Ang iyong 4 taon 6 buwang gulang ay mas-aktibo higit pa kaysa dati! Siya ay nagiging mas mapagsarili at may tiwala sa sarili.
Napansin ba na siya ay nagsisimula nang tumatagal na naglalaro mag-isa? Kung gaano siya ka-sabik galugarin at maranasan ang mga bagong bagay? O na naipapahayag niya na ang kanyang mga emosyon kapag siya ay nakakaramdam ng pagkabigo?
Ito ay ilan lamang sa mga milestones na makakamit ng iyong 4 taon 6 buwang gulang. Alamin pa ang tungkol sa magiging development ng iyong anak ngayong buwan.
Development ng 4 Taon 6 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Nadedevelop ng mga bata ang kanilang motor skills sa paglalaro. Pagdating ng 4 taon 6 buwang gulang, ang iyong anak ay mas aktibo higit pa kaysa dati – tumatakbo, tumatalon, umaakyat, at sumisipa ng mga bola!
Sa puntong ito, dapat ang median height at weight ng iyong anak ay:
- Lalaki
- Height: 105.9 cm (41.7 in)
- Weight: 17.3 kg (38.2 lb)
- Babae
- Height: 104.5 cm (41.1 in)
- Weight: 16.9 kg (37.3 b)
Ito ang ilan sa mga bagay na nagagawa niya na sa edad na ito:
- Maglakad nang heel-to-toe (hindi na patiyad!)
- Maglakad paharap at paatras
- Tumakbo nang maliksi
- Sumipa ng bola na may pagtama ng paa
- Umakyat sa mga jungle gyms (sa ilalim ng pagbabantay ng nakatatanda)
- Tumayosa isang paa nang hindi bababa sa 4 na segundo
- Lumulukso
- Sumakay ng tricycle
He will also have better control on his grip, so you can also expect him to do the following:
Mas mako-kontrol narin niya ang kanyang paghawak, kaya asahan na magagawa niya ang mga sumusunod:
- Gumamit ng kobyertos
- Gumuhit ng mga simpleng hugis
- Gumuhit ng tao
- Magpatong-patong ng mga bloke
- Gumamit ng gunting
- Maglagay ng beads sa sinulid
- Magbihis at mag-hubad
- Magsipilyo ng ngipin
Mga tip:
- Mahihikayat ang pisikal na development sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng paglalaro ng taya-tayaan, piko, at football.
- Maaari mo nang hayaan ang iyong anak na magbihis mag-isa, nagtataguyod ng pagsasarili sa iyong anak. Ang pag-sara ng mga butones at paghila ng zipper ay mabuti para sa development ng motor skills.
- Isa pang magandang tip ay ang hayaan ang bata na maglaro ng building blocks upang mapahusay ang pag-hawak niya.
- Ang mga bola ay magandang ipalaro, dahil ang pagbato at pagsalo ng bola ay makakabuti sa koordinasyon ng kamay-mata.
Image courtesy: Shutterstock
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung ang iyong anak ay nahihirapan humawak ng mga bagay tulad ng lapis at crayons
- Nahihirapan siyang magbato at sumalo ng bola
- Kung nahihirapan siyang tumakbo o lumukso
Social at emosyonal na development
Sa 4 taon 6 buwang gulang, ang iyong anak ay mas nagssarili at may tamang personalidad. Siya ay nasa yugto kung saan gusto niyang mapasaya ang lahat – kaibigan, pamiya, at higit sa lahat, ikaw!
Kahit na mas kilala na ng iyong anak ang kanyang sarili, marami pa siyang pagdadaanan upang magkaroon ng buong kontrol sa kanyang mga emosyon. Tignan ang mga tagapagpahiwatig na ito ng mga social at emotional development sa iyong anak:
- Handang magpahiram ng mga laruan
- Lumalahok sa mga larong pang grupo, naiintindihan ang mga tuntunin
- Maaaring sumama ang loob kung may isa pang bata na “masama” sakanya
- Madali parin nabibigo at nagagalit, ngunit naipapahayag niya na ang dahilan ng pagsama ng loob gamit ang mga salita
- Naiintindihan ang konsepto ng ‘taking turns’
Mga tip
- Kung ang anak ay madaling nabibigo sa isang gawain o laro kasama ang iba, turuan ang anak na huminga nang malalim at tumuon sa kung anong kailangang gawin muli.
- Gumamit ng mga positibong salita at paghihikayat: “Okay lang na hindi mo magawa ngayon. Kailangan lang subukan mo ulit sa susunod!”
- Hikayatin ang iyong anak na ipahayag ang lahat ng uri ng emosyon (kahit ang mga negatibo) para sa malusog na emotional health development.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang bata ay:
- Sobrang takot, mahiyain o agresibo
- May matinding separation anxiety
- Hindi maka-tuon nang higit pa sa limang minuto
- Ayaw makipaglaro sa ibang bata
Kognitibong development
Your child is learning more and more every day, and can use logic to answer simple questions. Additionally, your child uses imagination and creativity wonderfully, which is an indicator of cognitive development. Here are some other exciting developments to watch out for:
Ang iyong anak ay parami nang parami ang natututunan araw-araw, at maaaring gumamit ng lohika sa pagsagot ng mga simpleng katanungan. Dagdag pa dito, ang iyong anak ay kahangahangang gumagamit ng imahinasyon at pagiging malikhain, tagapagpahiwatig ng kognitibong development. Ito ang ilan sa mga kapanapanabik na developments na makikita:
- Magbilang hanggang 10 o higit pa na bagay
- Makakilala ng hindi bababa sa apat na kulay
- Nakakaalam ng hindi bababa sa tatlong mga hugis
- Nakakakilala ng ilang mga letra
- Nasusulat ang sariling panggalan
- Naiintindihan ang pagkakasunod-sunod ng mga araw-araw na gawain
- Mayroong mas mahabang span ng atensyon
- Nakakasunod sa hanggang tatlong tagubilin
- Nakakakilala sa mga senyales tulad ng stop sign o ilang mga logo o brand
- Humahawak ng libro nang tama
Mga tip:
- Hayaan ang bata na gumawa ng mga simpleng gawain sa bahay upang ma-develop ang pakiramdam ng responsibilidad.
- Magpakilala ng mga bagong kulay at turuan ang bata kung paano kilalanin ang mga ito sa masayang paraan. Halimbawa, “Ang mga masasarap na ubas na ito ay kulay lila! Pakitaan mo ako ng ibang bagay na ganito rin ang kulay.”
- Tumuro sa iba’t ibang mga bagay sa bahay at itanong sa anak kung ano ang mga ito.
- Bigyan ang anak ng araw-araw na gawain upang mapakilala sa istruktura at pakiramdam ng organisasyon.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang bata ay:
- Can’t identify basic colors, or has difficulty with certain colours such as blue or green
- Is unable to follow simple instructions
- Can’t identify basic shapes, or gets confused with simple shapes
- Hindi makilala ang mga panimulang kulay, o nahihirapan sa ilang mga kulay tulad ng asul at berde
- Hindi nakakasunod sa mga simpleng tagubilin
- Hindi makakilala ng mga panumulang hugis, o nalilito sa mga simpleng hugis
Pagsasalita at wika na development
Mula sa ngumangawang sanggol, ang iyong anak ay kaya na ngayong makipag-usap. Sa 4 taon 6 buwang gulang, siya ay nakaka-alam na ng nasa 1,500 na salita – at patuloy pang dinadagdagan araw-araw. Siya rin ay nakakagawa na ng mga pangungusap na may 4-5 na salita.
Kaya narin ng anak mo na gawin ang mga sumusunod:
- Memorize lines from a favuorite book
- Knows some lower case letters
- Recognises name when read
- Identifies rhyming words
- Kumabisado ng ilang linya mula sa paboritong libro
- Alam ang ilang mababang titik
- Nakikilala ang sariling panggalan kapag binabasa
- Nakikilala ang mga salitang nagra-rhyme
Mga tip:
- Gumamit ng flashcards sa pagturo sa anak ng mga letra at simpleng salita
- Ang flashcards na may mga numero ay maganda ring paraan ng pagturo sa anak kung paano magbilang ng higit sa alam niya
- Hikayatin ang anak na isulat ang sariling panggalan gamit ang lapis at papel upang maramdaman na siya ay tila malaki na.
- Magbasa ng mga kwento bago matulog, at magturo ng partikular na salita upang makilala ng anak mo ang tamang pagbaybay
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Nagkaka-problema sa pagbibilang mula 1 hanggang 10
- Nahihirapan na isulat ang kanyang sariling panggalan
Kasama ng exercise, ang pagkakaroon ng tamang pagkain ay makakatulong sa development ng iyong anak.
Kalusugan at nutrisyon
At 4 years and 6 months, your child should be eating more vegetables, fruits, low-fat dairy products, lean proteins, and whole-grain cereals and bread. He should also stay away from sugary fruit and fizzy drinks.
Here’s a handy chart for your little one’s daily nutritional needs:
Sa 4 taon 6 buwang gulang, ang iyong anak ay dapat kumakain ng mas maraming gulay, prutas, low-fat na produkto ng dairy, walang taba na protein, at whole grain na cereals at tinapay. Siya rin ay dapat umiwas sa mga matamis na prutas at mabulang mga inumin.
Ito ang madaling gamitin na chart para sa araw-araw na sustansyang kailangan ng iyong anak:
|
Nutrient |
Dami na kailangan sa araw-araw |
Anong ipapakain sa kanila |
Protein |
20.1g (kasing laki ng palad ng bata) |
Halos 3 isang pulgadang cubes ng karneng walang taba, tulad ng baboy, manok, o isda kada pagkain |
Fat |
25g |
Sangkapat na tasa ng mani, tulad ng almonds o macadamia nuts bilang meryenda |
Fibre |
25g |
1 tasa ng lutong pearl barley o red rice o pasta |
Calcium |
600mg |
Isang tasa ng gatas O isang tasa ng yogurt O 2 hiwa ng keso |
Mga bakuna
Sa 4 taon 6 buwang gulang, walang bagong bakuna, ngunit siya ay dapat mayroon na ng mga sumusunod:
- Diphtheria, tetanus, and whooping cough (pertussis) (DTaP) (5th dose)
- Polio (IPV) (4th dose)
- Measles, mumps, and rubella (MMR) (2nd dose)
- Chickenpox (varicella) (2nd dose)
Kausapin ang duktor tungkol sa pagbibigay ng flu vaccine sa anak kada taon.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- May biglaang pagbigat/pagpayat
- May mataas na lagnat (lagpas 39 degrees C)
- Nagpapakita ng mabilis na pagpalit ng mood
- May pamamaga o sakit pagkatapos mahulog
*Kung may inaaalala tungkol sa development ng iyong anak, mangyaring makipag-usap sa iyong pediatrician para sa propesyonal na payo.
Previous month: 4 years 5 months
Next month: 4 years 7 months
Sources: Scholastic, WebMD, CDC, Super Kids Nutrition