Singer na si Darren Espanto umiiyak na inaming may hindi sila pagkakaintindihan ng mga magulang niya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Relasyon ni Darren Espanto sa mga magulang niya.
- Mensahe ni Darren Espanto sa mga magulang niya.
Relasyon ni Darren Espanto sa mga magulang niya
Naiiyak na ibinahagi ng singer na si Darren Espanto na may hindi sila pagkakaintindihan ng kaniyang mga magulang. Ito ay ginawa ng singer sa naging guesting niya sa programang “Magandang Buhay” ng ABS-CBN.
Nang tanungin kung ano ang pangako niya sa mga magulang kapalit ng mga sakripisyo at efforts ng mga ito ay naging diretso ang sagot ni Darren. Ito ay ang laging panatilihing proud ang mga magulang sa kaniya.
“Siguro, I promise to keep trying to make you proud always, and I promise not to be a disappointment too often.”
Ito ang sabi ni Darren na agad niyang dinugtungan ng paliwanag. Bagamat paglilinaw iba-iba tayo ng pinagdadaanan at paninindigan.
“Kasi siyempre, nandoon na po tayo sa edad na may mga gusto ka ring gawin, na minsan hindi tugma sa kagustuhan ng mga magulang natin. Pero it’s a part of life. Depende rin yun, I guess, sa sitwasyon niyo sa bahay, sa relationship mo sa magulang mo.”
“Magkakaiba naman tayong lahat sa relationship kung paano tayo pinalaki, kung paano tayo makipag-usap sa mga magulang natin.”
Ito ang sabi pa ni Darren na unti-unti ng nagiging emosyonal.
Mensahe ni Darren sa mga magulang niya
Pagpapatuloy pa niya na ina-address na sa kaniyang mga magulang ang kaniyang sinasabi na siya parin ang Darren na nakasama nila bago siya magpunta dito sa Pilipinas. Dahil ang magulang at kapatid ni Darren ay naka-base sa Canada at tanging siya lang ang nag-desisyon na manatili dito sa bansa ng mag-isa.
“But I promise to my parents, sana makita niyo pa rin ‘yong Darren na kilala niyo nung bata ako, bago lumipad papuntang Pilipinas.”
Ito ang naiiyak na mensahe ni Darren sa mga magulang. Pagpapaliwanag niya rin sa mga ito na hindi niya naman gustong bastusin ang mga magulang. Gusto niya lang naman daw gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kaniya. Bagamat naiintindihan niya naman umano na nag-aalala ang mga ito dahil wala sila sa tabi niya.
“Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever. Siguro may mga times lang na may gusto akong gawin para sa sarili ko. Pero siyempre, as a parent, hindi niyo po matatanggal sa magulang natin ‘yong mag-alala. Hindi niyo matatanggal iyon, lalo na sa mga ina, sa mga momshies. Iba ‘yong pag-worry nila sa atin e,” sabi pa ng emosyonal ng si Darren.
Sa huli, pag-uulit ni Darren ito ang gusto niyang iparating sa kaniyang mga magulang.
“I just promise to try my best to always make you guys proud and not be a disappointment.”
Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, na isa rin sa host ng programa naluha sa mensahe ni Darren sa mga magulang niya. Agad rin siyang nag-komento sa sinabi na ito ni Darren at ibinahagi rin ang point of view ng mga magulang na tulad niya.
“Kami naman mga anak, nagtatampo. Nag-aalala kasi kami. Meron kaming feeling mas dito kayo tama. Kaya meron kaming ganoon. Pero as far as yung na-didisappoint kami, ako sa anak ko I don’t think there’s a thing that he will do that will disappoint me or yung I will love him any less. Please do not think that.”
“Ang mga magulang lagi kaming proud, mabwibwisit lang kami konti pero lagi kaming proud.”
Ito ang komento naman ni Regine sa mga sinabi ni Darren.
Si Melai Cantiveros rin na co-host ni Regine sa programa ay naglabas rin ng saloobin sa mensahe ni Darren sa kaniyang mga magulang.
“Kung nahuhurt ang mga anak mas doble ang mga magulang. Kung ‘di kayo nakakatulog kapag nagkakaroon ng arguments mas hindi ang mga magulang.”
Ito naman ang sabi ni Melai kay Darren.
Ang mga magulang ni Darren na sina Lyndon at Marinel Espanto. Sila ay mga registered nurses na naka-base na sa Canada. Si Darren ang panganay ng mag-asawa at may isa pang anak na nagngangalang si Lynelle, ang kapatid na babae ni Darren.
Nitong nagdaang pandemic ay nagpunta si Darren sa Canada at nanatili doon ng isang taon.
“Reunited. I’m back in Canada!”
“Nakalipad pa ako bago mag-lockdown! Flew to Canada on Thursday and went straight to camping on Saturday (after I got my swab test results from the airport. I also don’t have to quarantine anymore.) Can’t believe how quick everything’s been!”
Ito ang pagbabahagi ni Darren sa naging pagbabakasyon niya sa Canada.
Nang ng lumuwag na ang sitwasyon ay bumalik si Darren ng Pilipinas para ipagpatuloy ang career niya sa pagkanta.