X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ina ibinahagi ang karanasan matapos magka-dengue ang dalawang anak

19 Oct, 2019

Dengue sa baby, anu-ano nga ba ang mga sintomas at warning signs na dapat bantayan ng mga magulang.

dengue sa baby

Image from Julie Ann Dapol Facebook account

Kwento ng isang ina na nagka-dengue ang dalawang anak

Isang inang netizen ang nagbahagi ng kaniyang karanasan matapos mag-positibo ang dalawang niyang anak sa dengue.

Siya si Julie Ann Dagol, 31-anyos na mas kilala sa Facebook bilang si Mommy ni Don Papi.

Kwento ni Mommy Julie Ann, umaga ng October 8 ay masigla pa ang 14 months old niyang anak na si Baby Neal. Pero bigla itong nilagnat kina-tanghalian na hindi bumaba buong maghapon. Mas gusto din daw nito na lagi siyang karga habang dede lang ng dede.

Sa pagdaan ng oras ay mas lumala ang itsura ni Baby Neal. Hindi na nito maidilat ang mga mata niya at hirap naring huminga. Sinundan ito ng kombulsyon na naging dahilan para dalhin na siya sa ospital ng kaniyang mga magulang.

Sunod na araw ay nilagnat maghapon si Baby Neal na kung saan ang pinakamababang naitala ni Mommy Julie Ann ay 38.6 degrees. Lumabas sa resulta ng mga test na positibo si Baby Neal sa dengue. Kaya naman na-confine siya sa ospital para doon gamutin at magpagaling.

Dengue virus

Samantala, sa bahay nila Mommy Julie Ann ay naiwan ang panganay niyang anak na si Juliene na 7 taong gulang. Sa isang video call ay nakausap niya ang anak na napansin niyang namumungay na ang mga mata. Nilagnat ito kalaunan. Hindi na naghintay pa si Mommy Juliene at pina-tingnan na agad ang anak sa doktor. Ayon sa doktor na tumingin ay tonsillitis ang sakit ni Juliene. Ngunit humingi ng second opinion sina Mommy Julie Ann at nalaman nilang tulad ni Baby Neal ay positibo rin sa dengue si Juliene.

Kaya naman parehong na-confine ang dalawa niyang anak dahil sa dengue. Hinala ni Mommy Julie Ann maaring nagmula ang dengue virus sa kanilang kapitbahay na kung saan may isang 7-anyos na batang lalaki ang nasawi dahil sa sakit.

Kaya naman ibinabahagi ni Mommy Julie Anne ang karanasan upang mabigyan ng impormasyon ang ibang magulang tungkol sa early symptoms ng dengue sa baby at sa iba pang bata.

Sintomas ng dengue sa baby

Maliban sa lagnat at namumungay na mga mata, ang mga napansin na sintomas ng dengue sa baby ni Mommy Julie Ann ay ang sumusunod:

  • Puffy eyes
  • Watery poop
  • Bahagyang pagsakit ng tiyan
  • Bahagyang pagsakit ng ulo
  • Namumulang pisngi
  • Pananakit ng talukap ng mata

Lunas sa dengue

Para gumaling mula sa sakit ay lahat ng pwedeng gawin ay ginawa umano nina Mommy Julie Anne. Sinubukan nilang painumin ang mga anak ng nilagang tawa-tawa at katas ng dahon papaya. Pinakain rin nila ang mga ito ng itlog ng pugo na pinaniniwalaang nagpapataas umano ng platelet ng ating dugo. Higit sa lahat ay hindi niya hinayaang ma-dehydrate ang mga anak. Habang patuloy niyang pinasuso si Baby Neal para mas maging mabilis ang paggaling nito.

“It was the longest 7days of my life. Bilang nanay feeling ko every minute mawawala sila at hindi ko kakayanin kaya naman we tried all possible remedies na narinig namin.”

Ito ang pahayag ni Mommy Julie Anne sa ginawa naming panayam sa kaniya.

Ayon parin kay Mommy Julie Anne ay naka-recover na ang kaniyang mga anak. Kailangan lang nilang bumalik sa doktor para sa kanilang follow-up check-up para masigurong sila ay dengue free na.

Mensahe sa ibang mga magulang

Dahil sa kaniyang karanasan ay may paalala si Mommy Julie Anne sa mga kapwa niya mga magulang. Ito ay ang sumusunod:

  • Trust your momma instinct – kapag may off sa anak mo or unusual patingin agad sa pedia.
  • Huwag isa walang bahala ang low grade fever kahit masigla pa ang bata.
  • Mag-tanong ng magtanong sa mga anak kung ano nararamdaman nila kahit hindi gaano masakit ipa check agad.
  • Have a regular pedia kasi malaking tulong ito para makakuha ng room sa hospital dahil pwede ka nilang bigyan ng referral sa ospital. Sa dami ng dengue case ngayon puno ang halos lahat ng hospital.
  • Get as much help as you can. Dahil sa mga pagsubok tulad ng pagkakasakit ng anak malaking tulong kung may mga taong gagabay at alalay sayo.
  • Higit sa lahat, pray and ask forgiveness kay Lord. Pray na gumaling ang mga bata agad at magka-isa ang pamilya lalo na ang mag-asawa.

Basahin: Dengue: Mga kailangan mong malaman tungkol sa sakit na ito

Partner Stories
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
3 Amazing Possible Stories that will leave you smiling, crying, and inspired
3 Amazing Possible Stories that will leave you smiling, crying, and inspired
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • News
  • /
  • Ina ibinahagi ang karanasan matapos magka-dengue ang dalawang anak
Share:
  • 9 sintomas ng dengue na dapat bantayan sa mga bata

    9 sintomas ng dengue na dapat bantayan sa mga bata

  • 5 na ang patay at 1,167 ang may dengue sa Bohol, Central Visayas

    5 na ang patay at 1,167 ang may dengue sa Bohol, Central Visayas

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 9 sintomas ng dengue na dapat bantayan sa mga bata

    9 sintomas ng dengue na dapat bantayan sa mga bata

  • 5 na ang patay at 1,167 ang may dengue sa Bohol, Central Visayas

    5 na ang patay at 1,167 ang may dengue sa Bohol, Central Visayas

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.