X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Lagnat ng baby: Sanhi, sintomas, at lunas

9 min read
Lagnat ng baby: Sanhi, sintomas, at lunasLagnat ng baby: Sanhi, sintomas, at lunas

Ano ang sanhi at sintomas ng lagnat ng baby? Alamin kung ano ang dapat gawin kapag nilalagnat ang sanggol.

Narito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa lagnat ng baby.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Posibleng dahilan ng lagnat ng baby.
  • Kailan masasabing may lagnat ang baby.
  • Ano ang first aid sa lagnat ng baby.

Iba ang pag-aalala kapag si baby ang may karamdaman. Aligaga si nanay at tatay kapag nagising sa gitna ng gabi at walang humpay ang iyak ng bata, at nakakaramdam ng lagnat ng baby.

Alam mo ba ang dapat gawin sa lagnat ng baby?

Lagnat ng baby: Paano malalaman kung lagnat nga

Sabi ng mga doktor, noo ang dapat na kinakapa o di kaya ay hinahalikan, para malaman kung mainit kaysa normal ang temperatura ng bata. Kapag naramdamang mainit, lalo na kapag nakakapaso pa ito, malalaman na agad kung nilalagnat.

Payo ni Apple Tagatha, RN, isang school nurse, dapat na gumamit ng baby thermometer. Ito kasi ang makapagsasabi ng tiyak na temperatura niya, at kung dapat bang dalhin sa doktor para alamin kung ano ang nararapat na paggamot.

Kailan masasabing may lagnat ang baby o bata?

lagnat ng baby

People photo created by shurkin_son - www.freepik.com 

Ang karaniwang tanong ay kung ang 37.1 may lagnat na ba? Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), ang normal na body temperature ng isang malusog na sanggol ay mula 36°C hanggang 37.9°C. Kapag ang temperature ay nasa 38°C o mas mataas, may lagnat ang bata.

Para naman sa pediatrician na si Dr. Nicole Perreras mula sa Makati Medical Center,  para malaman kung may lagnat si baby ay mabuting kunin ang temperature ng katawan niya. Pero depende sa paraan ng pagkuha ng temperature reading ng isang bata masasabi kung siya ba ay may lagnat na o wala pa.

"Depende iyon sa type of thermometer saka kung saan mo itetake iyong temperature ng baby. Ang rule kapag bagong silang lang ang baby rectal temperature iyon. Kasi iyon ang pinaka-accurate in a sense na pinaka-malapit siya sa core temperature ng baby."

"Any temperature reading that's higher than 38 kapag rectal that's alarming. And you should contact your pediatrician kapag less than 3 months of age."

"Pero kapag kunyare oral temperature naman, usually mga 4 years and above ay kaya ng ilagay ng bata ang thermometer sa mouth. And anything higher than 37.8 is considered fever. Ngayon iyong sa kilikili kinukuha iyong temperature o axillary usually anything higher than 37.5 kailangan ng i-monitor ang temperature. Kasi malalaki iyong variations ng normal temperature per area na kinukuhanan ng reading ang baby. But usually ang common na sinasabi namin any axillary reading higher than 37.8 ng puwede ng magbigay ng first aid then contact your doctor."

Ito ang pahayag ni Dr. Perreras.

Lagnat ng baby: Bakit nilalagnat?

Ang lagnat ang karaniwang unang hudyat na may nilalabanang impeksiyon ang katawan o sistema ng bata, paliwanag naman ni nurse Apple.

Ang lagnat ay kadalasang may kaugnayan sa mga sumusunod na sakit:

  • pulmonya
  • urinary track infection (UTI)
  • blood infection
  • impeksiyon sa tainga
  • impeksiyon sa bituka
  • sipon
  • sore throat
  • meningitis
  • iba pang viral illnesses

Dagdag naman ni Dr. Perreras, kung ang baby na may lagnat ay 3 months old palang pababa, mahalaga na agad siyang madala sa doktor. Dahil ito ay maaring dulot ng malubhang impeksyon.

"Kung baby na baby pa like 3 months and below, any fever ay kailangang ma-assess ng pediatrician. Kasi ang usually kailangan nating i-rule out hanggang 3 months of age ay iyong malulubhang infection like sepsis, bacterial infections. Kasi syempre kapag 3 months palang iyong baby iyong immune system niya we are still waiting for it to be at its best. So kailangan kapag 3 months and below at biglang nilagnat especially kapag nasa first 30 days o 29 days so kailangan talagang ma-assess iyon."

"Pero kapag mas matanda na iyong baby for example 3 months hanggang 3 years old usually ang pinaka-sanhi ng fever o lagnat ay viral infection. So ayan iyong sinasabing tigdas hangin, pagtatae, mga ubo at sipon. And for older children depende narin iyon sa mga signs and symptoms. Syempre iyong iba ring causes kung kunyare ay kung bagong bakuna lang ba si baby."

Ito ang paliwanag ni Dr. Perreras.

lagnat ng baby

Baby photo created by valuavitaly - www.freepik.com 

BASAHIN:

Gamot sa lagnat ng baby: 5 brands na pwedeng pagpilian

6 Natural na paggamot sa lagnat ng bata

Pabalik-balik na lagnat: Sanhi, sintomas at gamot para dito

Lagnat ng baby: Anong dapat gagawin para bumaba ang lagnat

Bagamat mabuting nalalaman na may impeksiyon sa katawan ni baby sa pamamagitan ng lagnat, ang mga nararamdaman niya ay malayo sa mabuti. Kaya nga siya ay maaaring maging iyakin dahil iritable.

Partner Stories
Uniqlo Celebrates the First Anniversary of Uniqlo Manila Global Flagship Store
Uniqlo Celebrates the First Anniversary of Uniqlo Manila Global Flagship Store
5 Common digestive health problems in children and how you can help
5 Common digestive health problems in children and how you can help
Procter & Gamble announces new commitments and shares progress on actions to strengthen Equality & Inclusion across Asia Pacific, the Middle East, and Africa
Procter & Gamble announces new commitments and shares progress on actions to strengthen Equality & Inclusion across Asia Pacific, the Middle East, and Africa
VIU Original Pretty Liars returns for a second season
VIU Original Pretty Liars returns for a second season

Dapat gawin:

Tabihan at huwag iiwanan ang bata. Kailangan kasing ma-monitor kung tumataas ba ang lagnat, kung nagsusuka, o kung labis ang pag-iyak nito. Walang masama sa pagkarga at pag-ugoy sa kaniya. Kapag hawak mo kasi ang sanggol, mas mapapakiramdaman mo ang init ng katawan nito.

Pagmasdan din kung nakakatulog, o kung kulang o sobra ang oras ng tulog, kung hindi makakain o ayaw dumede, o hindi nakikipaglaro o nakikipag-“usap” sa inyo. Ito ang mga kritikal na obserbasyon na dapat ikwento sa doktor para malaman ang kalagayan ni baby.

Kapag may lagnat, may posibilidad na ma-dehydrate ang bata, lalo kapag hindi siya nakakainom ng sapat na tubig at fluids, at kung may kasamang pagsusuka. Mas mabilis na ma-dehydrate ang mga sanggol kaysa sa mga matatanda.

Ilang senyales ng dehydration ay: umiiyak pero walang luha, tuyo ang labi, at madalang ang pag-ihi (na makikita sa lampin nito, na palaging tuyo). Kung ikaw ay nagpapadede, gawing mas madalas kaysa dati para maiwasan ang dehydration.

Dapat gawin:

Siguraduhing mapainom ng tubig ang bata. Kung nagsusuka, o nagtatae nang madalas, at nakitaan na ng signs ng dehydration, dalhin kaagad sa doktor.

Kapag labis ang init ng buong katawan, kailangan ng sanggol ng sapat na atensiyon. Dapat na mapababa ang lagnat nito, para makaiwas sa komplikasyon.

Dapat gawin:

Iwasan ang pagbabalot o pagdadamit ng makapal sa bata, payo ni nurse Apple. Dati kasi, sinasabi ng iba na dapat balutin para hindi ginawin. Kapag makapal ang balot o damit ng bata, nakukulob ang init ng katawan nito at lalong hindi gagaling.

Bigyan ng sponge bath o punasan ng tuwalyang binasa sa maligamgam na tubig si baby. Pwede rin naman ang tepid water, sabi ni nurse Apple. Makakatulong din ang pagpapahangin gamit ang bentilador o pamaypay. Kailangan din nitong magpawis para mailabas ang init ng katawan.

Lagnat ng baby: Kailangan bang painumin ng gamot si baby?

lagnat ng baby

Image from Freepik

Kumonsulta sa iyong pediatrician bago bigyan si baby ng anumang gamot. Karaniwang acetaminophen o ibuprofen ang nirereseta ng doktor, pero ang dose o dami at dalas ng pagbigay nito ay doktor lang ang makapagsasabi. Huwag na huwag bibigyan ng aspirin si baby.

Patuloy na kunin ang temperatura ng bata. Itanong sa doktor ang tamang pagitan ng oras ng pagkuha nito. Kailangang ma-monitor kung bumababa o patuloy na tumataas ang lagnat.

Samantala, ito naman ang payo ni Dr. Perreras kung kailan dapat painumin ng paracetamol ang isang baby o bata.

"What we can advise our parents is that once na you determine that the baby has a fever or any other symptoms like fussy siya because fever can really cause a bit of discomfort, you can give the recommended dose of paracetamol. That's the first aid medication for fever. Ngayon kapag 6 months and older mayroon din iyong ibuprofen na puwedeng ibigay sa mga bata to also decrease their temperature. So iyon ang dalawang options and then you contact your pediatrician."

Dagdag pa ni Dr. Perreras, mahalaga na alam mo ang tamang dosage ng paracetamol na ibibigay sa iyong anak. Pati na kung paano i-preprepare ang gamot na inireseta ng inyong doktor. Dahil kung mali ay maaring ma-overdose si baby at malagay sa alanganin ang kaniyang kondisyon.

Bakit mahalagang tama ang dose ng paracetamol na ibinibigay kay baby?

"Unang-una before you give the medication i-checheck ninyo iyong preparation. Minsan kasi sinasabi ng parents syrup po ang meron ako but when you look at the box drops iyon. So pag drops kasi very concentrated iyong laman o iyong formulation ng gamot. So 1 ml of a drop will have 100 mg versus sa syrups na mas dilute. Kaya number 1 be very careful, be very aware of what you actually have o what you actually bought."

"Pangalawa, those dosages in the box those were based on normal values more or less ng weight ng bata. So you might have a heavier child than usual but those are generally safe to follow. But best if you really ask your pediatrician whats the safe range. Because if you overdose with paracetamol depending on the dose puwedeng magkaroon ng liver failure iyong bata. So that's one cause din in bringing the child to the emergency room if masyadong marami iyong nainom ng bata. Kasi it can have long-term effects on the liver depending on the dose."

Ito ang paliwanag ni Dr. Perreras.

Lagnat ng baby: Kailan dapat dalhin sa duktor

  • Kung ang baby ay 3 hanggang 6 na buwang gulang, at ang lagnat ay nasa 38.3°C o mas mataas, o kung higit sa 6 na buwang gulang at ang lagnat ay 39.4°C o mas mataas. 
  • Minsan din ay nagiging mas malamig ang katawan nito imbis na mainit kapag may lagnat, kaya’t kung ang temperature ay mas mababa sa 36°C, kailangan din dalhin sa doktor.
  • Kung walang ganang kumain o dumede, umuubo, nagsusuka, nagtatae, hindi tumitigil sa pag-iyak, at hindi makatulog ang baby.
  • Kung ang lagnat ay hindi bumababa sa paglipas ng 24 oras hanggang 48 oras. 
  • Maputla o sobrang pula ng kulay ng balat ng sanggol, at halos hindi umiihi.
  • May seizure o kumbulsyon. Minsan ay kinukumbulsyon, o nanginginig at naninigas ang sanggol dahil sa taas ng lagnat. Ito ang tinatawag na febrile seizure at nangyayari ito sa mga unang oras ng lagnat. Hindi naman dapat ipag-alala ito kung panandalian o segundo lang ang tagal nito, ayon kay nurse Apple, bagamat dapat na sabihin ito sa doktor. Kung higit sa 5 minuto ang kombulsyon o seizure, isugod ang bata sa ospital.
  • Matamlay, laging tulog, hindi umiiyak o sobra naman ang pag-iyak ng baby.
  • May rashes sa katawan, o kaya ay maliliit na purple-red spots na hindi nawawala sa buong katawan, bukod sa mataas na lagnat.
  • Hindi makahinga, o hirap huminga. Maaaring ito ay sintomas ng pulmonya o bronchiolitis.

Kung ang bata ay 6 na buwan pataas at hindi naman matamlay, at patuloy na umiinom at dumedede, at walang ibang sintomas, posibleng mawala din ang lagnat, Kaya’t dapat maghintay ng 24 oras kung magiging mas mabuti ang pakiramdam nito.

 

Sources:

Apple Tagatha, RN, MayoClinic, Healthline, WebMD

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

Irish Mae Manlapaz

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Lagnat ng baby: Sanhi, sintomas, at lunas
Share:
  • Gamot sa lagnat ng baby: 5 brands na pwedeng pagpilian

    Gamot sa lagnat ng baby: 5 brands na pwedeng pagpilian

  • Parents' Guide: 10 First Aid tips na dapat malaman ng lahat ng magulang

    Parents' Guide: 10 First Aid tips na dapat malaman ng lahat ng magulang

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Gamot sa lagnat ng baby: 5 brands na pwedeng pagpilian

    Gamot sa lagnat ng baby: 5 brands na pwedeng pagpilian

  • Parents' Guide: 10 First Aid tips na dapat malaman ng lahat ng magulang

    Parents' Guide: 10 First Aid tips na dapat malaman ng lahat ng magulang

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.