Derek Ramsay at Ellen Adarna nagdiwang ng kanilang 3rd anniversary bilang magkarelasyon

Balikan natin ang whirlwind turned forever romance nina Derek at Ellen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Derek Ramsay and Ellen Adarna celebrates 3rd anniversary as bf-gf. Aktor may sweet na pagbati sa kaniyang ex-gf na misis niya na ngayon.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Derek Ramsay and Ellen Adarna anniversary.
  • Relasyon ni Derek at Ellen.

Derek Ramsay and Ellen Adarna anniversary

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Marami ang hindi nakakaalam sa kung kailan talaga nagsimula ang relasyon nila Derek Ramsay at Ellen Adarna. Lalo na’t ginulat nalang ng mga ito ang lahat ng makitang sila ay magkasama na sa mga sunod-sunod na happenings noong 2021. Sinundan ito ng kanilang engagement at wedding na talaga namang maraming naiyak at kinilig.

Sa kaniyang latest Instagram post ay ni-reveal na ni Derek kung kailan sila naging boyfriend-girlfriend official ni Ellen. Ito ay noong February 5 kung saan binati ng model-actor ang misis niya ngayong si Ellen ng happy anniversary.

“We have been married 2 years and have been together 3. Happy anniversary, as BF &GF, my love! So many dates na to remember! Lol love you baby!”

Ito ang caption ng Instagram post ni Derek kalakip ang cool picture nila ni Ellen na magkasama.

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Relasyon ni Derek at Ellen

Pagdating sa mga relasyon sa showbiz, hinahangaan ng marami sina Derek at Ellen. Dahil kahit whirlwind romance kung tawagin ang bilis ng naging love story nila ay makikitang going strong parin ang dalawa. Makikita rin na masaya sila sa piling ng isa’t-isa. Higit sa lahat kahit may kapwa anak na sa naunang relasyon ay parehong minahal ng dalawa ang kanilang mga anak at itinuring ito na hindi naiiba.

Matatandaang una ngang kinumpirma nina Derek at Ellen ang relasyon nila noong February 2021. Sinundan ito ng engagement nila ng sumunod na buwan at kasal noong November 2021.

Nitong nagdaan nilang wedding anniversary si Ellen may nakakatuwa at sweet na mensahe sa mister niyang si Derek.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Exactly a year ago you thought you were going to die ? but here we are, sooo alive! ?❤️?? happy anniversary my forever GOR! I love you! @ramsayderek07 to many more adventures and your “in your head” near death experiences ???.”

Happy anniversary love birds!

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement