Julia Barretto asks dad Dennis Padilla kung ano ang biggest regret niya

Dennis naglabas rin ng sama ng loob niya sa anak na si Julia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dennis Padilla at Julia Barretto mabuti na ang relasyon ngayon. Dennis inaming kasalanan niya kung bakit nasira ang kanilang pamilya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Heart to heart talk ng mag-amang sina Dennis Padilla at Julia Barretto.
  • Pag-amin ni Dennis Padilla tungkol sa problemang pinag-daanan ng kanilang pamilya.

Dennis Padilla at Julia Barretto heart to heart talk

Sa kaniyang vlog released nitong May 1 ay itinampok ng aktres na si Julia Barretto ang heart to heart talk nila ng kaniyang ama na si Dennis Padilla.

Dito ay deretsahang tinanong ni Julia ng mga personal questions ang ama. Isa na nga rito ay kung may bagay ba siyang puwedeng ibalik na iba sana ang naging desisyon o aksyong ginawa niya.

“If you could turn back time what would you have done differently?”, ito ang tanong ni Julia.

Ang sagot ng aktor na si Dennis Padilla ay sana nag-save siya ng pera para sa sarili niya. Sagot ni Dennis,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Maybe, dapat I saved something for myself. Kasi kung I was able to save something for myself, pag dumating yung time na yung career ko di na ganun ka blooming, meron akong pupulutin.”

“Kasi sa buhay ko, Julia, talagang I was zero. Nobody believed that I was zero, with some saying impossible yun kasi antagal mo nang artista, ganyan ganyan.”

Dennis pinagsisihan na hindi niya ipinaglaban na maging legal ang kasal nila ni Marjorie Barretto

Sa kanilang pag-uusap ay nabanggit din ng aktor kung paano niya pinagsisihan na hindi niya ipinaglaban noon na maging legal ang kasal nila ng dating asawa na si Marjorie Barretto.

Dito nga binalikan ng aktor ang naging kasal at paghihiwalay nila ng dating asawa at ina ni Julia. Pagkukuwento ni Dennis,

“We got married in church. Noong mag-10th birthday ka, that was your last birthday with me. Magkasama pa kami ni Mom. One month after your 10th birthday celebration, April, your Mom and me separated on a good Friday of 2007.”

Matapos ang kanilang paghihiwalay ay doon lang umano nalaman ni Dennis na hindi pala naka-rehistro ang kasal nila ni Marjorie. Ito ay matapos ang sampung taong nakalipas ng maikasal sila.

“The one with your mom, ten years after doon palang pumasok iyon. You know Julia, I was thinking kung pinaglaban ko iyon, my marriage with your mom would become legal.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Julia Barretto's Facebook account

BASAHIN:

Tungkulin ng isang ama, ano nga ba?

Masama bang ipakita sa anak ang pag-iyak ng magulang? Ito ang kasagutan!

STUDY: Ilang dahilan kung bakit hindi pa handang maging tatay ang ilang lalaki

Dennis inaming siya ang may kasalanan ng hiwalayan nila ni Marjorie

Sa kanilang pag-uusap ay inamin rin ng aktor na sa kanilang naging paghihiwalay, ang problema ay nasa kaniya.

“Alam mo anak kahit siguro hindi naman kami nagkaproblema sa marriage contract, 'yong relationship namin medyo ano na. It became rocky because of my attitude, because of my temper. Marami rin akong dinaanan noon kaya ako naging ganoon. Ang mommy mo marami ring dinaanang pagsubok dahil sa naging ugali ko.”

“Actually I am the one to be blamed walang kasalanan ang nanay mo. Kasalanan ko 'yon.”

May mga realizations rin umano si Dennis sa mga naging past misunderstandings nilang mag-aama. Ibinahagi niya rin kung paano siya nasaktan noong gustong ipatanggal ni Julia ang apelyido niya na Baldivia. Kung paano walang gustong sumagot na isa man sa kanila sa mga tawag at text niya.

Hinanakit ni Dennis sa mga anak niya

Samantala naglabas ng hinanakit si Dennis sa kaniyang mga anak,

“You went to court and you want to take off my family name. That was a dagger. Hindi lang dahil sa pangalan iyon. It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit. Barretto na nga lang ang dala mo sa name sa screen e. You are ready well-known as a Barretto bakit tatanggalin mo pa iyong apelyido ko. Masakit sa akin iyon.” “I was frustrated. No one wants to talk about it. Walang gustong makausap sa akin. Hindi ko maintindihan ano ang dahilan kung bakit kailangan ipatanggal? Baldivia ka naman talaga kasi ako ‘yung tatay mo. Makakabawas ba ‘yun sa pagkatao mo? No. Makakabawas ba sa popularity mo? No!”

Ito ang pahayag ni Dennis na deretso namang sinagot ni Julia sa mga nararamdaman nila ng mga panahong iyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sagot ni Julia sa paglalabas ng sama ng loob ng ama

Image screenshot from Dennis Padilla's Instagram account 

“I think it’s the history ng misunderstandings natin na magte-text ka lang kapag may nasaktan na.” “You question why you feel like nobody’s responding, not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before trying to talk to us. That’s why you couldn’t hear from us. We were already too pained, too scared of you.” “I wish you would also recognize and acknowledge the fact that maybe ‘I have done something to scare my kids off.’ Before, when we would speak over the phone, you wouldn’t always have the best tone and the best choice of words. That scarred me, that traumatized me, that scared me. I hope you'd noticed that even despite of all the painful words and actions I still fought hard to keep a certain relationship with you.”

Ito ang deretsong sagot ni Julia sa paglalabas ng hinanakit at saloobin ng kaniyang ama.

Pero sa ngayon, ayon kay Julia ay masaya siya na nagbago na ang ama at mabuti na ang relasyon nila sa isa’t-isa. Isang bagay na ikinaka-proud niya daw na ginawa at natutunan nito.

“All has forgiven now. I am so glad that you have a good relationship now with me, with Claui, with Leon and with your other kids. I am so proud of you because I saw the change of heart.”

Ito ang masayang pahayag ni Julia sa kaniyang amang si Dennis Padilla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Dennis Padilla's Instagram account 

Sa ngayon si Dennis Padilla ay mayroon ng bagong kinakasama at mayroon naring dalawang anak dito.

Samantala, maliban kay Julia, ay may dalawa silang naging supling ni Marjorie Barretto. Ito ay si Clau at Leon.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

YouTube