Paano malalaman kung buntis sa unang linggo? May 9 na sintomas na maaaring maramdaman na as early as 1 week after missed period.
Bukod sa paggamit ng pregnancy test, paano mo malalaman kung buntis ka na? Alamin ang mga sign na buntis ka.
Iba-iba ang nagiging sintomas ng sa bawat babae na buntis. Minsan, may mga sintomas na nararanasan ang isang babae na hindi nararanasan ng iba. Minsan naman, may mga sintomas sa unang pagbubuntis na wala sa kasunod na pagbubuntis.
Maaring matagal mo nang hinihintay ang sandaling ito. Maaari rin namang wala ito sa plano pero nakakaramdam ka na ng mga karaniwang senyales ng buntis. Subalit paano mo nga ba masisiguro na ikaw ay nagdadalangtao na?
Narito ang dapat mong malaman patungkol sa mga senyales ng buntis na babae.
Kailan nagsisimula ang pagbubuntis?
Ayon sa Medical News Today, ang unang linggo ng pagbubuntis ay sinusukat mula sa iyong huling regla, at hindi sa araw na nagkaroon ng conception o nabuo ang bata. Kaya makakabuti kung alam mo ang mga araw ng iyong monthly period at kung kailan ito natatapos.
Halimbawa, kung ang unang araw ng iyong huling monthly period ay May 28, ito ang binibilang ng mga eksperto na unang araw ng iyong pagbubuntis, at May 28 hanggang June 3 ang iyong unang linggo. Dito na nagsisimula na ang cycle ng iyong pagbubuntis.
Sa loob ng panahong ito, ang uterus ay nagsisimula nang mag-shed ng lining nito at nagsisimula nang magtrabaho ang mga hormones mo upang maghanda sa iyong pagbubuntis.
Gumagawa ang iyong ovaries ng hormone na kung tawagin ay estrogen na nagpapakapal ng iyong uterus lining para sa iyong bahay-bata. Upang malaman ang tamang panahon ng iyong pagbubuntis, mahalagang malaman paano malalaman kung buntis.
Maraming mga senyales at sintomas ang maaaring magpahiwatig ng iyong pagbubuntis, kaya’t alamin ang mga ito. Sa ganitong paraan, mas madali mong matutukoy paano malalaman kung buntis at makapagplano nang naaayon.
Paano mo malalaman kung buntis ka na?
paano malalaman kung buntis | Source: flickr.com
Mahalagang alamin ang mga senyales ng pagbubuntis upang malaman mo kung ang sintomas na iyong nararamdaman ay normal o hindi, at mas maaalagaan mo ang iyong sarili. Mas mapapadali rin ang paghahanda mo sa pagdadalang-tao at pagdating ng iyong baby.
Narito ang ilang sign na buntis ka, at mga maaari mong maranasan sa unang linggo ng pagbubuntis:
1. Hindi dumating na regla
Isa sa mga senyales maaari mong maranasan sa unang linggo ng pagbubuntis ay kapag hindi dumating ang iyong buwanang dalaw.
Ito ang isa sa pinakamadaling paraan upang malaman kung buntis ang isang babae. Kapag hindi dumating ang iyong regla, malaki ang posibilidad na ikaw ay buntis na.
Kapag hindi dumating ang iyong regla maaaring maaagang sintomas na ito ng pagbubuntis, mabuting kumuha ka na rin ng pregnancy test. Ito ay upang makasigurado ka na ikaw nga ay nagdadalang-tao, at hindi lang basta nadelay ang iyong buwanang dalaw.
Isang karaniwang sintomas ng pagdadalang-tao ay ang spotting o pagdurugo kahit na matagal pa ang iyong regla. Ito ay tinatawag ring implantation bleeding. Isa ito sa paraan pano malalaman na buntis ka na.
Kadalasan, inaakala nila na ang spotting ay dahil sa nagsisimula na nilang period. Pero para matukoy kung ito ay spotting at hindi ang iyong regla, ang spotting ay kaunti lang at pink ang kulay.
Bukod sa pagdurugo, makakakita ka rin ng maputing likido na manggagaling sa iyong vagina. Ibig sabihin nito, naghahanda na ang iyong katawan sa pagbubuntis.
3. Cramps
Nangyayari ito kapag ang fetus ay kumabit na sa uterus. Madalas, napagkakamalan itong senyales na magsisimula na ang monthly period.
Subalit kumpara sa menstrual cramps na sa puson nararamdaman, ang cramps na dala ng pagbubuntis ay nararamdaman sa puson, o sa iyong lower back.
Nagtatagal ito ng ilang linggo o buwan, kumpara sa menstrual cramps na dalawang araw lang ang itinatagal at nababawasan kapag nagsimula na ang period. Isa ito sa mga paraan pano malaman na buntis ka na.
4. Pagbabago sa iyong suso
Paano malaman pag buntis ka na?
Matapos ma-fertilize ang egg cell, madalas nakakaramdam ng tenderness at pananakit sa suso ang mga magiging ina. Dahil ito sa mga hormones na inihahanda ang katawan ng isang babae sa pagiging ina. Isa rin ito sa paraan kung paano malalaman pag buntis ka na.
Madalas makakaramdam ka ng sakit sa iyong dibdib sa unang mga linggo ng pagbubuntis. Subalit kapag nagtagal ay masasanay na ang iyong katawan, at mawawala na ang sakit.
Ito ay kadalasang nangyayari sa ika-apat o ika-anim na linggo ng pagbubuntis. Mararamdaman ng isang ina na lumalaki ang kaniyang dibdib, at minsan ito ay namamaga at nagiging “tender.”
Sa panahong ito, importante ang magsuot ng komportableng damit at bra upang maibsan ang pamamaga na dulot ng paglaki ng iyong dibdib.
5. Matinding pagod
Isa rin ang fatigue o matinding pagod sa mga paraan kung paano malalaman kung buntis ka. Dahil ito sa maraming bagay, kasama na ang hormone na progesterone, pagbaba ng blood sugar sa katawan, pagbaba ng blood pressure, at pagdami ng dugo sa iyong katawan.
Kung nakakaramdam ka pa rin ng pagod kahit nakatulog ka at nakapagpahinga, posibleng isa ito sa mga senyales at sintomas na buntis ka.
Ang pagkakaroon ng matinding pagod o “fatigue” ay isa ring senyales ng pagbubuntis. Ito ay kadalasan ding nararamdaman hindi lang sa simula ng pagbubuntis, ngunit sa kabuuan ng pagdadalang-tao.
Ang pagkakaroon ng morning sickness ay isa sa mga sign ng pabubuntis na karaniwan nating nakikita sa TV at mga pelikula. Subalit alam niyo ba na ang sintomas ng buntis na ito sa unang linggo ay hindi lahat ng babae ay nakakaranas nito?
Hindi pa rin alam kung bakit ito nangyayari, subalit ayon sa mga eksperto, ito ay dahil sa pregnancy hormones na mayroon ang isang buntis.
Minsan naman, nagiging mas sensitibo ang ilong ng mga ina sa matatapang na amoy, kaya’t nagkakaroon sila ng pagkahilo at pagsusuka, dala pa rin ito ng pregnancy hormones.
6. Paiba-iba ang temperatura ng iyong katawan
Isa pa sa paraan kung paano malalaman kung buntis ang isang babae ay ang pagbabago ng kaniyang temperatura.
Sapagkat nagbabago na ang hormones sa iyong katawan, ganun rin ang iyong body temperature o basal body temperature.
Siguro isa na rin sa mga paraan paano malalaman kung buntis ang isang babae ay kapag mayroon siyang mga cravings.
Maaaring magulat ka na madalas na ang pag-crave mo sa iilang pagkain. Isa umano ang paglilihi sa mga sintomas na nararanasan ng mga buntis kahit sa unang linggo pa lamang.
Gayundin, maaring may mga paborito kang pagkain noon na ayaw mo na kahit maamoy man lang ngayon. Dala rin nito ng pagbabago sa hormones ng isang babae, at kakabit sa morning sickness.
8. Malakas na pang-amoy
Isa sa mga signs ng pagbubuntis ay kung mas lumakas ang iyong pang-amoy. Sa ilang pagkakataon pa nga ikaw ay nasusuka sa mga partikular na amoy o nahihilo.
Ang pagtaas ng timbang ay kadalasang nangyayari sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
Mapapansin mo rin na napaparami ang iyong kinakain dahil mas maraming nutrisyon ang kinakailangan ng iyong katawan upang suportahan ang dinadala mong sanggol.
Iba mga sintomas ng buntis
6 hindi karaniwang senyales ng pagbubuntis
Ang mga sintomas na nabanggit sa itaas ay ang mga kadalasang nararamdaman ng karamihan ng mga babaeng nagdadalang-tao.
Subalit may ilang mga senyales rin pagbubuntis na hindi masyadong karaniwan. Kaya naman akala natin normal lamang ito.
Minsan kasi akala natin normal lamang ang discharge na mayroon tayo pero sintomas ng buntis sa unang linggo na pala ito. Lalo na kung ang discharge ay parang clear o sticky white mucus.
Paano malalaman na buntis? Isa sa mga hindi karaniwang sintomas ay pananakit ng ulo.
Akala natin na ang pananakit ng ulo ay sanhi lamang ng ibang bagay katulad ng stress o magkakaroon na ng monthly period. Pero maaaring senyales na rin ito ng pagbubuntis.
Ang madalas na pag-ihi pala ay isa sa paraan paano malalaman kung buntis ka na.
Kilalang katangian ng mga buntis ang madalas na pag-ihi, lalo na sa huling trimester. Kaya kung sa palagay mo ay mas madalas kang pumunta sa banyo kaysa dati, maaaring senyales ito na buntis ka na.
Kapag buntis ang isang babae, mas dumadami ang dugo na ginagawa ng katawan. Dahil dito, mas maraming dugo ang dumadaan sa kidneys, na nagdudulot ng mas madalas na pag-ihi.
Isa sa mga hindi pangkaraniwang senyales ng pagbubuntis ay pagkahilo lalo na sa unang trimester. Inaakala kasi ng marami na katulad lamang ang nararanasan nila kapag sila’y may regla o menstruation.
Pero mag-ingat din dahil kung ang pagkahilo ay may kasamang matinding vaginal bleeding, maaaring ectopic pregnancy na ito.
5. Pakiramdam na bloated ka.
Minsan akala natin busog lamang tayo na pagkain kaya parang bloated tayo. Pero puwede na rin itong senyales ng pagbubuntis na sanhi rin ng hormonal changes sa ating katawan.
6. Parang may metal sa iyong panlasa
Sa pagtaas ng hormones na estrogen at progesterone habang buntis, nakakapagdulot ng iba’t ibang panlasa sa isang babae.
Ang tawag sa kundisyon na ito ay dysegusia, ang ilang babaeng buntis ay nakakalasa ng tila metal sa kanilang kinakain.
Kulay ng ihi ng isang buntis bilang isa sa senyales
Sa karaniwang pagkakataon, ang kulay ng ihi ng tao na walang anomang kumplikasyon ay dilaw hanggang sa pagiging transparent. Ngunit, kadalasang makikita ang senyales ng pagbabago sa kulay ng ihi ng buntis.
Maaaring magbago ang kulay ng ihi mula mapusyaw na dilaw hanggang maging matingkad o darker na dilaw. Pwede ring maging yellow-orange ang kulay ng ihi.
Kung hindi ka naman nag-e-expect ng pagbubuntis, maaaring magpakonsulta sa doktor kung ito ba ay senyales ng kulay ng ihi ng buntis o kumplikasyon na may kinalaman sa pag-ihi tulad ng urinary tract infection.
Paraan paano malaman kung buntis: Mag-pregnancy test
Ang pinakamainam pa ring paraan paano malaman malaman kung ikaw ay buntis nga ay sumailalim sa isang pregnancy test. Depende sa brand na iyong bibilhin, pero kadalasan ay 99% ang accuracy nito.
Kung nararanasan mo na ang ilan sa mga sintomas na nabanggit sa itaas, marahil panahon na para bumili ng pregnancy test kit.
Maaari itong mabili sa mga botika. Mas maganda ring gawin ang pregnancy test sa unang ihi mo kapag umaga, sapagkat doon mas mataas ang iyong human chorionic gonadotropin (HCG) o ang hormones sa pagbubuntis.
Subalit maaaring makakuha ka ng negative results sa unang linggo hanggang dalawang linggo ng pagbubuntis sa pregnancy test. Subalit kung patuloy pa rin ang nararanasan mong sintomas ng pagbubuntis. Subukang mag-pregnancy test ulit.
Ihi at asin para malaman kung buntis?
Isang paraan na ginagawa ng iba sa atin kung paano malalaman kung buntis ay gamit ang ihi at asin. May katotohanan kaya ang ihi at asin para malaman kung buntis? Ito ba ay may siyentipikong paliwanag o pawang makalumang gawi lamang?
Makalumang paraan kung paano mala: ihi at asin
Imagine mga mommies, nasa 1920s pa tayo, at ikaw bilang babaeng nangangamba kung buntis na, ay walang kasiguruhan kung totoo nga ba.
Ang pinaka karaniwang ginagamit nating pregnancy test kit ngayong 21st century ay naaprubahan lang simula 1970s pa. Kaya bilang nasa makalumang panahon nung 1920, may mga kaparaanan batay sa lumang paniniwala tulad ng paggamit ng ihi at asin para malaman kung buntis ka.
Gaano kaya ito ka reliable?
Ano-ano ang mga kakailanganin para paraang ito?
Batay sa mga sources na hindi scientifically credible ayon sa Healthline, ang mga sumusunod ang kakailanganin kung paano malalaman kung buntis ka:
- maliit at malinis na mangkok o baso para paglagyan ng iyong ihi
- isang maliit at malinis na mangkok naman para paglagyan ng pinaghalong ihi at asin
- ilang kutsarang asin
Para raw mas makitang maigi ang resulta, mas maiging transparent na mangkok ang gamitin. Sa gagamiting asin naman, inaasahan natin na hindi ito labas sa mga karaniwang asin na ginagamit. Kung kaya, baka hindi rin applicable ang Himalayan at Kosher salt.
Paano isagawa ito
Una, maglagay ng ilang kutsara ng asin sa transparent na mangkok o baso. Ikalawa, mangolekta ng kakaunting dami ng unang ihi sa umaga sa kabilang mangkok. Pagkatapos, ibuhos ang ihi sa mangkok na may asin.
Hintayin ang magiging resulta. Ayon sa ibang matatanda, pwedeng mahintay ang resulta sa loob lamang ng ilang minuto. Samantalang sabi naman ng iba, oras ang hihintayin bago makita ang resulta.
Paano basahin o tignan ang resulta
Kapag negatibo ang resulta, walang mangyayaring pagbabago sa mangkok na may pinaghalong asin at ihi. Kapag positibo naman ang resulta, sabi nila, magkakaroon ng malapot na milky na mixture pagkatapos hintayin ang ilang minuto.
Bagaman ito ay ginagawa pa rin ng ilang kababaihan o ipinapasa ng mga matatanda, wala pa rin itong mga ebidensiya na magpapatunay na accurate nga ang paraang ito.
Pero, para makatiyak na ikaw ay buntis, habang ginagawa ang paraang ito, isabay rin ang paggamit ng pregnancy test kit. Ugaliin pa rin na magpakonsulta sa doktor para makaiwas sa anomang maling pagtrato ng resulta.
Pananakit ng katawan ng buntis
Kapag nagbubuntis, maraming pagbabago ang nagaganap sa katawan ng mga moms. Bagaman lahat ng pananakit ng katawan ng buntis ay karaniwang nangyayari, hindi ibig sabihin na komportable itong maramdaman.
Kapag nagbubuntis, maaaring ang pakiramdam ng isang mommy ay lahat ng bahagi ay namamaga. Madalas nakakaramdam din ng pagkapagod at pananakit ng katawan kapag buntis.
Kadalasan, sa pelvic area nararamdaman ang pananakit ng katawan ng buntis. Dahilan nito ay ang pagbabago sa hormones, at pag-expand ng uterus. Nagiging sanhi ito ng pressure sa muscles at buto ng isang buntis.
Ngunit, may tinatawag ding sciatica sa buntis. Ano nga ba ang sciatica at paano malulunasan ang ganitong sakit?
Ano ang sakit na sciatica?
Kapag nagbubuntis ang isang mom, magkahalong excitement at pangamba ang nararamdaman niya. Pero paano kung may sciatica ang isang nagbubuntis?
Ang sakit na sciatica ay malalaman sa kung ano ang nararamdaman sa sciatic nerve. Ang mga ugat o nerves na ito ay nagmumula sa iyong spinal cord patungo sa ibabang likod o pelvic area. Dumudugtong rin ang nerves na ito sa puwitan hanggang sa mga hita at binti.
Nakakatulong ang mga ugat na ito sa iyong pelvic area at mga ibabang bahagi na makaramdam ng iba-ibang sensation tulad ng pressure, temperature, at sakit.
Ano naman ang sciatica? Kapag nagbubuntis, maaaring makaramdam ng sakit tulad ng kung ano ang sakit na nararamdaman bilang sciatica. Nangyayari ito habang lumalaki ang baby sa tiyan at nag-eexpand ang uterus, dahil sa pressure sa sciatic nerve.
Ang pressure na ito ang nagdudulot ng pamamaga sa sciatic nerve, at ito ang nangyayari sa kung ano ang sakit na sciatica.
Mararamdaman mo kung ano ang sciatica kapag naranasan mo ang biglang pagsakit ng lower back pababa sa iyong hita.
Sintomas ng sciatica
Ang mga nabanggit na pananakit ng katawan ng buntis dulot ng sciatica ay tulad ng pagsakit ng lower back hanggang hita. Bukod pa rito, nasa ibaba ang iba pang sintomas na dapat alaman kung ano ang sakit na sciatica:
- pananakit ng binti
- mahinang bladder control
- pagkamanhid, at tila tinusok ng karayom na sakit sa legs
- paghapdi o burning sensation sa lower extremities
- pananakit na mas lumalala kapag naubo, gumalaw, o nabahing
Ano ang gamot sa sciatica?
Sa pag-alam kung ano ang gamot sa sciatica, kadalasan ang mga doktor o physician, maging ang pasyente ay mas nais na maging konserbatibo. Maiiwasan nga naman nito ang pag-inom ng mga gamot na maaaring makaapekto sa pagbubuntis.
Narito ang mga paraan bilang lunas kung saan hindi na aalamin kung ano ang gamot na dapat inumin sa sciatica:
- pinakamahalaga ang pagpapahinga at dahan-dahan na stretching (dapat humingi ng konsultasyon muna sa OB)
- kapag humihiga, humiga sa side ng katawan na opposite kung saang bahagi nararamdaman ang pananakit
- iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat
- umiwas sa pagtayo sa mahabang oras
- makakatulong ang paglalagay ng hot o cold compress sa masakit na bahagi
- subukang magsuot ng maternity support belt
- laging magpakonsulta sa isang physician na nakaalam sa safe na procedure para sa buntis
Checklist sa pagbubuntis
- Siguraduhin na mayroon kang vaccination para sa rubella at chickenpox. Kadalasan, irerekomenda ito ng doktor mo kung hindi ka pa nabibigyan ng mga bakunang ito.
- Mabuting maghanap ng doktor na makakatulong sa iyong pagbubuntis. Sila ang magbibigay ng tamang payo tungkol sa pag-aalaga sa iyong sarili at sa iyong baby.
- Huwag mahiyang magtanong sa iyong doktor kapag nagpapatingin. Mabuting alamin lahat ng dapat mong malaman sa iyong pagbubuntis.
- Kung ikaw ay umiinom ng gamot, ikonsulta muna ito sa doktor upang malaman kung safe ba ito para sa iyong baby.
- Magkaroon din ng regular check-up sa buong pagbubuntis mo upang masiguro na ligtas at naalagaan kayo ni baby habang nasa journey kayo ng pregnancy.
Karagdagang kaalaman mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!