Dengue national emergency, idineklara na sa bansa matapos ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.
Dengue national emergency sa Pilipinas
Patuloy na lumulobo ang bilang ng biktima ng sakit na dengue, ganoon din ang bilang ng nasasawi dahil sa sakit sa Pilipinas. Sa ngayon ay naitalang 491 na ang nasawi dahil sa dengue na kung saan karamihan sa mga ito ay mga bata. Ito ang naitala ng Department of Health mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Tumaas ang bilang ng nasawi mula sa dengue ngayong taon ng 155 mula sa naitalang 336 deaths ng nakaraang taon sa parehong period.
Samantalang sa kabuuan ay naitala ang 115,986 dengue cases mula January-July 6, 2019. Halos doble sa bilang ng tinamaan ng sakit ng nakaraang taon na 62,267 cases sa pareho paring period.
Halos 23% sa kabuuang bilang ng nagkaroon ng dengue ay mga batang may gulang na 5-9 years old. Habang 19% naman ay mga batang 10-14 years old.
Ang patuloy na lumulobong bilang ng mga nagkakasakit ng dengue ay mula parin sa limang rehiyon na idineklara ng DOH na may dengue epidemic. Ito ay ang Western Visayas, Calabarzon, Central Visayas, Soccsksargen at Northern Mindanao.
Kaya naman para mapaalalahanan ang mga Pilipino na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para maiwasan ang sakit ay nagdeklara ng dengue national emergency ang DOH sa Pilipinas.
Mga biktima ng dengue sa isang gym sa Maasin, Iloilo | Image from The Strait Times
Paano maiiwasan ang dengue
Hinihikayat ng DOH ang publiko na gamitin ang 4s strategy para maiwasan ang dengue. Ito ay ang sumusunod:
1S – Search and destroy mosquito breeding places o hanapin at puksain ang mga lugar na maaring pamahayan ng dengue. Tulad ng mga imbakan ng tubig gaya ng lumang gulong atbp.
2S – Seek early consultation o agad na magpunta sa doktor kung makaramdam ng sintomas ng dengue. Ito ay ang sumusunod:
- Biglaang mataas na lagnat
- Sobrang sakit ng ulo
- Pananakit ng mata
- Matinding pananakit ng kasu-kasuhan
- Fatigue
- Pagsusuka o pagduduwal
- Skin rash na lumalabas dalawa hanggang limang araw matapos lagnatin
- Mild bleeding sa ilong o sa gums
3S – Self-protection method o ang pagpuprotekta sa sarili laban sa sakit sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahabang damit tulad ng long sleeves at pants lalo na kapag nasa labas ng bahay. Paggamit ng insect repellant at kulambo para sa dagdag na proteksyon. O paglalagay ng screens sa bintana at pintuan ng bahay para hindi makapasok ang lamok.
4S – Support fogging and spraying o ang pagsuporta sa mga pagpapausok na ginagawa ng pamahalaan para mapuksa ang mga lamok.
Source: Inquirer, Fox News
Basahin: Dengue: Mga kailangan mong malaman tungkol sa sakit na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!