Mga mommies, ito ang inyong guide sa week 6 ng pagbubuntis! Sa panahong ito, mapapansin mo na ang paglaki ng iyong tiyan dahil sa paglaki ni baby!
Mababasa sa artikulong ito:
- Week 6 ng pagbubuntis: Gaano na kalaki si baby?
- Week 6: Ang development ng iyong sanggol
- Sintomas ng pagbubuntis
Narito ang lahat ng kailangan mong malaman sa 6 weeks ng pagbubuntis
Ano-ano nga ba ang madalas na sintomas na nararanasan sa week 6 ng pagbubuntis?
Larawan mula sa iStock
-
Magsisimula na ang mga mood swings dahil sa hormones na kumakalat sa iyong katawan.
-
Madalas, makakaramdam ka ng matinding pagod at pagkahapo. Normal lang ito dahil nag-a-adjust pa ang iyong katawan sa mga pagbabagong nangyayari.
-
Makakaranas ang buntis ng madalas na morning sickness.
Ang morning sickness ay isang normal na senyales at kadalasang nangyayari sa first trimester ng pagbubuntis. Ang madalas na nararamdaman kapag ikaw ay may morning sickness ay ang pagsusuka at nausea.
Ang madalas na pagpapalit ng hormones ng kababaihan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng food cravings ang mga pregnant mom. Maaari mong masuri sa iyong sarili na may mga aayawan kang pagkain o ‘di kaya ay mag-crave sa pagkain na kakaiba.
Isa rin ang fatigue o matinding pagod sa mga nararamdaman ng isang buntis sa week 6 . Dahil ito sa maraming bagay, kasama na ang hormone na progesterone, pagbaba ng blood sugar sa katawan, pagbaba ng blood pressure, at pagdami ng dugo sa iyong katawan.
Ito ay kadalasan ding nararamdaman hindi lang sa simula ng pagbubuntis, ngunit sa kabuuan ng pagdadalang-tao.
Mga kailangan mong gawin para maiwasan ang fatigue o matinding pagod:
-
- Umidlip. Ang pag-idlip ay makakatulong kung ikaw ay nagtatrabaho o maraming ginagawa sa loob ng bahay. Magiging importante rin ito sa kapag silang ng iyong baby.
- Matulog nang maaga. Huwag magpuyat dahil nakakasama ito sa iyong kalusugan. Ang pagpupuyat ay maaaring magresulta ng preeclampsia o ang kundisyon na nakakaapekto sa blood pressure at kidneys ng buntis
-
Pagbabago ng inyong breast size
Magkakaroon ng pamamaga ang iyong suso. Makakaramdam ka rin ng mas matinding pagod simula ngayon. Ang hormones ng isang buntis ay ang nagpe-prepare para sa kanilang breastfeeding. Ang blood flow sa area ay tumataas, senyales ng pagkakaroon ng larger breasts.
Napapadalas din ang iyong pag-ihi, dahil sa nag-e-expand ang iyong uterus. Laging uminom ng tubig upang maiwasan ang dehydration.
Pwedeng makaranas ang isang buntis ng mild cramping o bloating. Ito ay ang sanhi ng pag-i-stretch ng iyong uterus. Ito ay hindi nakakaalarma ngunit kapag matindi na ang sakit, tumawag na agad sa doktor.
Week 6 ng pagbubuntis: Gaano na kalaki si baby?
Sa week 6, ang size ng baby ang pwede nang umabot mula ⅛ hanggang ¼ ang haba o kasing laki ng pomegranate seed. Ang sanggol ang mukha pa rin tadpole, ang maliit na tail nito ay magiging spinal column.
Week 6: Ang development ng iyong sanggol
- Kahit ito ay nagde-develop, ang heart ng baby ay isa sa mga unang organ na magfu-function. Nagsisimula nang tumibok ang puso ni baby sa bilis na 150 beats per minute.
- Ang kaniyang heart rate ay doble ng iyong heart rate, at magiging ganito kabilis hanggang sa ipanganak si baby. Bukod dito, nagsisimula na ring mabuo ang circulatory system ni baby.
- Nabuo na rin ang kanyang mga facial features, at hindi na gaanong mukhang tadpole ang iyong sanggol.
- Ang ibang features tulad ng ilong, tenga at panga ay unti unti na rin nadedevelop. Nagsisimula na ring gumalaw kahit papano ang mga magiging kamay at paa ni baby.
- Ang neutral tube ay maaari rin magsara sa linggong ito. Ito ay magiging brain at spinal cord ni baby.
- Ang digestive, reproductive, at urinary system ay nasa early stages na rin ng development.
Sintomas ng pagbubuntis
- Magsisimula na ang mga mood swings dahil sa hormones na kumakalat sa iyong katawan.
- Madalas, makakaramdam ka nang matinding pagod at pagkahapo. Normal lang ito dahil nag-a-adjust pa ang iyong katawan sa mga pagbabagong nangyayari.
- Ang morning sickness ay posibleng magtuloy-tuloy buong araw. Kaya’t mabuting maghanda ka na kung sakali itong mangyari.
- Makakaramdam ka ng kaunting pananakit ng suso, ito ay dahil naghahanda na ang iyong katawan na mag breastfeed.
Pag-aalaga sa iyong sarili
- Suriing mabuti kung mayroon kang spotting. Dahil isang senyales ito ng pagkalaglag ng bata, o kaya naman ay ectopic pregnancy.
- Laging uminom ng prenatal vitamins. Ang prenatal vitamins ay nakakatulong sa healthy development ng baby.
- Pwede kang mag Kegel exercises araw araw para lumakas ang pelvic floor. Ang simpleng paglalakad rin at hindi pag-stay sa isang posisyon ay makakatulong upang maiwasan ang mga sakit sa katawan ng pregnant mommy.
- Mabuti ring magsimula kang magbawas ng kain sa panahong ito, upang makontrol ang pagdagdag ng iyong timbang. Tandaan, mahalaga pa rin ang healthy weight kapag ikaw ay nagbubuntis.
Mga dapat mong gawin para sa healthy na pagbubuntis
-
Mag-obserba kung kayo ay nakakaramdam ng sintomas ng UTI
Kung masakit ang pag ihi at tila walang lumalabas, maaring senyales na ito ng UTI. Siguraduhin na kumausap ng doktor kung mayroon ka nga nito. Malaki ang chance na magkaroon ka ng infection na ito pagkatapos ng week 6.
-
Humanap ng tamang exercise routine
Maaaring maghanap ng tamang routine ng exercise sa buntis. Mahalaga ang pag-eehersisyo upang maiwasan ang komplikasyon sa mga susunod na buwan o linggo ng pagbubuntis. Ayon sa mga eksperto ang pag-e-exercise ay nakakabawas nang pagsakit ng likod, bloating, at swelling.
-
Kumain ng masustansyang pagkain
Kumain ng mga healthy food. Hindi kinakailangan magkaroon ng striktong diet. Ang mahalaga ay ang tamang pagkain upang makakuha ng sapat na sustansya para kay mommy at baby.
Dahil sa patuloy na paglaki ni baby, mas kakailanganin nito ang sapat na nutrisyon. Mahalaga ang pagkain na mayroong fiber, calcium, at vitamin c dahil maganda ito para sa baby.
Ang prenatal vitamins ay magbibigay ng extra sustansya para kay mommy at baby. Samantala, ang folic acid ay makakatulong sa tamang pag-develop ng spinal cord at brain ni baby. Ang nutrients na dulot nito ay maaaring makabawas ng serious birth defects sa mga baby.
BASAHIN:
Buntis, ‘wag puwersahing magtrabaho—pahinga pag masama ang pakiramdam
7 paraan para maiwasan ang pamumulikat ng binti ng buntis
Buntis Guide: Gabay sa ika-24 linggo ng pagbubuntis
-
Paghandaan ang prenatal visit
Larawan mula sa iStock
Kung hindi ka pa nakakapunta, siguraduhin ang bumisita sa doktor upang ikaw ay ma-check. Pagdating sa prenatal check up maaari kang kuhaan ng weight assessment, blood pressure check, at breast and pelvic examination.
Kukuhaan ka rin ng blood test upang malaman ang inyong blood type at RH factor. Ito ay upang ma check ng doktor kung ikaw ay iron deficient at kung ang inyong baby ay may risk ng chromosomal abnormalities.
Maging handa rin sa mga itatanong ng doktor, tungkol sa inyong health histories. Ang mga tanong na ito ay para sa ikabubuti ng baby sa loob ng iyong tiyan.
Mga maaari mong ilista bago pumunta sa clinic:
- Date ng iyong last menstrual period
- Impormasyon tungkol sa past pregnancies o panganganak
- Family medical history (kay mommy at sa kaniyang partner) tulad ng mga inherited diseases, birth abnormalities, o infant loss
- Mga gamot o over the counter medicine, mga supplements, at mga herbs na iyong iniinom
- Allergies sa gamot
- Past record ng pagkaka admit sa ospital
Kailan dapat tawagan ang inyong doktor?
Minsan ang pagkakaroon ng sakit habang buntis ay normal at wala dapat ikaabala. Ngunit kailangan ng tumawag ng doktor kapag ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na ito:
- Pagkakaroon ng vaginal bleeding
- Mayroon fluid leaking sa inyong vagina
- Matinding abdominal o pelvis pain
- Lagnat na lalampas sa 38 C
- Matinding pananakit ng ulo
- Biglaang pamamaga ng kamay, mukha at daliri
Checklist sa pagbubuntis
- Ugaliing mag ehersisyo. Makatutulong ito sa iyong kalusugan at pati na rin sa magiging development ng iyong anak. Magpakonsulta sa doktor para sigurado kang safe ang gagawin mong pag-ehersisyo.
- Kung ikaw ay umiinom ng gamot, ikonsulta muna ito sa doktor upang malaman kung safe ba ito para sa iyong baby.
- Kapag may nararamdaman, laging kausapin ang inyong doktor.
- Mag-isip ng mga bagay na gusto mong tanungin sa gynecologist. Mas mabuting magtanong sa iyong doktor upang sigurado ka sa iyong pagbubuntis.
Marahil ay matagal pa ang linggo at buwan na bibilangin ng ating mga mommies ngunit huwag mag alala at lalabas na healthy si baby. Tandaan lamang ang mga kailangan gawin upang hindi magkaroon ng komplikasyon si baby at maging healthy ito sa kaniyang pagsilang.
Paala lamang, kapag may nararamdaman na hindi normal, huwag mag panic. Tumawag agad sa doktor at pumunta sa ospital.
Karagdagang ulat mula kay Sofia Joco
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!