TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Dani Barreto: Stop comparing my daughter to other babies... it's just not f**king right

5 min read
Dani Barreto: Stop comparing my daughter to other babies... it's just not f**king right

Bilang isang magulang, paano natin maproprotektahan ang ating mga anak mula sa pambubully sa social media?

Dani Barretto baby Millie, binabash na sa social media sa kabila ng mura pa niyang edad. Bilang ina, Dani may mensahe sa mga bashers ng baby Millie niya.

Dani Barretto bashers in social media

Hindi man tulad ng kapatid niyang sa Julia na pinasok ang mundo ng pag-aartista, hindi parin nakaligtas sa mga kritiko ang panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani. Ilan nga sa laging napupuna ay ang layo umano ng itsura ni Dani sa kaniyang kapatid na si Julia. Katunayan, nitong nakaraang taon ay ito ang naging banat ng mga ilang bashers kay Dani ng mag-react ito sa isyung kinasangkutan ng kapatid. Ito ang hiwalayan isyu ng aktor na si Gerald Anderson at aktres na noon ay girlfriend niya na si Bea Alonzo. Ang itinuturo ngang ugat ng hiwalayan ay ang kapatid ni Dani na si Julia.

Dani Barretto baby Millie

Image screenshot from Dani Barretto’s Instagram account

Bilang isang protective na Ate ay hindi napigilan ni Dani na ipagtanggol at suportahan ang kaniyang kapatid. Ngunit ito naman ay ginawang oportunidad ng kaniyang mga kritiko na i-bash siya. Ganoon rin ang biglaan niyang pagpapakasal sa kasintahan niya noon na si Xavi Panlilio. May ilang netizen ang nakapagsabi na ito ay nangyari lang dahil sa buntis siya.

“Eh kasi naman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napaka panget mo at pinakasalan ka lang naman kasi na buntis ka. Next time kasi quiet ka nalang. Yan tuloy nababash ka.”

Dani Barretto reaction to her bashers

Ilan lamang umano ito sa mga pangbabash na nababasa ni Dani tungkol sa kaniya sa social media. Ayon pa nga sa kaniya ay na-memorize niya na ang mga ito ngunit pinipinili niyang maging cool at huwag nalang pansinin ang mga bashers niya.

 
View this post on Instagram
  “Eh kasi naman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napaka panget mo at pinakasalan ka lang naman kasi na buntis ka. Next time kasi quiet ka nalang. Yan tuloy nababash ka. “ Oh gulat kayo memorize ko na kayo noh? HAHAHA Oh ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha. ❤️ You do note meeeeee. ????????

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto) on Aug 8, 2019 at 10:16pm PDT

Dani Barretto Baby Millie bashers

Ngunit, tila hindi ata kontento ang mga kritiko ni Dani sa pambabash lang sa kaniya. Dahil pati umano anak niyang si Millie ay nababash narin na hindi niya na kaya pang palampasin.

Sa isang Twitter post ay nagbigay si Dani ng mensahe sa mga bashers ng kaniyang anak. Ayon kay Dani, ay sobrang effort pa daw ang mga ito at nakuha pang gawan ng fake account ang kaniyang Baby Millie na wala pang kamuwang-muwang sa mundo.

“Grabe ‘yung effort ng mga tao diyan gumawa ng fake account para i-bash ‘yung 9-month-old kong anak! GRABE KAYO. HOW THE HELL DO YOU SLEEP AT NIGHT? GANON BA KAYO KALUNGKOT SA BUHAY NA PATI ‘YUNG BATA NA WALA PANG KAMALAY-MALAY SA MUNDO I-BABASH NIYO?”

Dani Barretto baby Millie

Dagdag pa ni Dani, dapat ay tigilan narin daw ng mga ito na ikinukumpara ang kaniyang Baby Millie sa ibang baby. At hayaan daw itong lumaki sa sarili niyang pace.

“And please stop comparing my daughter to other babies. Whether it’s a compliment or an insult, it’s just not f**king right. Hindi kami magician, magulang kami. LET OUR KIDS GROW AT THEIR OWN PACE. How did social media get toxic?”

Dani Barretto baby Millie

Ito ang mga pahayag ni Dani sa kaniyang Twitter account. Hindi man idinetalye ni Dani kung ano klaseng pambabash ang natatanggap ng kaniyang anak isa sa mga napupuna ng mga netizen ay ang pagkakahawig nila ng itsura ni Baby Millie noong siya ay baby pa.  Pero dagdag na banat ng kaniyang mga bashers ay sana huwag niya itong maging kamukha kapag lumaki na.

Paano maproprotektahan ang iyong anak mula sa cyberbullying?

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Dani, paano mo i-hahandle ang mga bashers at kritiko ng iyong anak sa social media?

Limitahan ang exposure ng iyong anak sa social media.

Payo ng mga eksperto hangga’t maari ay dapat nililimatahan o hindi muna ini-expose ang mga bata sa social media. Ito ay para narin sa proteksyon at kaligtasan nila. Ngunit sadya ngang mahirap pigilang ipakita sa mundo at maging proud ang isang magulang sa ka-cutan ng kaniyang anak. Sa ganitong pagkakataon ay mas mabuting limitahan lang ito sa mga kaibigan, kapamilya at kakilala na may mabuting hangarin sa iyong anak.

Hangga’t maari ay huwag itong pansinin maliban nalang kung may banta na sa kaligtasan ng iyong anak.

Bagamat mahirap ay mainam umanong huwag nalang pansinin ang mga pambabash sa iyong anak sa social media. Maliban nalang kung ito ay nagbabanta na ng kaligtasan ng iyong anak o labis ng nakakaapekto sa pag-iisip niya. Kung pupuwede ay maaring kausapin ng maayos ang basher o nambubully sa anak. O kaya naman ay mabuting idaan ito sa legal na paraan sa ilalim ng batas laban sa cyberbullying.

Laging isaisip na normal lang na maikumpara sa iba ang iyong anak bagamat siya ay kakaiba o natatangi para sa iyong mga mata.

Ang pagkukumpara sa iyong anak at sa ibang bata ay normal lang na reaksyon ng mga tao sa iyong paligid. Ngunit bilang magulang ay dapat mong isaisip na ang bawat bata ay naiiba. Kung may mga bagay na hindi pa nagagawa ng iyong anak ay huwag mag-alala. Pero para makasigurado ay mas mabuting itanong o i-open ito sa iyong doktor upang ikaw ay malinawagan at makasigurado.

Tulad ng nauna ng nabanggit, kung maari ay huwag nalang pansinin ang mga nambabash sa iyong anak. Manatiling kalmado at maging mabuting halimbawa sa iyong anak na siguradong pasasalamatan mo kapag siya ay lumaki ng isang mabuting bata na may respeto sa ibang tao.

 

Source:

ABS-CBN Push, The Clay Center

Basahin:

Dani Barretto: ‘I’m very protective of my siblings’

Partner Stories
Acnes and Mentholatum LipCare team up for a fun, interactive campus tour
Acnes and Mentholatum LipCare team up for a fun, interactive campus tour
These 5 Easy Holiday Recipes Will Make the Christmas Filling At Home Extra Special
These 5 Easy Holiday Recipes Will Make the Christmas Filling At Home Extra Special
Where to Get the Most Out of Black Friday Deals for Your Kids and Babies
Where to Get the Most Out of Black Friday Deals for Your Kids and Babies
Johnson & Johnson Philippines provides an additional line of defense for over 20,000 frontline healthcare workers.
Johnson & Johnson Philippines provides an additional line of defense for over 20,000 frontline healthcare workers.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Dani Barreto: Stop comparing my daughter to other babies... it's just not f**king right
Share:
  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko