DepEd accredited homeschool curriculum Philippines: Paano nga ba sisimulan at magkano ang gagastusin ng homeschooling sa Pilipinas?
DepEd accredited homeschool curriculum Philippines
Bagamat bago sa pandinig ng marami sa atin ang homeschooling ay matagal ng ginagawa dito sa Pilipinas. Partikular na sa mga celebrities o anak ng mayayamang pamilya na iniingatan ang kanilang security at privacy. Pero marami rin sa mga magulang na Pilipino ang pinipili ito dahil sa mas kampante sila sa set-up na ito. At mas matutukan nila ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Sa ngayon, sa gitna ng COVID-19 pandemic ay maugong na usap-usapan ang homeschooling. Dahil sa ganitong paraan ay mapapatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante ng hindi na kailangang pumasok pa sa paaralan. Pero ano nga ba ang dapat malaman ng mga magulang sa homeschool curriculum ng Pilipinas? At paano ito sisimulan at ano ang mga dapat nilang paghandaan?
Homeschooling sa Pilipinas
Image from Freepik
Ang batas ng homeschooling sa Pilipinas ay naayon sa Article XIV, Section 2 ng Philippine Constitution. Nakasaad sa batas na ito na ang estado ay dapat magkaroon at mapanatili ang sistema na kung saan maibibigay ang edukasyon sa bawat Pilipino ng libre mula elementarya hanggang sa high school level. Nang hindi nito nililimitahan ang natural na karapatan ng mga magulang sa pagtuturo at pagpapalaki sa kanilang anak.
Base pa rin sa nasabing batas ay ini-encourage ang mga non-formal, informal at indigenous learning system. Pati na ang self-learning, independent at out-of-school study programs partikular na kung ito ay kinakailangan o hiningi ng kondisyon ng isang komunidad. Ngunit magkaganoon man, ay kinikilala parin ng estado ang mahalagang papel ng mga pampubliko at pribadong paaralan na nasa ilalim ng superbisyon at regulasyon ng DepEd.
Ayon naman sa Department of Education (DepEd) Memo no. 216 s. 1997 na tinatawag ring “Home Education Program”, sa oras na ang isang bata ay sumailalim sa homeschooling, siya parin ay maaring mag-transfer sa conventional school. Ngunit siya ay dapat ma-accredit muna ng DepEd o Department of Education.
Ngunit paano isinasagawa ang DepEd accreditation o paano makakakuha ng diploma ang isang bata na naghohome-school?
2 uri ng homeschooling sa Pilipinas
Homeschool providers
Dito sa Pilipinas ay may 2 paraan ng homeschooling. Una ay sa pamamagitan ng mga homeschool providers. Ito ay ang mga institusyon na accredited ng DepEd na makakatulong sa mga magulang sa pagsasaayos ng accreditation ng kanilang homeschooled na anak. Sila na ang bahalang magsagawa ng mga paper works, formalities at iba pang dapat kailanganin sa homeschooling set-up ng isang bata. Sa kanila rin maaring makakuha ng kopya ng DepEd accredited homeschool curriculum.
Sa ngayon ay marami ng homeschool provider sa bansa na maaring makatulong sa mga nagnanais na simulan ito ng kanilang anak. Pagdating naman sa gagastusin, ayon nga sa mga magulang na nakasubok na nito ay mas mababa ang magagastos rito kumpara sa kung pag-aaralin sa private school ang isang bata. Dahil ang homeschool annual fee ng isang homeschool na bata ay hindi bababa sa P15,000 para sa kinder. At aabot naman ng hanggang P60,000 para sa mga highschool students.
Naka-depende ang babayarang homeschool fee sa pipiliing homeschool provider para sa iyong anak. Ngunit karamihan sa mga ito ay nagbibigay ng hanggang sa 50% discount kung higit sa isang bata sa inyong pamilya ang mag-aavail ng serbisyo nila.
Independent homeschooling
Mayroon ring opsyon na kung saan ang mga magulang ay hindi na kailangan pang i-enroll sa isang homeschool provider ang kanilang anak. At kanila itong tuturuan base sa sa preferred nilang resources at curriculum. Bagamat mainam kung ibabase nila ito sa DepEd accredited homeschool curriculum. Dahil sa oras na kailangan na nilang pumasok sa tradisyonal na eskwelahan o ma-credit ang kanilang napag-aralan ay kailangan nilang sumailaim sa mga DepEd exams. Tulad ng Philippine Educational Placement Test (PEPT) o Accreditation and Equivalency (A&E) Exam na nasa ilalim ng Alternative Learning System.
Sa homeschooling set-up na ito ay nakadepende ang magagastos sa mga requirements o materials na gagamitin sa pagtuturo sa isang bata.
Mga dapat isaalang-aalang sa pagdedesisyon kung i-hohomeschool ang isang bata
Pagdating sa paghohomeschool ng isang bata ay may mga bagay na dapat munang isaalang-alang ang mga magulang. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Bakit kailangang i-homeschool ang iyong anak?
Mahalagang masagot at matimbang mo ang mga dahilan sa pagpili ng set-up na ito sa pag-aaral ng iyong anak. Dahil ito ang magsisilbing gabay mo upang mag-focus at ma-achieve mo ang pinapangarap mong maayos na edukasyon para sa kaniya.
2. Ano ba ang goal mo sa edukasyon ng iyong anak?
Nais mo bang magkaroon siya ng maraming oras sa pag-aaral habang nag-ispend ng quality time sa inyong pamilya na kaniyang magagawa sa homeschooling? O mas gusto mong magkaroon siya ng mas maraming oras sa pakikisalimuha sa iba habang natuto sa tradisyonal na paaralan?
Pagdating sa pagdedesisyon dito ay mabuting tanungin rin ang nais o gusto ng iyong anak.
3. Ano-ano ba ang disadvantages o advantages ng homeschooling sayo at sa iyong anak?
Mas makakatipid ba kayo sa set-up na ito? At sa tingin mo ba ito ang mas epektibong paraan upang matuto ang iyong anak?
Para sa dagdag na kaalaman na iyong kinakailangan ay mainam na magsagawa ng research sa mga good at bad effects ng homeschooling sa isang bata.
4. Sino ang maari mong lapitan para kunan ng impormasyon o suporta pagdating sa pag-hohomeschool ng isang bata?
Para matagumpay na maisagawa ang homeschooling ay kinakailangan mo ng mga tao na maari mong hingan ng impormasyon o payo tungkol dito. Sa ngayon ay may mga grupo at events na maaring daluhan at lapitan upang magkaroon ng dagdag kaalaman sa homeschooling. Sila ay makakatulong sayo sa pagdedesisyon kung ito ba ang tamang set-up ng pag-aaral na makakabuti o angkop sa iyong anak. At sa kung paano mo ito sisimulan at mapapanindigan sa pagdaan ng panahon.
5. May sapat ka bang materials at resources upang matagumpay na maisagawa ang homeschooling?
Upang epektibong matuto ang iyong anak ay kinakailangan mo ring paghandaan ang mga materials at resources na iyong gagamitin sa pagtuturo. Sa ganitong paraan ay matuto siya ng tulad ng ginagawa sa paaralan ngunit sa paraang gusto at tingin mong makakabuti sa kaniya.
6. Handa ka na bang maging guro sa iyong anak?
Higit sa lahat, mahalagang ihanda mo ang iyong sarili sa pagtuturo sa iyong anak. May sapat ka bang pasensya at oras upang gawin ito? Kung sakaling hindi, sino o may naiisip ka bang tao na maari mong ipagkatiwala ang edukasyon ng iyong anak?
Ilan lamang ito sa mga dapat isaalang-alang ng isang magulang bago i-homeschool ang isang bata. Bagamat bago man o hindi tulad ng nakasanayan, ito ang natatanging paraan upang magpatuloy ang pag-aaral ng isang bata sa kabila ng kahit anumang kalamidad o krisis na mangyayari sa labas ng bahay o kaniyang kapaligiran.
Kung buo na ang desisyon na i-homeschool ang iyong anak, narito ang mga accredited homeschool providers sa bansa na maaring makatulong sayo.
Mga accredited homeschool provider sa Pilipinas
Angelicum College
Grade level offered: Grade 1 to Grade 10 only
Enrollment Duration: Enrollment starts anytime and ends in ten months, or earlier, depending on the learner’s pace.
Home Study fee: Ranges from P56,000 to 70,000.
Requirements: 2 clear photocopies of NSO/PSA Birth Certificate, 2 clear photocopies of Baptismal Certificate (if Catholic), 2 clear photocopies of Certificate of Good Moral Character, 2 certified true copies of the current F138/Report Card, 2 recent 2×2 ID photos and Fully-accomplished UST-Angelicum College Medical Clearance Form/Report (downloadable from their website)
Contact Numbers: 712-1745/412-5862
Address: 112 M.J. Cuenco St. Sta. Mesa Heights Quezon City, Philippines
Website: https://www.angelicum.edu.ph/Angelicum/index.php/admissions
CAL (California Academy) International
Grade level offered: Nursery – Grade 10
Enrollment Duration: March to June
Homeschool fee: Ranges from P22,000 to 27,000
Requirements: Diagnostic tests is required, NSO Birth Certificate, P5,000 down payment/registration and Form 138
Contact: Look for Stephanie, tel no. 655-9121
Address: Inday Subdivision Barangay San Jose Antipolo, Rizal
Website: https://www.caleducation.org/
Catholic Filipino Academy (CFA)
Grade level offered: Preschool to Grade 12
Enrollment Duration: March to July
Homeschool fee: Ranges from P25,000 to P41,700
Requirements: NSO Birth Certificate, Baptismal Certificate, Good moral Character, Form 137, Marriage Contract. Parent College diploma for parents who will teach Grade 4 and above.
Address: Obispado de Cubao, 41 Lantana Street, Cubao, Quezon City.
Contact number: 721-1088
Website: https://www.catholicfilipinoacademy.com/ and https://www.facebook.com/catholicfilipinoacademy
Colegio De San Juan De Letran
Grade level offered: Grade 7 to Grade 10
Enrollment Duration: March to June
Home Study fee: Ranges from P44,187.66-46,974.92
Requirements: Most recent Form 138, Certificate of Good Moral Character from the parish priest of his / her community, Personal interview at the Principal’s Office, Diagnostic Test at the Guidance Center, Photocopy of Birth Certificate
Contact Numbers: 527-7693/97
Website: https://www.letran.edu.ph/Admission/Home
Gopala Learning Haven (Gopala Play Center)
Grade level offered: Kinder to Grade 12
Enrollment Duration: Open enrollment all year round
Homeschool fee: Starts from P20,000. If installment, P25,000 all in without books.
Requirements: Form 138, NSO Birth Certificate, Interview
Contact Numbers: office at #70 M.H. del Pilar St., Silang, Cavite,
Cell Phone number: call 0906-3773357
Website: https://www.facebook.com/Gopalalearninghaven/
Harvest of Wisdom Montessori School, Inc.
Grade level offered: K- 6
Enrollment Duration: April to July
Homeschool Accreditation Fee: P 12,000
Requirements needed to enroll: Birth Certificate (PSA Copy) and Previous School Record
Address: Mayflower St. cor. Irish St. Phase 5 Greenland Exec. Vill. Cainta, Rizal
Contact number: (02) 7 213- 1800/ 0917-3188226
Website: FB Page Harvest of Wisdom Montessori School, Inc.
Contact number: (02) 7 213- 1800/ 0917-3188226
Headway School for Giftedness
Address: 130 Matahimik St. UP Village Diliman Quezon City
Contact Number : 9219174/4267739 Cellphone 09324324387
Website: www.headwayschool.ph
Home Life Academy
Grade level offered: Kinder to Grade 12
Enrollment Duration: By August 1 annually or by the time school begins in your area.
Homeschool fee: Ranging from $135 dollars to $185 dollars depending on the grade level
Requirements: Parents must have internet service and their own valid email address that is checked regularly. Parents/guardians must have at least a high school diploma or GED*.
Website: https://www.homelifeacademy.com
Homeschool of Asia Pacific (HAP)
Grade level Offered: (Local Accreditation) Kinder to Grade 6 only and (U.S. Accreditation) Kinder to Grade 12
Enrollment Duration: All year round
Homeschool fee: (Local) Kinder to Grade 6, P75,000 with books and (U.S.) Kinder to Grade 12, P55,000 including books
Address: Richville Corporate Tower Madrigal Business Center 1780 Muntinlupa City
Landline: 809-4742
Website: https://homeschoolofasiapacific.com
Homeschool Global (HG)
Grade level Offered: Pre-K to Grade 12
Enrollment Duration: March, June, and September
Homeschool fee: Ranging from Php 20,000/ family and up it varies depending Curriculum type, Grade level or added US accreditation of choice.
Address:2nd Floor Ayala Malls The 30th, Meralco Avenue, Barangay Ugong, Pasig City, Philippines 1604
Contact Number: 234-0432 | E-mail: [email protected]
Website: https://www.homeschoolglobal.com/
Facebook: https://www.facebook.com/HomeschoolGlobal/
International British Academy (IBA)
Grade level offered: Kinder to Grade 6
Enrollment Duration: All year round
Homeschool fee: P20,000 + Php 5,000 one-time registration fee. A 50% sibling discount is offered.
Address: Km. 25 General Emilio Aguinaldo Highway, Anabu II-D, Imus, Cavite
Contact Numbers: (0917) 870-5050, (046) 471-5922 loc. 205
Website: https://iba.edu.ph/programme/homeschool-programme
Kairos Homeschool Academy
Grade level offered: Nursery to Grade 3
Enrollment Duration: April to June
Homeschool fee: Ranging from P40,000 to 50,000 including books
Requirements: NSO Birth Certificate Form 137, LRN, a recommendation from Pastor or Adviser, At least one parent should be a college graduate
Contact Numbers: 448-2504/(0917) 694 6477
Address: Room 201, United Evangelical Church of Malabon 45 Gov. Pascual Ave. Potrero, Malabon City 1475
Website: https://www.kairoshomeschoolacademy.com/
Kids World Integrated School, Inc.
Grade level offered: Kinder to Grade 10
Enrollment Duration: All year round
Homeschool fee: P500 for application, K-G6 P22,000/ G7-G10 P27,000 without books
Requirements: Report Card, Birth Certificate, LRN, 2 recent 1×1 pictures of the child
Contact Numbers: 726-6563/975-4676
Address: Johnson Street, Greenhills North, San Juan
Website: www.kidsworldintegrate.wix.com
Kolbe Academy
Grade level offered: Kinder to Grade 12
Enrollment Duration: Enrollment for new students opens March 19, 2018.
Homeschool fee: The eldest (if in high school) will pay $349/year and additional students if in grades 6-8 would pay $289. It gets lower as they get younger.
Website: https://www.kolbe.org/courses/homeschool/courses/
Living Learning Homeschool (LLH)
Grade Level offered: Kindergarten to Grade 10
Homeschool Fee: Kinder – 17,500, Gradeschool – 19,500 Highschool – 21,500.00
Requirements needed to enroll: Accomplished Online Registration Form, Authenticated Birth Certificate, Form 138 (Report Card) from previous school, 2×2 ID Picture
Address: 18C Libra St. Cinco Hermanos, Marikina City
Website: www.livinglearninghomeschool.com
Email: [email protected]
Peniel Integrated Christian Academy
Grade level offered: Kinder to Grade 10
Enrollment Duration: Follows the DepEd Academic school calendar – start the school year by the month of June. Enrollment for the new school year starts from December and ends by July.
Homeschool fee: Kinder P15,500, Grade 1-6 P17,500 and Grade 7-10 P18,500. Books are not included.
Requirements: Report Card, LRN, Birth Certificate, 2 2×2 Picture, Parent Profile at least college Level
Address: 42 Burgos St., Vista Verde, Executive Village, Cainta, Rizal
Contact numbers: 682-7941; (0936) 182-1391
Website: https://www.penielintegrated.edu.ph/education-programs/home-education-program/
Proverbs Ville Christian School
Grade level offered: Kinder to Grade 10
Homeschool fee: Kinder P15,500, Grade 1-6 P17,400, Grade 7-10 P20,250, books not included
Requirements: Report card, transcript of records, NSO birth certificate, Signed enrolled forms and 2 copies of 1×1 ID, and 2 copies of 2×2 ID pictures
Address: Proverbs Ville Christian School of Antipolo – Owned by Valley of Hope
Contact Number : (082) 298-0323, 0922-8150016 to 17 |Email: [email protected]
Address: Km. 7 McArthur Hway, Central Park Rd., Brgy. Talomo, Bangkal, Davao City Contact Number: (082) 298-0323/(0922)815-0016
Website: www.proverbsville.com
Rizal Experimental Station of Pilot School and Cottage Industries (REPSCI)
Grade level offered: Grades 1- 10
Enrollment Duration: March to June
Home Study fee: Free!
Requirements: Write a letter stating why you want to do home study, Form 138, Learner Reference Number (LRN)
Address: Jenny’s Avenue, Maybunga 4056 Pasig
Contact Number: 643-6787/643-4495
Website: Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries
www.respscipasig.wordpress.com
School of Tomorrow Philippines
Grade level offered: Kinder to Grade 10
Enrollment Duration: Anytime of the year
Homeschool fee: P20,000 and P10,000 for materials
Requirements: Birth certificate, Report card and 1×1 picture
Contact Number :822-4433/822-9663
Address: MJS Avenue, Levitown Executive Village, Barangay Don Bosco, Parañaque City 1711
Website: https://www.sotphil.net/
Sts. Paul & Mark School Inc.
Grade level offered: Pre-elementary, Special Education, Elementary
Enrollment Duration: April – October
Homeschool fee: Annual Fee ranges from P17,500 to P25,000 depending on the grade level
Requirements: Interview with the parent and child personally or via video call, Grade report card from previous school, with Learner Reference Number ( for elem pupils only), 1 copy 2 x2 photo, Filled -out enrollment form and photocopy of birth certificate, Initial payment as reflected in the schedule of fees
Address: B1 L3 Panorama Ville Dita, Sta. Rosa City, Laguna
Contact number: 0922-949-1804
Website: None
Fb Page: Sts. Paul and Mark School
The Learning Place
Grade level offered: Offer both regular and homeschool (K-12)
Enrollment Duration: Year-round enrollment ( 10 months for one school year)
Address: 10966 Jose R. Velasco Avenue, Kanluran Road, Faculty Hills, University of the Philippines, Los Banos, Laguna
Contact number: 0917 712 3516; 0922 83 7100; (049)536 8316
Website: www.tlpschool.com; www.facebook.com/TLP
Victorious Homeschool
Grade levels offered: K-Grade10
Enrollment Duration: March-November
Homeschool accreditation fee: 15,000/School Year
Requirements needed to enroll: Birth Certificate, Progress Report, SF 9 (Form 138) Report Card or PEPT Certificate of Rating
Addresses: (1) Villa San Mateo 1, Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal (2) 20 Houston St., Rancho Estate III, Marikina City (3) Camella Drive, Colmar Homes, Domoit, Lucena
Contact numbers: 0922-884-0090, 02-8952-5628, 0917-895-3226
Website: https://www.hlenvillena.com/victorious-homeschool
Living Pupil Homeschool Solutions
Grade level offered: Preschool to high school
Enrollment Schedule: open year-round
Homeschool accreditation fee: 18,000++
Requirements: Report card, birth certificate, 2×2 ID picture
Address: San Agustin Village, Tugas, Inayawan, Cebu
Contact number: 09064347615
Website: https://www.facebook.com/the living pupil homeschool solutions
Source:
Official Gazette of the Philippines, HSLDA, theAsianparent, Filipino Homeschooler
Basahin:
Homeschooling 101: Para sa iyo ba ang sistemang ito?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!