X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Netizens, kinundena ang ginawang pambubully ng isang mag-aaral

4 min read

Matapos mag-viral ang ginawang pambubully ng isang mag-aaral ng Ateneo sa kaniyang mga kaklase, naging biktima naman ito ng batikos at cyberbullying mula sa mga netizens. 

Bukod dito, nagsilabasan rin ang mga fake account na nakapangalan sa mag-aaral, upang lalong siraan ang bully at ang kaniyang mga pamilya.

Batang nam-bully, biktima ngayon ng cyberbullying

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang viral na video kung saan ang isang mag-aaral ng Ateneo junior high ay nahuli sa aktong nambubugbog at nam-bubully ng kaniyang mga kaklase. Naging matindi ang reaksyon ng mga netizen sa nangyari, at kinundena nilang lahat ang mga aksyon ng bata.

Marami ring netizen ang nagsabi na sana ay maranasan ng bata ang pananakit na ginawa niya sa ibang mga kaklase. Ang ibang naman ay nagsabing gusto raw nilang saktan ang bata dahil sa kaniyang ginawa.

Ayon naman sa ibang netizen, dapat raw sisihin pati ang mga magulang ng bata, dahil ang kuya raw nito ay bully rin sa Ateneo.

Mayroon ding mga naglabas di umano ng address ng pamilya, at inuudyok ang mga tao na puntahan ang kanilang bahay upang saktan ang bata.

Ang iba naman ay naghamon ng away sa bata, at sinabi pang huwag raw magpakita ang bully sa lugar nila.

Nagkalat ang kaniyang mga fake accounts

Bukod sa paninira at pananakot na ginawa ng mga netizen, nagkalat rin ang mga fake accounts na nakapangalan sa bully.

cyberbullying

Isa sa mga posts mula sa fake accounts na nagkalat sa social media. | Source: Facebook

Sa mga fake accounts na ito, sinisiraan ang bata pati na rin ang kaniyang pamilya. Kung anu-anong mga bagay ang pinagsasasabi sa mga accounts na ito, at mukhang karamihan sa mga ito ay wala namang katotohanan.

Ngunit kahit na fake ang mga account na ito, marami pa ring nanloloko at nagbabahagi ng mga posts sa pag-aakalang totoo ang mga account.

Naglabas na rin ng statement ang Philippine Taekwondo Association

Dahil miyembro ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang mag-aaral, naglabas na rin ng statement ang PTA tungkol dito.

 

Ayon sa kanila, kinukundena raw nila ang nangyaring insidente, at hindi raw para sa pananakit ang sport ng Taekwondo.

Bukod dito, rerespetuhin raw nila kung ano man ang gawing disciplinary action ng Ateneo sa kanilang mag-aaral.

Ateneo sisipain ang mag-aaral kapag natagpuang guilty

Mula naman sa isang statement na galing sa administration ng Ateneo, tahasan nilang sinabing hindi sila magdadalawang-isip na sipain sa paaralan ang bata kung matagpuan nila itong guilty sa mga nasabing insidente.

Ayon sa kanila, mahigpit raw sila sa mga insidente ng pananakit at bullying sa kanilang paaralan. Kinausap na rin nila ang mga mag-aaral na sangkot sa pangyayari.

Bukod dito, hindi raw nila binabalewala ang kaso. Simula nang mai-report daw ang insidente, nagsagawa na ng mga meeting ang kanilang Committee on Discipline of the Junior High School. 

Hindi tama ang nangyayaring cyberbullying

Hindi maikakala na mali ang ginawa ng mag-aaral nang saktan niya ang kaniyang kaklase. Kahit kailan ay hindi tama ang mam-bully, magpahiya, at manakit ng iyong kapwa. Ngunit hindi rin naman tama ang ginagawa ng ilang mga netizens na pananakot, pambabastos, at cyberbullying.

Mayroong ngang kasabihan na “2 wrongs don’t make a right,” dahil wala rin namang maitutulong sa sitwasyon ang cyberbullying.

Bukod dito, hindi rin ito magandang ehemplo para sa ibang mga kabataan. Upang matigil ang bullying, kailangang iwasan ang pagkakaroon ng mindset na “might makes right.”

Mahalagang turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na umiwas sa gulo, at huwag manakit ng kanilang kapwa. Kasama na rito ang paghihiganti, o kaya ang pananakit sa mga bully o sa mga taong sinasaktan sila.

Dahil kung hindi mapigilan ang cycle of violence na ito, magpapatuloy lang ang bullying sa mga bata. Kailangan maaga pa lang ay ituro na ng mga magulang na mali ang ganitong pag-uugali, upang matuto ng kabutihan ang kanilang mga anak. 

 

Basahin: Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Netizens, kinundena ang ginawang pambubully ng isang mag-aaral
Share:
  • Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

    Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

  • Grade 11 student, pumanaw na matapos bugbugin ng mga kamag-aral

    Grade 11 student, pumanaw na matapos bugbugin ng mga kamag-aral

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

    Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

  • Grade 11 student, pumanaw na matapos bugbugin ng mga kamag-aral

    Grade 11 student, pumanaw na matapos bugbugin ng mga kamag-aral

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.