Mommies, narito ang dapat niyong malaman tungkol sa Daphne pills side effects at benefits. Paano nga ba ang tamang paggamit nito?
Oral contraceptive pills at family planning
Pagdating sa family planning, isa sa mga pinakakilalang uri ng birth control dito sa Pilipinas ay ang paggamit ng oral contraceptives. Ito ay dahil bukod sa madali itong mahanap at bilhin, kapag ginamit nang tama, mayroon itong 99 porsyento na makakaiwas sa pagbubuntis. Madali rin itong gamitin.
Subalit may mga kababaihan ring nagdadalawang-isip sa paggamit nito dahil sa mga posibleng side effects na makuha mula sa pag-inom ng pills, lalo na kung nagpapadede sila. Mayroon bang oral contraceptive pills na ligtas para sa mga breastfeeding moms?
Daphne pills paano gamitin at side effect nito? | Image from Freepik
Daphne pills
Ang Daphne pills ay isa sa mga uri ng oral contraception pills na available dito sa Pilipinas. Ito ay nagtataglay ng active ingredient na Lynestrenol na ginagamit bilang lunas sa mga kondisyon na may kinalaman sa menstruation at nakakatulong upang maiwasan ang pagbubuntis. Marapat lang din na alamin ang tamang paggamit ng daphne pills.
Pero hindi tulad ng mga pills na madalas na ginagamit ng karamihang Pilipina na combined oral contraceptive, ang Daphne ay progestin-only pills at hindi nagtataglay ng hormones na estrogren.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng progestin-only pills? Ano ang benefits ng daphne pills na dapat asahan?
Tinutulungan ng progestin-only pills ang isang babae na hindi mabuntis sa pamamagitan ng pagpapalapot o pagpapakapal sa cervical mucus na pumipigil sa sperm ng lalaki na makagalaw at makipagtagpo sa egg cell ng babae.
Bukod sa pagpigil ng contraception, maaari ring makatulong ang progestin-only pills para maging banayad o mas mahina ang period ng isang babae.
Kaya naman makakabuti ito sa mga babaeng nagkakaroon ng heavy bleeding at menstrual cramps. Maaari rin nitong bawasan ang pagkakaroon ng acne at ang posibilidad ng mga sakit gaya ng endometrial at ovarian cancer.
Ang progestin-only pills tulad ng Daphne ay inirereseta sa mga babaeng nakakaranas ng estrogen-progestogen intolerance. Pati na rin sa mga babaeng edad 35 pataas, may migraine headaches, history ng blood clots, naninigarilyo at nagpapadede.
Maliban doon ay inirereseta rin ang progestin only pills upang gamutin ang acne, abnormal uterine bleeding, pagbabago sa hair growth at sexual desire, breastmilk production. Pati na rin sa breast, kidney, o uterine cancer.
Samantala, hindi naman ito nireremkomenda sa mga babaeng may undiagnosed vaginal bleeding, severe arterial disease, hormone-dependent neoplasm, severe liver disease tulad ng hepatic adenoma at mga babaeng may porphyria.
Daphne pills price
Ang isang pakete ng Daphne ay nagtataglay ng 28 small white pills na dapat inumin ng isang babae sa parehong oras araw-araw na walang palya. Ano nga ba ang price ng daphne pills? Mabibili ito sa mga leading drugstores sa halagang P147.50, at kailangan ng reseta ng doktor.
Sa progestin-only pills ay maaari kang makaranas ng hindi pagkakaroon ng menstruation, on and off spotting sa loob ng isang buwan, at magkaroon ng period sa ikaapat na linggo.
Daphne pills: paano gamitin?
Paano inumin ang daphne pills? Bago subukang gamitin ang pills na ito mahalagang malaman kung paano inumin ang daphne pills. Narito ang mga dapat tandaan.
Para sa mga babaeng gagamit ng Daphne pills sa unang pagkakataon, makakabuti kung aalamin mo muna kung paano gamitin ito nang tama upang masiguro ang bisa ng gamot at maiwasan ang mga ‘di kanais-nais na side effects.
Bago ang lahat, dapat siguruhin munang ito ay inereseta at inirekomenda ng iyong doktor. Ito ay upang makasiguro na ito ay angkop sa kaniyang pangangailangan at walang maging conflict sa kaniyang kalusugan.
Paano inumin ang daphne pills? Narito ang hakbang ng tamang paggamit ng oral contraceptive na Daphne pills.
- Simulan ang pag-inom ng unang pill sa unang araw ng menstrual bleeding o regla. Ngunit maaari rin itong simulan kahit anong araw basta’t sigurado kang hindi ka buntis.
- Sundan lang ang arrow o araw na nakasulat sa pakete ng pill.
- Ang pill ay umeepekto sa katawan ng isang babae 48 oras o dalawang araw matapos simulang inumin ito. Kaya naman sa unang dalawang araw, mas mabuting umiwas sa pakikipagtalik o kaya ay gumamit ng back-up contraception method tulad ng condom upang makasigurong hindi mabubuntis.
- Tandaan na dapat 24 oras lang ang pagitan ng pag-inom sa bawat pill. Kaya naman dapat itong inumin araw-araw sa parehong oras. Mas maganda kung ito ay iinumin sa gabi matapos kumain ng hapunan o bago matulog.
Dapat gawin kapag nalimutang uminom ng pill sa oras
- Kung makalimot uminom ng pill sa tamang oras ay inumin agad ito sa loob ng tatlong oras matapos ang scheduled na pag-inom.
- Kung lagpas na ang 3 oras ay inumin pa rin ang missed pill. Ngunit gumamit muna ng condom sa susunod na dalawang araw. Kailangan ding siguraduhin na iinumin ang mga susunod na pills sa oras at hindi na ito malilimutan.
- Ang hindi pag-inom ng pills sa tamang oras ay nagpapanipis ng cervical mucus ng isang babae na mas magpapadali sa sperm na makapasok at makatagpo ang egg cell. Ang resulta ito ay maaring mauwi sa pagbubuntis.
- Kung sakaling nasuka matapos uminom ng pill sa loob ng oras, inumin agad ang sumunod na pill at gumamit ng back-up contraception method tulad ng condom sa susunod na 48 oras. Ipagpatuloy ang pag-inom ng pill sa loob ng 28 araw.
- Simulan ang pangalawang pakete ng pills isang araw matapos inumin ang huling pills sa naunang pakete. Gawin ito may regla man o wala.
- Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills kahit na hindi nakikipagtalik. Maliban na lang kung nasa 3 buwan o higit ng walang sexual contact. Ito ay para makasiguradong hindi mabubuntis.
Maaari ring kailanganing gumamit ng backup method kung ay may sakit, nagsusuka, o may diarrhea. Dahil maaaring hindi ma-absorb ng iyong katawan ang pills kahit na mainom mo ito sa tamang oras.
Sabihin sa iyong healthcare provider kung sakaling umiinom ng gamot upang malaman kung makakaapekto ito sa pagiging epektibo ng iniinom na pills, tulad na lamang ng antibiotics, medisina para sa seizure, medisinang ginagamit upang gamutin ang HIV o St. John’s wort.
Kailan dapat tumawag sa doktor?
- Kung may namamaga sa iyong binti
- Mayroong pananakit sa binti
- Mainit kung hawakan ang iyong binti at nagkakaroon ng pagbabago sa kulay
- Nagkaroon ng lagnat o panginginig
- Nahihirapan huminga o nawawalan ng hangin
- Nananakit ang dibdib
- Umuubo ng dugo
Ano ang dapat asahan sa oras na itigil ang pag-inom ng Daphne pills? May side effect ba ito?
Kapag nagpasya kang itigil ang pag-inom ng pills, asahan na ang iyong regla ay manunumbalik sa loob ng 4-6 na araw matapos inumin ang huling pill. Kung lumipas na ang 8 linggo at hindi pa rin nanunumbalik ang iyong period, mas mabuting kumonsulta agad sa iyong doktor. Ang pagtigil sa pag-inom ng pill ay maaaring magdulot ng mas malakas o mahinang regla, at maaari ring makaranas ng spotting ng dugo bago maranasan ang unang period matapos tumigil sa pag-inom ng pills. Posible ring mabuntis agad, at maaaring magulo ang iyong menstrual cycle. Ang premenstrual syndrome (PMS) ay maaari ring bumalik, at maaaring bumaba ang timbang, kasabay ng muling paglitaw ng acne at unwanted hair. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, maaari pa ring manatili ang proteksyon laban sa ovarian at endometrial cancer.
Daphne pills for breastfeeding mom
Pwede ba ang Daphne pills sa breastfeeding mom?
Gaya ng nabanggit, ang progestin-only pills gaya ng Daphne ay nirerekomenda sa mga inang nagpapadede. Hindi kasi nito mapipigilan ang paggawa ng iyong katawan ng gatas kumpara sa mga combination pills.
Ayon kay Dr. Maureen Laranang, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang pagpapadede (exclusive breastfeeding) ay isang mabisang paraan ng contraception. Ito ay tinatawag na lactation amenorrhea.
“Ang mechanism kasi nito ay sinusurpress niya iyong hormone na inirerelease for ovulation. Ito po ay isang form rin ng natural contraception,” aniya.
Subalit kung gusto mo nang subukang gumamit ng oral contraceptives para masigurong hindi ka na mabubuntis uli, maaari kang gumamit ng progestin-only pills.
“Kung ang choice ni mommy iyong nagcocontain ng progestin like progestin only pills and nagbrebreastfeed sila, puwedeng immediately after giving birth and pwede rin any time after birth,” dagdag ni Dr. Laranang.
Para makasiguro, ugaliing kumonsulta sa iyong doktor bago uminom ng Daphne o ibang contraceptive pills upang masiguro na ligtas ito para sa iyo at malaman kung kailan ang tamang panahong simulan ito.
Daphne pills side effects
Tulad ng iba pang oral contraceptives at mga uri ng birth control, ang pag-inom ng Daphne pills ay maaaring magdulot ng ilang hindi magandang epekto sa isang babae. Mahalaga na malaman ang mga posibleng Daphne pills side effects na maaari mong maranasan, kabilang ang:
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng mga dede
- Sintomas ng depression
- Rashes sa balat
- Pagbabago ng timbang
- Fluid retention
- Pananakit ng tiyan
- Pagbabago sa libido
- Fatigue
- Insomnia
- Menstrual irregularities tulad ng amenorrhea, breakthrough bleeding, spotting, at menorrhagia
Ang mga Daphne pills side effects na ito ay karaniwang unti-unting nawawala matapos ang ilang buwan ng paggamit. Gayunpaman, kung patuloy ang mga hindi magandang epekto matapos ang isang buwan ng pag-inom ng Daphne pills, mas mainam na kumonsulta sa iyong OB-GYN para sa tamang gabay at rekomendasyon.
Mahalaga ring tandaan na ang epekto ng Daphne pills ay maaaring mag-iba sa bawat tao. Ang ilang babae ay maaaring hindi makaranas ng anumang side effects, habang ang iba naman ay maaaring makaramdam ng higit na mga sintomas. Ang tamang pag-monitor sa mga epekto at pakikipag-usap sa iyong doktor ay makatutulong upang matiyak na ang contraceptive na ito ay angkop para sa iyo at sa iyong mga pangangailangan.
Daphne pills paano gamitin at side effect nito? | Image from Freepik
Daphne pills benefits
Benefits ng pag-inom ng progestin-only pills tulad ng Daphne
Ilan sa mga benepisyong naibibigay ng pill tulad ng Daphne ay:
- Walang paghadlang sa intimacy o pakikipagtalik
- Maaaring mapahina o mapatigil ang menstrual bleeding
- Puwedeng inumin kahit na mayroong certain health conditions na dahilan para hindi makainom ng ibang uri ng birth control pills
- Maaaring inumin agad matapos manganak kung hindi nagpapasuso
- Kung nagpapasuso naman ay kinakailangang maghintay ng tatlong linggo kung nagpapagatas din gamit ang formula; at anim na linggo kung nagpapasuso lamang.
- Walang epekto sa abilidad na mabuntis sa hinaharap matapos gumamit
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!