Anong dahilan ng malamig na pawis ng baby?

Madalas ba magpawis si baby sa gabi kahit hindi naman mainit ang panahon? Maaring palatandaan na ito ng isang sakit na kailangang ipakonsulta sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malamig na pawis ng baby o bata, ano nga ba ang dahilan at ipinahihiwatig na palatandaan. Ang mga baby, tulad ng matatanda at bata, ay nagpapawis para tulungan ang katawan na mag-cool down. 

Kapag naman nag-ooverheat na si baby, mommy, maaaring tumaas ang risk niya sa Sudden infant death syndrome (SIDS), sakit na may kaugnayan sa matinding init, at iba pang mga problemang pangkalusugan.

Mommies, kailangang antabayanan ang sobrang pagpapawis ni baby. Maaaring sobra na siyang naiinitan at kailangan siyang tulungang makapag-cool down ng katawan.

Dahilan ng sobrang pagpapawis ni baby

Normal ang pawisin na sanggol kung hindi naman ito sobra-sobra dahil ito ang kanilang paraan para i-cool down ang kanilang katawan. 

Dahil sa immature pa at nagde-develop pa lang ang thermodynamics ng kanilang katawan, kadalasang mapapansin na nagpapawis nang malala si baby.

Pero, maaaring tignan din at bantayan ang ganitong sobrang pagpapawis ni baby sa alinmang parte ng kanyang katawan. Pawisin ang noo, ang ulo, pawisin na likod, pawisin na hita.

Ang sobrang pawisin na baby o pagpapawis niya kahit na hindi naman mainit ang kanyang katawan ay maaaring senyalas ng ilang kondisyon.

Ito ang ilan sa mga sanhi ng sobrang pawisin na sanggol:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Overheating

Ang pamamawis ni baby ay isang natural na response ng kanyang katawan sa sobrang init na nararamdaman niya. Maaaring ang sobrang init na mararanasan ni baby ay magdulot ng overheating.

Maaari silang pagpawisan sa alinmang bahagi ng kanilang katawan. Madalas ay sa ulo.

Minsan, ang pinakapawising parte ng katawan ni baby ang pinakanaiinitan. Halimbawa, ang kanyang likod, kung sobrang masikip o mainit ang hinihigaan ni baby. 

Ang overheat na mararanasan ni baby ay napakadelikado dahil hindi niya pa kayang mag-regulate ng init ng kanyang katawan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa, dahil nagku-cool down si baby kapag nagpapawis ay maaari ring magresulta ng panlalamig ni baby. Kailangang palitan agad ang kanyang damit at huwag hayaang mag-overheat siya.

2. Pag-iyak 

Nagiging sanhi rin ng pagpapawis ni baby ang tuloy-tuloy niyang pag-iiyak. Dahil sa pag-iyak, umiinit ang kanyang katawan. 

Mapapansin ninyo rin minsan mga mommies na namamawis rin ang palad at talampakan ni baby kapag malungkot siya. 

Kadalasan, kahit tapos na siyang umiyak ay makikita ang pagpapawis na ito sa palad niya at talampakan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Pagkakaroon ng lagnat

Pinagpapawisan din si baby kapag siya ay nilalagnat. Ang lagnat ay indikasyon na siya ay may impeksyon. Hindi man delikado ang paglalagnat niya, puwedeng ang impeksyon naman ang huwag dapat isawalang bahala.

Kahit na mapagaling ng gamot ng sanggol sa lagnat si baby at hindi na siya pinagpapawisan ay wala na siyang sakit. Hindi na siya mainit pero nandiyan pa rin ang impeksyon.

4. Idiopathic hyperhidrosis

Ang idiopathic hyperhidrosis ay isang health condition na hindi pa alam ang sanhi. Ito ay sobrang pagpapawis ng katawan na wala namang pinanggagaling dahilan o anumang impeksyon.

Ang baby na may idiopathic hyperhidrosis ay may katulad na bilang ng sweat glands sa mga taong hindi naman sobra ang pamamawis. Maaaring dulot ito ng “increased activity” sa nervous system.

5. Sleep apnea

Ang sleep apnea ay kadalasang nangyayari sa mga taong tulog na biglang hindi humihinga.  Posible itong mangyari lagi sa mga premature babies kapag huminto ang kanilang paghinga sa loob ng 20 seconds.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang pananaliksik noong 2008, ang sleep apnea ay nangyayari palagi kapag sobrang naiinitan si baby. Ibig sabihin, nagiging sanhi ng sleep apnea ang overheating ni baby.

Sa ganitong sitwasyong napapansin nating mga mommies ang sobrang init na katawan ni baby o sobrang pawisin na likod at katawan, palitan agad ang kanyang damit at bawasan ang layers ng kumot. 

Panatilihin ding malamig at presko ang tinutulugan niya.

Iba pang komplikasyon

Maraming mga kumplikasyon ang nagiging sanhi ng sobrang pagpapawis ni baby. Narito ang mga kondisyong maaaring maging sanhi ng kanyang pamamawis:

  • Heart disease at iba pang kumplikasyon sa puso
  • Cancer
  • Problema sa endocrine system
  • Sakit sa baga
  • Impeksyon

Maliban sa mga nabanggit na sanhi ng pagpapawis ng sanggol, lalo na ang dulot ng pag-init ng katawan, may mga iba pang dahilan ng sobrang pagpapawis ni baby.

Maaari itong makita sa posibleng birth abnormalities o di kaya ay sa genetic differences.  Halimbawa, ang cold-induced sweating syndrome ay mas nagpapahirap sa baby na magregulate ng temperature ng kanyang katawan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga babies na mayroong ganitong kondisyon ay sobrang nagpapawis kahit sobrang lamig ng katawan. 

 

Image from Kay Collection

Dahilan ng malamig na pawis ng baby o bata

Base sa isang artikulo na nailathala sa website na Very Well Health, ang cold sweats ay tumutukoy sa biglaang pagpapawis ng katawan na hindi dulot ng mainit na panahon o isang physical activity.

Habang ayon naman kay Dr. Ellie Cannon, isang general practitioner mula sa NHS UK, ang cold sweats ay kilala rin sa tawag na night sweats. At ito ay madalas na nararanasan sa gabi na kung saan mapapansin nalang na nagpapawis ang katawan.

Para sa mga baby na wala pa namang masyadong ginagawang activity, ilan umano sa maaaring maging dahilan ng night sweats ay mainit na damit o higaan.

Ngunit kung malamig naman ang panahon at ito ay madalas pa ring nangyayari, maaaring ito ay sintomas ng isang sakit na dapat ng ipakonsulta sa doktor.

Ayon naman kay Rod Brouhard, isang paramedic mula sa California, ang cold sweats ay ang fight or flight response ng katawan kapag nakakaranas ng stress. Lalo na kung ang stress ay nararanasan sa loob ng katawan o ng dahil sa isang karamdaman.

Tuberculosis sa bata o primary complex sintomas

Base naman sa pahayag ni Dr. Jeffrey Kahn, director ng Pediatric Infectious Diseases ng Children’s Medical Center sa Dallas, USA, ang night sweats ay isa sa sintomas ng tuberculosis sa bata o mas kilala sa tawag na primary complex. Lalo na kung ito ay sinasabayan ng hindi nawawalang ubo at biglaang pagbagsak ng timbang.

Pahayag ni Dr. Kahn, 

“For the most part, most people who are infected with tuberculosis have an asymptomatic disease. Only a small percentage have active disease, which is characterized by coughing, weight loss, and night sweats.”

Maaari rin umano na maiba ang sintomas ng sakit sa bawat bata. Ngunit madalas maliban sa mga nabanggit na sintomas ay maari ring makaranas ang isang bata ng lagnat, mabilis ng paghinga at panggiginaw.

Ano ang primary complex at paano ito nakukuha?

Image from Radiopedia

Ang primary complex o TB sa bata ay isang impeksyon na ang pangunahing inaapektuhan ay ang baga o lungs. Ito ay maaring malunasan. Ngunit kung mapabayaan ay maaring maapektuhan nito ang iba pang parte ng katawan tulad ng utak, kidney at spine.

Ito ay isang uri ng nakakahawang sakit. Dulot ito ng bacteria na kung tawagin ay Mycobacterium tuberculosis. Ang bacteria na ito kapag humalo sa hangin na mula sa ubo at bahing ng isang taong infected ng sakit ay maaaring malanghap ng isang bata o baby dahilan upang siya ay mahawa at ma-infect narin ng bacteria.

Pero ayon sa mga eksperto, tanging ang mga matatanda o adults lang ang maaaring makahawa ng sakit sa mga bata. Hindi umano possible ang child to child transmission ng sakit.

Sapagakat sa hindi ganoon kalakas ang ubo ng isang bata upang mailabas sa kaniyang katawan ang nasabing bacteria. Hindi rin ito maihahawa sa pamamagitan ng paghawak sa mga gamit na nahawakan ng taong infected ng sakit.

Sino ang prone na mahawa sa sakit?

Base sa datos ng World Health Organization, ang primary complex ang isa sa mga sakit na nararanasan ng mga bata sa maraming parte ng Asya at Africa.

Kada taon ay mayroon umanong isang milyong bata ang naitatalang nagkakaroon ng sakit. Habang may higit sa 230,000 ang naiulat na nasasawi dahil rito.

Ang mga batang may mataas na tiyansang mahawa sa sakit ay ang sumusunod:

  • Nakatira sa bahay na kung saan may adult na active TB patient.
  • Homeless, nakatira sa shelter o may kasamang nanggaling sa bilangguan na kung saan talamak ang sakit.
  • May mahinang immune system o may immune deficiency disease tulad ng HIV.
  • Isinilang o bumisita sa bansang may mataas na rate ng TB
  • Nakatira sa isang komunidad na may poor health care.

Paano nada-diagnose ang sakit at nalulunasan?

Image from Freepik

Ang isang bata ay malalamang positibo sa sakit sa pamamagitan ng skin test, blood test at chest X-ray. Para naman malaman kung anong klaseng treatment ang kailangan niya ay kailangang i-eksamin ang plema at loob ng kaniyang tiyan.

Ang treatment na ibibigay sa isang batang may primary complex ay nakadepende rin sa stage ng sakit niya.

Kung ito ay latent TB o hindi pa masyadong nag-dedevelop, ay kailangan niyang uminom ng antibiotics araw-araw sa loob ng 3-9 buwan. Ito ay upang mapigilan pa ang pag-develop ng sakit.

Kung active TB naman na ang sakit ng isang bata ay kailangan niya ng uminom ng 3-4 na medication sa loob ng 6 na buwan. Kailangan niya rin ng regular check-up upang masiguro ng umeepekto sa kaniyang ang gamot na kaniyang iniinom.

Paalala naman ng pediatrician na si Dr. Gel Suderio-Maala, upang masigurong malulunasan ang sakit at hindi na makakahawa pa mahalagang sundin ang mga sumusunod:

  • Manatili sa loob ng bahay sa unang dalawang linggo ng treatment.
  • Kumpletuhin ang buong treatment na inirekumenda ng doktor.
  • I-praktis ang proper cough at sneezing etiquette.

Pagdating sa baby at maliliit na bata, ang pangunahing paraan upang maiiwas sila sa sakit ay sa pamamagitan ng pag-iwas na ma-expose sila sa mga taong may tuberculosis.

Para rin makasigurado na hindi mo maililipat ang kahit anumang bacteria sa kanila, mabuting maghugas lagi ng kamay bago sila kargahin o hawakan.

Paalalahan din ang maliliit na bata na huwag basta magsusubo o maglalagay ng kahit anumang bagay o utensils sa kanilang bibig na hindi naman sa kanila.

 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.