Sa 4 taon 3 buwang gulang, gugulatin ka ng iyong anak ng walang katapusang mga tanong. Sobrang damo lang na kailangan niyang malaman!
Mapapansin na mabilis siyang matuto, at mas nakikihalubilo na. Gusto niyang mas matututo tungkol sa mundong ginagawalan. Magugustuhan niyang makinig tungkol sa mga iba’t ibang pamumuhay at sumubok ng iba’t ibang pagkain.
Sa artikulong ito, gagalugurin natin ang development at milestones ng iyong 4 taon 3 buwang gulang, upang madali mo silang masubaybayan. Tandaan lamang na ito ay tanging mga patnubay lamang. Bawat bata ay magkaka-iba at gagawin ang mga bagay sa kanilang sariling pace at oras.
Kung nagaalala sa development ng anak, makakabuting magpa-konsulta sa iyong pediatrician.
Development ng 4 Taon 3 Buwang Gulang at Milestones: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Tumatalon, lumalaktaw, nagsa-somersault – ang kumpiyansa ng iyong anak sa kanyang pisikal na abilidad ay lumalaki kaya gugustuhin niyang sumubok ng mga bagong bagay.
Masmaganda natin ang kanyang hand-eye coordination ngayon at kaya nang magbihis nang may kakaunting tulong.
Ito ang ilan pang kakayahan na kaya na ng iyong anak ngayon:
- Bumato, sumalo, magpatalbog at sumipa ng bola
- Tumalon sa mga bagay at umakyat sa mga hagdanan sa palaruan
- Madaling naglalakad paakyat at pababa ng mga hakbang, isang paa kada hakbang
- Medyo mabilis na tumakbo
- Kayang mag-somersault
- Pumapadyak ng tricycle o bike na may training wheels
- Kayang kumopya ng simpleng mga hugis tulad ng parisukat, krus, at tatsulok
- Magpatong-patong ng hindi bababa sa 10 bloke at maglagay ng beads sa sinulid
Mga tip:
- Give your child plenty of outdoor playtime. Not only is it great to hone his physical skills, it is also good for his eyesight and brain development.
- Encourage your child to play with other children. This helps him to learn the value of sharing and friendship.
- This is a good time to educate your little one on road safety and traffic rules
- Playing with modelling clay, drawing, painting, cutting with child scissors, and stringing beads are activities that can strengthen your child’s fine motor skills.
- Limit screen time for your child to no more than 1 hour per day of quality programming, at home, school, or child care.
- Make sure your child gets the recommended amount of sleep every day, which is 10–13 hours per 24 hours (including naps)
- Bigyan ang bata ng sapat na oras para maglaro sa labas. Hindi lamang maganda para sa pisikal na kakayahan, kundi pati narin sa development ng paningin at pagiisip.
- Hikayatin siyang makipaglaro sa ibang mga bata. Tinutulungan siya nitong matutunan ang halaga ng pagbabahagi at pakikipagkaibigan.
- Ito ay magandang panahon para turuan siya kung paano maging ligtas sa kalsada.
- Ang paglalaro ng clay, pagguhit, pagpinta, paggupit gamit ang pambatang gunting, at pagsisinulid ng mga beads ay mga aktibidad na makakahasa sa kanyang motor skills.
- I-limit ang screentime sa hindi lalagpas ng 1 oras kada araw para sa dekalidad na programa, sa bahay, paaralan, o day care.
- Siguraduhin na nakakakuha ng rekumendadong dami ng tulog ang bata araw-araw, 10-13 na oras kada 24 oras (kasama ang mga siyesta).
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Ang iyong anak ay:
- Hindi makatalon sa puwesto
- Nahihirapan magsulat
- Nahihirapan makakita at makarinig
- Nawawala ang mga kakayahan na dati nang nagagawa
Kognitibong development
Ang iyong 4 taon 3 buwang gulang ay mas gumagaling na sa paglutas ng problema, at ngayon, kaya nang i-recite ang alpabeto at makakilala ng mga hugis at kulay.
Magtatanon din siya ng napakaraming mga tanong dahil ito ay kung paano siya natututo.
“Bakit hindi natin nakikita si God?”
“Saan nanggagaling ang mga baby?”
Mga magulang, ihanda na ninyo ang mga isasagot niyo!
Narito ang ilang pangunahing mga highlight pagdating sa kognitibong development ng 4 taon 3 buwang gulang:
- Nakakakilala ng mga numero, kulay at hugis
- Nakaka-intindi ng ibig sabihin ng mga numero. Halimbawa, “Mayroong tatlong kotse”
- Naiintindihan ang konsepto ng pagbibilang
- Napaghihiwalay ang realidad sa pantasiya
- Naiintindihan ang malaki at maliit, at nakukumpara ang dalawang bagay sa bigat
- Naiintindihan ang konsepto ng oras
- Nakikilala ang mga salita base sa itsura
- Inaalam paano gumagana ang mga bagay
Mga tip:
- Matutuwa ang iyong anak sa paggawa ng mga simpleng pala-isipan sa edad na ito. Ang mga larong tuald ng Spot the Difference, Tray Game or Under the Cups ay makakahasa sa kanyang memorya.
- Ang pagbabasa ay nakakatulong din sa kognitibong development. Kapag binabasahan ang bata, tumigil at magtanong tungkol sa nangyari sa istorya at kung anong tingin niyang sunod na mangyayari.
- Hayaan ang batang tumulong sa mga simpleng gawaing bahay tulad ng paglalaba at pagtutupi, na makakatulong sa kanyang kakayahan sa pag-uuri.
- Ang pagluluto ay nagtuturo sa bata ng mahahalagang konsepto ng siyensya at pinapakilala siya sa mga konsepto ng math tulad ng 1/2, 3/4, at mga pinagkaiba ng teaspoons at tablespoons.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang bata ay:
- Madaling magambala at hindi makapagtuon sa isang aktibidad nang higit sa 5 minuto
- Hindi ginagamit ang “ako” at “ikaw” nang tama
- Hindi kayang ibigay ang unang panggalan at apelyido nang tama
- Hindi makasunod sa mga utos na may 2 bahagi
Social at emosyonal na development
Ang iyong anak ay dapat mas may kontrol na sa kanyang mga emosyon ngayon. Handa na siyang galugarin ang mundo sa labas ng bahay. Magugustuhan niyang makipaglaro at magkaroon ng mga bagong kaibigan.
Subalit, maliit pa siya, kaya kahit anong malaking pagbabago sa buhay, tulad ng paglipat ng tirahan o paaralan, o pagkakaroon ng kapatid ay makaka-apekto sa kanyang mood at paguugali.
Ito ang ilang mga social at emosyonal milestones na maaasahan sa edad na ito:
- Gustong nagkakaroon ng mga kaibigan, maaaring mayroon nang “best friend”
- Masnagpapahiram at nagbibigay daan
- Naglalaro bilang “Nanay” at “Tatay”
- Napaghihiwalay ang fantasya at realidad
- Gustong manalo sa lahat ng nilalaro, at malamang ay sumama ang loob kapag natatalo
- Maaaring magsimulang magsabi ng maliliit na kasinungalingan upang hindi mapahamak kahit alam na mali ito
Mga tip:
- Turuan ang mga bata tungkol sa mga ari, at kung paano maging ligtas sa mga hindi kilala.
- Turuan na makilala ang mga emosyon tulad ng kasiyahan, kalungkutan, at galit. Ang pagtuto ng tawag sa kanilang nararamdaman ay nakakatulong upang masabi ang nararamdaman kaysa maging pisikal.
- Ang pagkakaroon ng routine ay makakatulong na makaramdam siya ng seguridad. Makakatulong din itong ipaunawa sakanya ang oras at time management.
- Magandang ipasok na siya sa preschool, kung hindi pa ginagawa. Sa preschool, magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan, at makaka-develop ng mga kakayahan sa pagiging mag-isa, responsibilidad at kumpiyansa.
- Makipaglaro sa bata para mapakita ang konsepto ng pagbabahagi at taking turns.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi mahiwalay ang pantasiya at katotohanan
- Labis na namimighati kapag nalalayo sa iyo
- Hindi interesado sa mga interactive o pagpapanggap na mga laro
- Hindi sumasagot sa karamihan ng tao
- Nagpapakita ng labis na takot, pagkamahiyain o agresibong ugali
- Mayroon paring problema sa pagkain, pagtulog, o paggamit ng kubeta
Pagsasalita at wika na development
Ang iyong anak ay dapat malinaw nang magsalita ngayon, at naiintindihan siya ng mga tao sa paligid niya.
Bilang magulang, matutulungang i-develop ang kanyang kakayahan sa pagsasalita at wika sa madalas na pakikipag-usap sakanya at pagtatanong tungkol sa kanyang araw at mga ginawa.
Ito ang karamihan sa mga nagagawa ng iyong anak sa edad na ito:
- Alam ang tamang paggamit ng “ako” at “ikaw”
- Malinaw magsalita, ngunit maaaring nahihirapan pa sa “s,” “w” at “r” na tunog
- Kayang i-kwento ang paboritong istorya
- Nagtatanong ng “Bakit,” “Kailan” at “Paano”, at ng mga ibig sabihin ng salita
- Nagsasabi ng mga higit pa sa 5 salita na pangungusap
- Kayang sabihin ang unang panggalan at apelyido
Mga tips:
- Basahan ang anak. Alagaan ang kanyang pagmamahal sa mga libro sa pagdala sakanya sa silid aklatan o tindahan ng libro. Hayaan siyang pumili ng gustong basahin. Habang binabasahan ang bata, tumigil at magtanong tungkol sa nangyari sa istorya at kung anong tingin niyang sunod na mangyayari. Tulungan siyang mag-isip sa pagtanong ng mga tungkol sa kung anong nangyayari sa istorya.
- Tulungan siyang i-develop ang kakayahan sa wika sa pakikipag-usap sakanya ng mga buong pangungusap at paggamit ng mga “pang-matandang” salita. Tulungan siyang gumamit ng mga tamang salita at parirala.
- Magugustuhan ng iyong anak ang mga libro na may rhymes at bugtong sa edad na ito.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi malinaw magsalita
- Hindi ginagamit ang “ako” at “ikaw” nang tama
- Hindi nasasabu ang kanyang unang panggalan at apelyido
- Hindi gumagamit ng mga pangungusap na may higit sa 3 salita.
Kalusugan at nutrisyon
Depende sa kanyang edad, laki, at antas ng aktibidad, ang isang 4 taon 4 buwang gulang na bata ay mangangailangan ng nasa 1,200 na calories sa isang araw.
Ang mga babae sa edad na ito ay may tangkad na 98cm hanggang 104 cm at bigat na 14.6kg hanggang 17.5kg. Sa mga lalaki, ang tangkad ay nasa 99.5cm hanggang 105.4cm at bigat na 15kg hanggang 17.7kg.
Ang kanyang nakakain sa araw-araw ay dapat naglalaman ng:
Grains na grupo
Kailangan ng iyong anak ng 5 ouce ng grains araw-araw, dahil ang grains ay naglalaman ng carbohydrates, at duon niya kinukuha ang kanyang lakas. Ang isang ounce ng grains ay katumbas ng isang hiwa ng tinapay, 1 tasa ng ready-to-eat na cereal, o 1/2 tasa ng lutong pasta o cereal.
Calcium at protein na grupo
Kaialangan niya ng 2-2.5 na tasa ng gataas araw-araw para sa calcium na nagbibigay sakanya ng matibay na mga ngipin at buto. Maaaring palitan 1 tasa ng gatas ng 1 tasa ng yogurt o soy milk, 1 1/2 ounce ng natural na keso, o 2 ounce ng processed na keso.
Ang karne at beans ay magandang mapagkukunan ng protein para sa lumalaking bata, at sa edad na ito ay kakailanganin niya ng 2 paghain nito araw-araw. Ang isang paghain ay katumbas ang 1-3 kutsara ng karneng walang taba, manok, isda, 4-5 kutsara ng dry beans at peas o 1 itlog.
Prutas at gulay na grupo
Ang mga prutas at gulay ang pangunahing mapagkukunan ng bitamina at minerals para iyong lumalaking bata, na makakatulong sa pag-develop ng kanyang immunity. Sa kanyang edad, kailangan niya ng 1.5 na tasa ng gulay at 1-1.5 na tasa ng prutas araw-araw.
Ang isang tasa ng gulay at katumbas ng 1 tasa ng luto o hilaw na gulay, 2 tasa ng hilaw na dahon, 1 malaking kamatis, o 2 katamtamang laki na carrots.
Ang isang tasa ng prutas ay katumbas ng 1 tasa ng sariwa, frozen, o delatang prutas, 1/2 tasa ng pinatuyong prutas, kalahati ng malaking mansanas, isang 8 o 9 na pulgadang saging, o isang katamtamang laki (4 na pulgadang lapad) na grapefruit.
Mga tip:
- Maging mabuting halimbawa sa pagkain ng masustansyang pagkain. Kumain kasama ng bata hangga’t maaari.
- Paghigpitan ang pagkain at pag-inom ng mga may added sugars, solid fats, o asin. Tandaan, ang pinaka-masustansyang inumin ay tubig at gatas.
- Maging maingat sa pagkain na maaaring maging dahilan na mabulunan ang bata tulad ng buong ubas, maliit, matigas na pagkain tulad ng mani at popcorn, at mga malalagkit na pagkain tulad ng marshmallow.
- Planuhin ang regulat na pagkain at meryenda at bigyan sila ng sapat na oras para kumain. Bawasan ang maaaring maka-gambala sa pamamagitan ng pag-patay ng mga gadgets.
- Isang paraan para sa mapili sa pagkain ay ang pagsama sa kanila sa preparasyon ng pagkain. Mas malamang na kakainin ng bata ang pagkain na sila ang gumawa.
Mga bakuna at mga karaniwang sakit
Sa edad na ito, ang iyong anak ay dapat mayroon na ng mga bakunang ito:
- Diphtheria, tetano, and whooping na ubo (pertussis) (DTaP) (pang-limang dosis)
- Polio (IPV) (pang-apat na dosis)
- Tigdas, beke, and rubella (MMR) (pangalawang dosis)
- Bulutong (varicella) (pangalawang dosis)
- Influenza (Trangkaso) (taun-taon)
Para sa iba pang mga sakit, asahan ang sipon at trankaso dahil ang anak ay mahaharap sa mga virus sa preschool habang tumitibay ang kanyang immune system.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang anak ay kulang sa timbang o maliit para sa kanyang edad, o madalas na nagkakasakit, magpa-konsulta sa pediatrician upang malaman ang normal na yugto na kalalakihan niya ito, o kung senyales ito ng masmalalim na problema.
Sana ay ang artikulong ito tungkol sa development ng 4 taon 3 buwang gulang na bata ay inyong magamit sa pag keep track sa milestones ng inyong anak.
Tulad ng sinabi namin, lahat ng bata ay lumalaki at na de-develop sa kanyang sariling bilis. Kung may inaaalala tungkol sa paglaki ng bata, huwag mahiyang magpa-konsulta sa duktor.
Source: CDC, WebMD
Also READ: