Kapag may depression ba, kailangan laging malungkot? Alamin kung ano ang hitsura ng depression sa first-time moms dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga sanhi at sintomas ng postpartum depression
- Hitsura ng depression sa mga first-time moms
- Mga pwedeng gawin para mabawasan ang depression
Ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak ay isang masayang pangyayari. Sa kabila ng puyat at pagod sa pagdating ni baby, nakakaramdam pa rin tayo ng kakaibang saya.
Subalit paano kung may nararamdaman rin tayo na matinding lungkot? Ito na ba ang tinatawag na postpartum depression?
Postpartum depression
Ang postpartum depression disorder ay isang mental condition kung saan nakakaramdam ng matinding lungkot at kawalan ng gana sa buhay ng isang babae matapos niyang manganak.
Normal naman sa mga bagong panganak na babae na makaramdam ng lungkot at pagod. Tinatawag itong baby blues o postpartum blues.
Pero upang malaman kung ang nararamdaman ng ina ay postpartum blues lang o talagang depression na nga, ang unang bagay na iyong dapat pansinin ay ang duration o haba ng ganitong sakit.
Ayon kay Dr. Chex De Leon-Gacrama, isang neurologist at psychiatrist, masasabi na mayroon nang mental health issue o mental health problem gaya ng depression ang isang babae kung ang sintomas ay tumagal na ng mahigit 2 linggo.
“Kung nakakarinig kayo ng depression during pregnancy o postpartum depression, usually ito ay nagtatagal nang mahigit sa 2 weeks.”
Sanhi ng postpartum depression
Isa sa mga pangunahing sanhi ng postpartum depression ay ang pagbabago ng hormones ng mga babae. Nang sila ay nagbubuntis, tumataas ang levels ng estrogen at progesterone.
Pero ilang oras pa lang pagkatapos mong manganak, balik na naman sa dati ang level ng hormones sa katawan.
Ang mabilis na pagbabago ng mga hormones ay maaring magdulot nito.
Narito pa ang ilang pisikal na sanhi ng depresyon:
- mababang thyroid levels
- kulang sa pahinga
- hindi magandang diet
- sintomas ito ng seryosong medical condition
- paggamit ng gamot at pag-inom ng alak
Maaari ka ring magkaroon ng postpartum depression kung mayroon kang mood disorder bago ka pa magbuntis. Kasama rin ang sress sa mga dahilan ng depression.
Narito ang ilan pang bagay na maaaring magdulot ng stress:
- katatapos lang nang divorce o pagkamatay ng isang tao
- mayroon kang seryosong karamdaman
- Social isolation o pakiramdam na mag-isa lang.
- hirap sa pera
- kawalan o kakulangan sa mga taong sumusuporta.
Mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng postpartum depression ang mga first-time moms dahil wala silang sapat na impormasyon at hindi nila alam kung ano ang dapat asahan sa pagiging ina.
Mga karaniwang sintomas ng depression
Ayon sa Healthline, narito ang mga karaniwang sintomas ng postpartum depression:
- walang gana kumain
- matinding pagod
- malungkot o nalulumbay ang disposisyon
- nahihirapang magbonding kay baby
- hindi mapakali
- nahihirapang makatulog
- anixety at panic attacks
- nababalisa, galit, pakiramdam na walang silbi at kawalan ng pag-asa
Hitsura ng depression sa first-time moms
Pero ayon nga sa kasabihan, maraming mukha ang depression. Alam ito ng mga nakakaranas nito. Hindi naman sa lahat ng oras ay nagpapakita sila ng matinding lungkot.
Sa katunayan, may mga taong may depression na magaling magtago ng kanilang sintomas, at may kakayanan pang gumawa ng mga bagay at tapusin ang kanilang tasks. Tinatawag rin itong high-functioning depression.
Bilang nanay, gusto nating maging masaya at kayanin ang mga responsibilidad na kakabit ng pagiging ina, kaya kahit nakakaranas na tayo ng mga sintomas ng depression, tinitiis at binabalewala natin ito.
Maaari rin na nasabi mo na ang iyong problema sa ibang tao (gaya ng ating partner o pamilya), pero sa halip na tulungan ay nasabihan ka na “Nag-iinarte ka lang,” o “Wala lang ‘yan” kaya inisantabi mo na lang ang iyong nararamdaman.
Pero ayon kay Dawn Kingston, isang researcher at eksperto sa perinatal mental health, ang isang nanay na mayroong depression ay mayroong mga araw na masaya siya at mayroon rin naman mga araw na nagsusumikap siyang labanan ang sintomas na kaniyang nararamdaman.
“They can function throughout the day, but depression can feel like a leaky faucet that drains their energy. A person experiencing depression may have good days, okay days, and bad days.”
Ayon sa kaniya, ganito ang posibleng hitsura ng depression sa first-time moms:
- Nagbabago ang gana sa pagkain (overeating o undereating).
- Tulog nang tulog o hindi makatulog ng sapat kahit tulog na si baby.
- Maaaring nahihirapan sa mga karaniwang gawain (gaya ng pagligo, pagbangon sa umaga, paggawa ng chores), pero mayroon rin namang kayang-kaya ang mga ito.
- Walang maramdaman o nakakaramdam ng matinding kalungkutan at iyak ng iyak.
- May mga taong gustong pag-usapan ang kanilang nararanasan, pero mayroon ring ayaw itong bigyan ng pansin.
- Sinasabing “Okay lang ako,” pero nahihirapan naman pala.
- Pinipilit maging masaya sa pamamagitan ng pagtawa o pagbibiro.
- Nakakapagtrabaho ng maayos pero nahihirapan sa kaniyang pinapasan.
- Nalulumbay kahit kasama ng mga kaibigan at mga taong malapit sa kaniya.
Anong dapat gawin?
Subalit, ang katotohanan ay mahirap talagang maging isang ina, hindi dahil hindi ka sapat, kundi dahil ito na ang pinaka-importanteng papel na gagampanan mo. Pahayag ni Djossa,
“The reality of motherhood isn’t hard because you are failing or not good enough. It is hard because caring for dependent human beings day in and day out is the hardest thing we’ll ever do.”
BASAHIN:
Dianne Medina on postpartum depression: “I was crying for no reason at all”
Laging kinakabahan at nag-aalala – normal ba o may anxiety ka na?
One Month Postpartum: What to expect and how to recover after giving birth
“Mas importante na i-treat ‘yong depression kumpara sa titiisin mo lang, hindi ka hihingi ng tulong. Kasi ‘yong long-term bad effects niya sa ‘yo at sa baby ay delikado.
So ‘pag ganyan na nakakaranas na tayo, alam nating may mali na, kumonsulta agad. Humingi ng tulong.”
Ayon pa sa doktora, ang unang hakbang para maagapan ang depresyon ay ang humingi ng tulong.
“Ang best talaga ang kumonsulta. Pwedeng sabihin mo muna sa’yong OB, o pwede rin siyang magrefer sa isang psychiatrist,” aniya.
Mula rito, maari kang resetahan ng gamot (ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay nagpapadede para masigurong ligtas para kay baby ang ibibigay na gamot) o kaya naman ipapayong sumailalim sa cognitive behavioral therapy.
“Don’t wait for a moment when you think you know for sure it is post-partum depression. You can get treatment via therapy and or medication and feel like yourself again,” ani Djossa.
“Kapag ang ating mental state ay healthy, mas maaalagaan natin ang ating sarili at lalong lalo na ang ating baby.”
Sources:
Psychology Today, Healthline, Happy as a Mother