristel doctor

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Pregnancy Real Stories
  • /
  • COVID-19 Positive Si Mommy, Eh Si Baby Kaya?
Share:
  • Giving birth with gestational diabetes: "I was in so much pain. I was delirious."

    Giving birth with gestational diabetes: "I was in so much pain. I was delirious."

  • REAL STORIES: "My 10 minute birth story during the 2020 pandemic"

    REAL STORIES: "My 10 minute birth story during the 2020 pandemic"

  • Pulmonya sa bata at matanda: Mga sintomas at gamot sa sakit na pneumonia

    Pulmonya sa bata at matanda: Mga sintomas at gamot sa sakit na pneumonia

  • Giving birth with gestational diabetes: "I was in so much pain. I was delirious."

    Giving birth with gestational diabetes: "I was in so much pain. I was delirious."

  • REAL STORIES: "My 10 minute birth story during the 2020 pandemic"

    REAL STORIES: "My 10 minute birth story during the 2020 pandemic"

  • Pulmonya sa bata at matanda: Mga sintomas at gamot sa sakit na pneumonia

    Pulmonya sa bata at matanda: Mga sintomas at gamot sa sakit na pneumonia

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.