X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Daddies na naglalakad araw-araw papasok ng trabaho, binigyan ng libreng bike

4 min read

Ilang huwarang daddies na tinitiis maglakad para lang makapasok sa trabaho ang binigyan ng libreng bike!

Daddies na naglalakad araw-araw papasok ng trabaho, binigyan ng libreng bike

Ang simpleng regalo sa mga tatay ay malaking bagay na para sa kanila. Simpleng ‘Thank you’ man ‘yan o hindi pagkalimot sa katagang ‘Ingat ka!’ kapag papasok sila sa kanilang trabaho.

Lalo pang sinubok ang kanilang katatagan ngayong krisis ng COVID-19. Kasalukuyan pa rin kasing nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Metro Manila at kanselado pa rin ang mga pampublikong transportasyon. Sa magandang balita, balik trabaho na ang ilang manggagawa. Ngunit hirap pa rin sila sa araw-araw na pag commute dahil walang masakyan.

Dahil kailangang kumayod kahit sa nasa gitna ng krisis, ang ilang tatay ay napilitang pumasok para may pang gastos araw-araw. Ito ay sa kabila ng problema sa masasakyan. Ang ilan ay napilitang maglakad papasok ng trabaho kahit na abutin pa sila ng ilang oras sa daan.

Sa tulong ng morning show na “Unang Hirit”, ang dalawang magiting nating daddies na sina Christian Kenneth Salazar, halos anim na oras na nagtatyagang maglakad papasok ng trabaho. At si Tatay Johnny Guinacaran na hindi iniintindi ang apat na oras na paglalakad makapasok lang sa kaniyang trabaho.

daddies-binigyan-ng-libreng-bike

Daddies na naglalakad araw-araw papasok ng trabaho, binigyan ng libreng bike | Image from Unang Hirit

Sa Facebook post ng Unang Hirit, magiliw nitong ibinahagi ang pamimigay nila ng bike sa ating dalawang tatay! Ang post ay may caption na,

“Anim na oras ng paglalakad ang tinitiis ni Christian Kenneth Salazar para makarating sa kanyang trabaho. Si Tatay Johnny Guinacaran naman, apat na oras ang ginugugol sa paglalakad kahit na inatake ng stroke dati! Bilang saludo at pasasalamat sa kanilang pagpupursigi, binigyan ng bisikleta ang dalawang ama! Ito ang maagang regalo ng #UnangHirit para sa paparating na Father’s Day. Bilang tulong din sa kanilang kaligtasan, nagbigay ng safety gear ang programa sa pamamagitan ng #UHLigtasPadyakProject. Saludo kami sa inyo, Sir Christian at Tatay Johnny!”

Bilang pasasalamat at regalo ng Unang Hirit, binigyan ang mga ito ng libreng bikes na siguradong magagamit nila papasok sa trabaho!

daddies-binigyan-ng-libreng-bike

Daddies na naglalakad araw-araw papasok ng trabaho, binigyan ng libreng bike | Image from Unang Hirit

Bukod sa brand new bike, binigyan rin sila ng safety gear na mula sa “Ligtas-Padyak” project. Ito ay kung saan nakapagbigay na sila ng mahigit 100 na set ng helmet, vest at blinking lights.

Paano nahahawa sa COVID-19?

Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:

  • Lagnat
  • Dry cough
  • Pagkaramdam ng pagod
  • Hirap sa paghinga

May iba naman na nakakaranas ng:

  • Sore throat
  • Diarrhea
  • Runny nose
  • Nausea
daddies-binigyan-ng-libreng-bike

Daddies na naglalakad araw-araw papasok ng trabaho, binigyan ng libreng bike | Image from Freepik

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Source:

Partner Stories
4 things to do when your child has diabetes
4 things to do when your child has diabetes
The LEGO Group launches Rebuild the World campaign in the Philippines
The LEGO Group launches Rebuild the World campaign in the Philippines
#StayStrongStayBeautiful with Watsons
#StayStrongStayBeautiful with Watsons
Leading European toy brand, Joan Miro, launches in the Philippines
Leading European toy brand, Joan Miro, launches in the Philippines

GMA News

BASAHIN:

Public school students sa San Juan makakatanggap ng 11,000 tablets

Ilang guro sa Davao de Oro, umaakyat sa mataas na lugar para makakuha ng signal

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Daddies na naglalakad araw-araw papasok ng trabaho, binigyan ng libreng bike
Share:
  • COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?

    COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?

  • Howie Severino: "COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof."

    Howie Severino: "COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof."

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?

    COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?

  • Howie Severino: "COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof."

    Howie Severino: "COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof."

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.