Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
May inamin ang aktor at asawa ni Ellen Adarna na si Derek Ramsay tungkol sa relasyon niya sa dating kasintahan nitong si John Lloyd Cruz. Ayon kay Derek, wala raw silang alitan o hindi pagkakaintindihan ni John Lloyd pagdating kay Elias.
Mga mababasa sa artikulong ito:
• Derek Ramsay may inamin tungkol sa pagiging tatay ni John Lloyd Cruz kay Elias
• Buhay mag-asawa nina Ellen Adarna at Derek Ramsay
Derek Ramsay may inamin tungkol sa pagiging tatay ni John Lloyd Cruz kay Elias
Sa isang panayam sa online show na ‘Updated with Nelson Canlas’, ikinuwento ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kasakuluyang ugnayan nila sa aktor din na si John Lloyd Cruz. Si John Lloyd ay dating kasintahan ni Ellen, at ama ng kaniyang anak na si Elias.
Pagbabahagi ni Derek, nagkakausap naman daw silang dalawa lalo na pagdating sa mga bagay patungkol kay Elias. Nagkakaroon din daw sila ng ‘man to man talk’ at nirerespeto niya rin si John Lloyd bilang ama ng anak ni Ellen.
“We’ve had our man to man talk and he knows how much I respect he’s the father of Elias and I told him that myself.”
Dagdag pa ni Derek, alam din naman ni John Lloyd kung gaano niya tinuturing na para ring tunay na anak si Elias,
“He sees naman din also how much I love Elias like he’s my own so there’s respect there. Wala kaming problema on that side.”
Kuwento pa ni Derek, lagi rin daw silang nagkikita sa tuwing pumupunta si John Lloyd sa kanila upang kunin at kumustahin si Elias.
“When he’s here and I’m here, I go out to greet him when he comes to pick-up Elias or whether he drops Elias here at the house.”
Tinanong din ang mag-asawa tungkol sa kanilang parenting tips dahil nga sa set-up ng pamilya nilang parehong mayroong naunang anak sa dating karelasyon,
“It’s really tough because in the house we have teenagers and we have a toddler.”
Pareho raw silang nahihirapan pero ginagawa nila ito sa magkaibang approach. Inilarawan naman ni Derek si Ellen bilang “chill mom.”
Kung kinakausap daw ni Ellen ang anak ay parang adult para maunawaan nilang mabuti kung ano ang sinasabi niya. Hindi rin naman daw sobrang hirap alagaan si Elias dahil madalas marunong naman itong makinig.
Tinanong din sila kung gusto at nasa plano ba nilang palakihin at dagdagan pa ang kanilang family members. Pareho namang sumagot sila ng ‘oo.”
BASAHIN:
John Lloyd Cruz on fatherhood: “Akala mo ready ka because you wanted it…”
Ellen Adarna on husband Derek Ramsay: “There’s no perfect person—it’s just the one that I choose”
Ellen Adarna sa tanong kung may prenup agreement sila ni Derek, hindi sila lugi sa isa’t isa
Buhay mag-asawa nina Ellen Adarna at Derek Ramsay
Anim na buwan matapos pag-usapan ng mga netizens at followers ng aktres na si Ellen Adarna at aktor na si Derek Ramsay ang kanilang biglaang pagpapakasal. Naging usap-usapan ang maiksing panahon nila ng pagsasama para mag-commit kaagad sa isa’t isa.
Ayon kay Direk, sa loob ng anim na buwan nilang pagsasama ay marami na silang nagawa habang sila ay magkasama.
Salaysay nila, tulad ng marami ay nagulat din silang magpapakasal na sila. Minsan daw ay nagugulat pa sila na kasal na pala talaga silang dalawa.
Ayon kay Ellen, humingi pa raw siya ng sign at nang dumating si Derek nakuha raw lahat nito ang gusto niya sa isang lalaki.
Pagbabahagi rin ng dalawa pareho raw silang may strong personality. May mga bagay raw na hindi nila pagkakatulad pero marami ring pagkakapareho. Kaya raw magkasundo rin sila.
Sa panahon daw na magkasama sila ay bilang lamang ang kanilang pagtatalo,
“Of course normal lang naman ang mag-away. We had fights, but not all the time. I think it’s more of understanding the love language.”
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Sabi naman ni Derek, sa kanilang pag-aaway madalas daw na siya ang may gusto na mapag-usapan agad ito. Ayaw niya raw kasi na maulit pa uli ang kanilang pinagtatalunan bilang mag-asawa.
Noon daw ay ugali ni Ellen na hindi magsabi ng kanyang nararamdaman pero dahil kay Derek natuto siyang ilabas ito,
“I learned that I had to communicate. I learned! It’s a good thing that I learned to you know, talk, speak up and communicate.”
Sa kabila raw ng kanilang pagkatuto sa komunikasyon hindi raw nila ito ginagawa sa panahong mainit pa ang ulo nilang dalawa. Maganda raw kasi ito para maiwasang makapagsabi ng hindi naman nila gustong sabihin,
Ayon kay Ellen Adarna, “When I’m really stress, I say things that I will regret.”
Para kay Derek, kaya nauwi sa kasalan ang relasyon nila ay dahil sa ang kanilang adjustments ay natural lang na dumating para sa mas maayos na pag-unawa sa isa’t isa.
Sa ngayon daw ay nasa honeymoon phase pa rin sila. Madalas pa rin daw ang pag-travel nilang dalawa. Ni-reveal din ng dalawa ang kanilang love language.
“Mine is physical touch and quality time,” ayon kay Ellen. Samantalang kay Derek naman ay words of affirmation.
Inilarawan naman ng dalawa na at peace at masaya na sila sa buhay nilang mag-asawa kasama si Elias.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!