Denise Laurel nakuwento tungkol sa naging pagbabago sa buhay niya ng dumating ang only son na si Buks.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Karanasan ni Denise Laurel ng magbuntis sa only son niyang si Buks.
- Naging pagbabago sa buhay ni Denise ng maging isang magulang na siya.
Karanasan ni Denise Laurel ng magbuntis sa only son niyang si Buks
Isa si Denise Laurel sa mga may magagandang mukha sa mundo ng showbiz na talaga nga namang agaw-pansin. Noong taong 2010, kumalat ang tsismis na buntis si Denise pero nanatili siyang tahimik dito. Hanggang sa sumunod na taon, Setyembre ng 2011 ay inamin ni Denise na siya nga ay may anak na. Ipinanganak niya ito noong Abril ng parehong taon.
Kuwento ni Denise sa podcast episode ni Wil Dasovich kung saan siya ang guest nito ay hindi niya expected ang naging pagbubuntis sa kaniyang only son na si Buks. Tatlong buwan na nga daw niyang dinadala si Buks ng malaman niyang buntis siya. Nalaman niya ito ng magpunta siya sa doktor para magpa-checkup dahil sa pag-aakalang may sakit siya.
“I just knew something was off. I wasn’t my best and I am gaining weight uncontrollably. My fingers and my toes are always swollen and my face was swollen.”
Ito ang pagkukuwento ni Denise tungkol sa mga sintomas ng pagbubuntis na naranasan niya sa anak na si Buks.
Pagpapatuloy ni Denise, 23 years old siya noon ng mabuntis kay Buks. Siya ay nasa tugatog ng kaniyang career. Nang oras nga daw ng malaman niyang buntis siya ay muntik ng mawala sa kaniya ang anak.
“I used to call him little warrior because when I found out that I was pregnant I actually almost lost him. That’s how I found out when I went to the doctor. I was shooting and I was filming every day. I was on liquid diet”, kuwento pa ni Denise.
Larawan mula sa Instagram account ni Denise Laurel
Nang mabuntis si Denise ay may ginagawa siyang telenovela na kung saan siya ay gumaganap ng isang major role. Pero ayon kay Denise, hindi ito naging dahilan para pag-isipan niya kung itutuloy niya ba o hindi ang pagbubuntis. Bagamat pag-amin niya nag-alala siya sa magiging reaksyon ng kaniyang pamilya sa hindi niya inaasahang pagbubuntis.
“I always wanted to be a mom and I am super excited. I was worried about my family because it will break their hearts. As I was the last person in the world that would get pregnant out of wedlock so it’s a shock.”
Pero ang mga magulang ni Denise naging very supportive sa kaniya. Ang mga ito pa nga daw ay very proud dahil itinuloy niya ang pagdadalang-tao. At kahit kilalang conservative ang kanilang pamilya ay hindi siya pinilit ng mga ito na magpakasal dahil buntis siya.
“They are surprisingly super-duper undestanding. And they are proud of me because they don’t believe in not valuing life. So they are proud of me that I chose this path. They didn’t force me to get married.”
Ibinahagi niya rin na ang ama ng kaniyang anak ay isang foreigner. Ang relasyon umano nila ay hindi tumagal bagamat matagal daw siyang niligawan nito. Magkaganoon man ay very thankful si Denise sa pagdating ng anak sa buhay niya. Ikinuwento niya rin ang pinagmulan ng palayaw ng anak.
“I can’t imagine life without Buks. I call him Buky but his real name is Davian Alejandro. They want to call him Boknoy, Batangenong tisoy because we are from Batangas. They messed with me when I was pregnant because I couldn’t think of a name.”
Ito ang natatawang kuwento ni Denise.
Naging pagbabago sa buhay ni Denise ng maging isang magulang na siya
Larawan mula sa Instagram account ni Denise Laurel
Kung babalikan nga daw ang pagbubuntis niya ay pinili ni Denise na hindi ito isapubliko dahil gusto niya itong i-enjoy. Dahil sa katauhan ng kaniyang anak alam ni Denise na may tao na siyang mamahalin ng buo niyang puso at ganoon rin ito sa kaniya.
“It’s a chance for me to love somebody with my whole heart. I guess I grow up in such a loving environment. So when I realized I have somebody to share my life with like a child to take care of I was excited. Because I have so much love and energy left over to share.”
Kuwento pa nga ng aktres, kung noon ay very happy-go-lucky siya at very adventurous sa buhay, nagbago ang pananaw niya sa buhay ng siya ay maging isang ina.
“I’ve never been afraid of death but when I became a parent, that’s when I became scared [of] death.”
Ito ang kuwento pa ng single mom na si Denise Laurel.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!