Kaso ng dengue naitala sa Kidapawan matapos ang sunod sunod na pag-ulan

Dengue cases sa Kidapawan City, dumami dahil sa sunod-sunod na pag-ulan. Dengue season na nga ba?

Talaga ngang mas magiging komplikado ang sitwasyon ngayon sakaling magsimula na ang dengue season dahil sa tag-ulan. Sa katunayan, ilang dengue cases sa Kidapawan city ang naitala nitong nakaraang linggo.

Dengue cases Kidapawan city

Nito lamang nakaraang linggo kung saan umulan nang umulan, nagkaroon na ng 11 cases ng dengue sa isang village sa Kidapawan city. Pangamba ng gobyerno, maaring magkaroon ng isa pang health issue ngayon kahit hindi pa naaalis ang banta ng COVID-19.

Image from Freepik

Sakaling mangyari ito, hindi mabibigyan ng supply ng dugo ang sinumang mangangailangan ng blood transfusion. Ito ay dahil ang kanilang blood bank ay hindi na functional simula pa noong May 5.

Kaya naman ang pasyente na mangailangan ng blood transfusion ay kailangan pang dalhin sa Davao City o Cotabato City.

“We just hope and pray that we won’t have many severe dengue cases that need platelet transfusion, or else, we will transfer them to bigger hospitals with refrigerated centrifuge,” pahayag ni Mayor Joseph Evangelista.

Paano makakaiwas sa dengue

Image from Freepik

Ngayong tag-ulan na naman, asahang dadami muli ang kaso ng dengue sa bansa. Ayon sa CDC o Center for Disease Control and Prevention, ang numero unong paraan para makaiwas sa dengue ay umiwas sa kagat ng mga lamok na nagdadala ng sakit na ito.

1. Gumamit ng insect repellent

Ayon sa Environmental Protection Agency o EPA ay dapat gumamit ng mga registered insect repellent na safe at effective. Hindi lang para sa mga bata kung hindi pati na rin sa mga buntis at breastfeeding mommies.

Para mas siguradong protektado laban sa dengue, sa pagpili ng insect repellent ay dapat tingnan kung nagtataglay ito ng sumusunod na active ingredients. Mas mataas na percentage na taglay ng insect repellent mas matagal ang proteksyon laban sa mga lamok.

  • DEET
  • Picaridin o KBR 3023 at icaridin
  • IR3535
  • Oil of lemon eucalyptus (OLE) o para-menthane- diol (PMD)
  • 2-undecanone

2. Gumamit ng cover mula sa lamok tulad ng kulambo, lalo na sa mga baby.

3. Mag-suot ng pantalon at long-sleeves jacket lalo na kung lalabas ng bahay.

Image from Freepik

4. Para sa dagdag na proteksyon ay gumamit ng insecticide na permethrin sa mga gamit sa katawan tulad ng sapatos, pantalon, medyas at iba pa. O kaya naman ay bumili ng permethrin-clothing at gears.

Ngunit tandaan na hindi dapat i-apply ang permethrin products sa iyong balat, kung hindi sa mga surfaces o gamit lang na maaring dapuan ng mga lamok.

5. Maglagay ng screen sa mga bintana at pintuan ng bahay. O i-repair ang mga butas sa screens ng inyong bahay para hindi makapasok ang mga lamok.

6. Gumamit ng aircon kung mayroon. Dahil pinatutuyo nito ang hangin sa paligid na hindi gusto ng mga lamok.

7. Maglinis sa inyong kapaligiran.

Tanggalin ang mga maaring pamahayan ng lamok tulad ng imbakan ng tubig, mga gulong, pools, laruan at kahit ano pang puwedeng pag-ipunan ng tubig. Dahil gustong-gusto ng mga lamok ang basang lugar na kung saan sila nangitngitlog.

 

Source:

GMA News, TheAsianParent PH

Basahin:

5 na ang patay at 1,167 ang may dengue sa Bohol, Central Visayas

Sinulat ni

mayie