Dennis Trillo shares marriage advice: “Kahit na may ma-discover ka na hindi mo gusto na ugali, kelangan i-accept mo lahat.”

Pag-aadjust din daw sa ugali ng asawa mo ang isa pang sikreto para sa masaya at tahimik na buhay may asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dennis Trillo nagbahagi ng marriage advice para sa mga mag-asawa. Ito rin daw ang sikreto sa masaya at healthy na pagsasama nila ng misis na si Jennylyn Mercado.

Mababasa dito ang sumusunod:

Sikreto sa masayang pagsasama ni Dennis Trillo at misis na si Jennylyn Mercado

Larawan mula sa Facebook account ni Jennylyn Mercado

Pagdating sa pagsisiguro na magiging maayos ang blended family set-up, isa na ang aktor na si Dennis Trillo na talagang makakapagbibigay ng tips kung paano ito mag-wowork. Dahil si Dennis ay may anak sa unang nakarelasyon na nagngangalang Calix. Habang ang misis niyang si Jennylyn Mercado ay may anak din sa dating karelasyon na si Patrick Garcia. Ito ay si Jazz na 15-anyos na ngayon.

Pero magkaganoon man ang pagsasama ni Dennis at Jennylyn ay smooth-sailing. Nang matanong nga ng aktor kung anong sikreto ng kanilang pagsasama. Ang sagot niya walang iba kung hindi acceptance pati narin constant communication.

Larawan mula sa Facebook account ni Jennylyn Mercado

Dennis Trillo marriage advice

Dagdag pa ni Dennis, darating talaga ang pagkakataon sa pagsasama na may madidiskubre kang ugali na kakaayawan mo sa asawa mo. Pero imbis na maging dahilan ito ng inyong paghihiwalay ay dapat matuto kang tanggapin ito. At pati na ang mag-adjust para hindi ito makaapekto sa inyong relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kelangan ma-accept mo, lahat lahat! Siya yung pinili mo makasama habang buhay. So kahit na may ma-discover ka na ‘di mo gusto na ugali, kelangan i-accept mo lahat. Kelangan mag-adjust.”

Ito ang sabi pa ni Dennis.

Larawan mula sa Facebook account ni Jennylyn Mercado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin daw dapat kalimutan ng mag-asawa na magmahalan sa lahat ng oras. Ito daw ang magiging sandigan nila sa oras na magkaroon ng pagsubok o problema sa kanilang pamilya at pagsasama.

“Ang pinaka-main ingredient is magmahalan lang talaga kayo. Meron mang hindi pagkaka-intindihan, isipin niyo lang pagmamahalan niyo sa isa’t isa. Dun palang sapat na malutas mga problema niyo.”

Ito pa ang marriage advice ni Dennis Trillo na ibinahagi niya sa isang panayam.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement