Magsisimula na ang pasukan ng mga estudyante sa public school sa June 3, ayon sa DepEd school calendar 2019-2020.
DepEd school calendar 2019-2020
Alinsunod ito sa RA 7797 (Section 3) na nagsasabing maaaring magsimula ang pasukan sa eskwelahan sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.
Bukod pa dito, kailangang matupad ng DepEd school calendar 2019-2020 ang minimum na 200 araw at hindi lalagpas sa 220 na class days.
Mga paraan para maging school-ready ang bata kahit bakasyon
Kahit na simula na ng bakasyon, siguraduhing hindi nakakalimutan ng bata ang kaniyang mga natutunan sa school. Narito ang ilang tips:
- Reading list. Maglista ng mga libro na kailangan ninyong mabasa ngayong summer. Mapa-practice siyang magbasa at mahahasa ang kaniyang reading comprehension.
- Sagutan ang mga old school books. Bored ang bata? Tignan ang kaniyang school books ng nakalipas na taon. Tignan kung may mga activities na hindi nila nasagutan at puwedeng sabay ninyong gawin.
- Work sheets. Maaaring gumawa ng work sheets para sa subjects tulad ng Math upang makapag-practice mag-solve ng math problems. Puwedeng bigyan siya ng reward tuwing matatapos niya ito.
- Experiment! Tignan ang kaniyang Science lessons at subukan mag-recreate ng experiments o di kaya maging science detectives at tignan kung paano naa-apply ang mga napag-aralan niya sa totoong buhay.
- Field trip. Magplano ng sariling field trip sa museum o di kaya zoo!
- Mag-practice ng English o Tagalog. Kahit na summer, hasain ang language skills ng bata sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniya ng English o Tagalog upang maging mas matatas siya dito.
- Gamitin ang old notebooks. May mga pages ng notebooks na hindi nagamit? Hayaan ang bata na mag-doodle at mag-drawing. Mapa-practice ang kanilang pencil-grip sa pamamagitan nito.
- Report. Tuwing manonood ng pelikula o magbabasa ng libro, pasulatin ng isang “movie report” o “book report” ang bata. Hindi kailangan mahaba o komplikado. Puwedeng tungkol sa natutunan nila o kaya puwede rin na parang review lamang.
- Sports. I-enroll ang bata sa sports upang lumakas ang katawan. Mayroong mga sports programs katulad ng Milo Sports Clinics o di kaya sports program ng school na puwede niyang salihan.
May iba din ba kayong tips para maging sharp ang bata kahit summer? Mag-comment sa ibaba.
Sources: Manila Bulletin, Department of Education
Photo by Avel Chuklanov on Unsplash
Basahin: Benefits of the K-12 curriculum for Filipino students!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!