Ang iyong anak na 57 na buwan (o 4 taon 9 buwang gulang) ay palapit nang mag-“lima.” Sa yugtong ito, mapapansin mo na siya ay mas nagiging kanyang sariling tao at bumubuo na ng kanyang sariling pagkakakilanlan. Ang isa sa mga pinaka-kilalang 57 na buwan na development at milestones ay ang kanyang masigasig na interes sa pagkuha ng inisyatiba at pagpapakita ng isang pagnanais na matuto ng mga bagong bagay, habang may pananagutan para sa kanyang mga aksyon kung kinakailangan.
Sa artikulong ito, tutuklasin natin ang iyong 57 buwang gulang (4 taon 9 buwang gulang) sa kanyang development at milestones. Tandaan na dahil ang bawat bata ay natututo at nagde-develop sa sarili nitong pace, hindi kinakailangan na ang iyong anak ay nahi-hit ang lahat ng mga milestones kapareho ng kaniyang mga kaibigan o ibang bata.
Kung gayunpaman, ikaw ay nag-aalala tungkol sa development ng iyong anak, bisitahin ang doktor para sa isang propesyonal na opinyon.
Sa edad na ito, ang iyong anak ay nakakaguhit na at nakakapagpinta at marunong o kaya ng humawak ng marker o bolpen na gamit ang three-finger grasp. | Image courtesy: Shutterstock
Development ng 4 Taon 9 Buwang Gulang at Milestones: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Ang iyong 4 taon 9 buwang gulang na anak ay naka-develop na ng mahusay na pagpipigil sa sarili at katalinuhan. Siya ay mas natututo ng umasa sa sarili at nakaka-master ng mga hops na gamit ang isang paa, at nakapagpapatakbo na rin ng kanyang mga laruan mula sa “trapiko” at iba pang mga balakid.
Bilang karagdagan sa mga ito, ang iyong anak ay dapat ng:
- Naglalakad ng matuwid, sa kanyang sarili
- I-pedal at patnubayan ang isang laruan sa paligid at ilayo sa mga balakid
- Magtapon ng bola sa paitaas at tukuyin ang distansya at puntirya
- Tumakbo ng paikot-ikot nang walang tulong
- Gumuhit at magpinta at marunong o kaya ng humawak ng marker o bolpen na gamit ang three-finger grasp.
- Paggamit ng mga bisig upang madagdagan ang bilis sa pagtakbo
- Tumakbo, tumigil, at gumalaw, habang nagma-maneuver sa mga balakid
- Tumalon sa ibabaw ng mga bagay na 12 hanggang 15 cm (5 hanggang 6 na) na taas at mag-landing sa parehong mga paa
Bilang karagdagan sa mga pisikal na development na ito, maaari mo ring mapansin ang iyong anak na umaakyat ng ladders at mga puno na may kumpiyansa. Siya ay nakakagawa rin ng ilang mga hugis at sukat, na nangangahulugan na ang kanyang mga motor skills ay mabilis na nagde-develop.
Mga tip:
- Ang iyong anak ay nangangailangan pa rin ng isang ligtas na kapaligiran upang mahasa ang mga motor skills nito. Ibigay sa kanya ito, upang siya ay maging isang tama at magaling na explorer.
- Bigyan siya ng oras upang magsanay at i-develop ang kanyang mga motor skills.
- Simulan ang pagtuturo sa kanya tungkol sa mga hugis at sukat o laki nito at hikayatin siyang magpinta o gumuhit. Magsanay na lumiha ng mga bagong hugis gamit ang play-doh. Ang mga aktibidad na ito ay nagpapalakas ng mga motor skills.
- Hilingin sa kanya na magsanay sa pagsusulat gamit ang isang lapis o isang tisa at turuan siya kung paano gumamit ng two-finger grasp. Ngunit huwag ipilit ito sa kanya, hayaan siyang i-take ang kanyang oras ng dahan-dahan at hanggang maging kumportable sa gawaing ito.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Ang iyong anak ay:
- Hindi makalakad ng tuwid, tumayo sa isang paa o tumalon
- Nahihirapang humawak ng panulat at hindi marunong gumuhit o kumilala ng anumang mga hugis
Upang matulungan siyang i-develop ang motor skills, sabihan siya na mag-ensayo ng pagsusulat gamit ang pencil o chalk at turuan ng tamang paghawak. Ngunit huwag siyang pilitin. | Image courtesy: Shutterstock
Kognitibong development
Ang skills na kognitibo ay nauugnay sa mental na development ng iyong anak. Sa yugtong ito, hindi lamang ang imahinasyong ang umuusbong, ngunit siya rin ay nagdadagdag ng mga layers dito at gumagawa ng sariling mundo nang pantasya.
Ang kanyang outgoing na pagkatao ay nangangahulugan na siya ay magsi-siyasat, magtatanong, at magagalak sa paglalaro ng salita. Ito ang panahon kung kailan dapat hayaaan ang kanyang imahinasyon na maging malaya habang bumubuo siya ng sariling lengwahe.
Isa sa maraming child development at milestones ng 57 na buwang gulang ang abilidad na magbasa ng simpleng libro at maintindihan ang pagkakasunod-sunod ng araw-araw na pangyayari. Kaya kapag siya ay sinabigan na, “Mangyaring magsipilyo ng ngipin,” o “Mangyaring magbihis para sa almusal,” maiintindihan niya at makakasunod agad sa mga tagubilin na ito.
Ang anak mo rin ay maaaaring:
- Makakilala ng magkatunog na mga salita
- Maka-alam ng 18 hanggang 20 na letra at salita
- Maintindihan ang konsepto ng “pinaka”, “marami” at “pareho”
- Makapagbilang hanggang 20
- Makasunod sa dalawa hanggang tatlong tagubilin sa hakbang na ibinigay isa-isa o sa isang grupo
- Habang tumitingin sa larawan, nasasabi ang nawawalang tao o hayop
- Magaling mag-kwento
Mga tip:
- Maaaring matuksong sabihan ang bata na tigilan ang paggawa ng kwento. Ngunit, ang pagpapahintulot sa paggamit ng imahinasyon ang makaka-develop sa kanyang kognitibong kakayahan.
- Bigyan siya ng tiyak ngunit simpleng tagubilin sa umaga upang matulungan na mas-maintindihan ang mga araw-araw na gawain.
- Mag-ensayong magbilang ng gamit at tao, pati salita at mga letra. Isa ring magandang ideya ang pagbuo ng palaisipan kasama ang bata.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung ang bata ay hindi nakaka-sunod sa simpleng dalawang hakbang na tagubilin
- Kung ang bata ay hindi makapagbilang hanggang lima
- Hindi makapag-salita ng maiikling pangungusap
Tulungan ang anak na matuto magbilang at ng mga salita sa pag-ensayo magbilang ng bagay at tao, pati mga salita at letra. | Image courtesy: Shutterstock
Social at emosyonal na development
Sa edad na apat na taon, karamihan sa mga bata ay puno ng enerhiya at kadalasang outgoing, masigasig, at lubhang mapaglaro. Kaya maging handa para sa maraming pagtakbo at pisikal na aktibidad.
Ngunit ito rin ang edad kung kailan nagiging sumpungin ang bata. Kaya kung sila ay masasaya minsan, maaari silang agad na aging masama ang loob o galit.
Isa sa karaniwang milestones pagdating sa social na kakayahan ng 57 na buwan na bata ay ang pagnanais na lumahok sa mga pang-grupong aktibidad. Maraming social milestones kabilangang mga sumusunod:
- Gustong lumahok sa mga larong pang grupo, at masyadong pala-kaibigan at nasasabik
- Maaaring maging mayabang at makipag-usap sa mga gawa-gawang kaibigan, at magkaroon ng matibay na pakikisamang emosyonal s mga ito
- Madalas na naghahanap ng pag-apruba ng nakakatanda, at nagpapakita ng pagmamalaki sa katuparan nito
- Maaaring magmukhang makasarili at naisin magsumbong ng ibang bata
- Ang iyong anak ay maaaring naisin na utusan ang mga nasa paligid at higit na umasa sa pandiwang sa halip na pisikal na pagsalakay.
Ito ay mahalagang yugto para sa mga magulang at anak dahil siya ay natututo kung paano ang tamang pakikipag-ignayan sa iba. Ang komunikasyon ang susi sa yugtong ito kaya bilang magulang, importante na maging malinaw sa mga tagubilin at maging mabuting halimbawa.
Mga tip:
- Ang paminsan-minsang pag-tantrums ay karaniwan parin, ngunit ang pagpapagalit o pagsigaw ay hindi ang pinaka-mabisang paraan upang makitungo sa kanila. Ito ay mga panandaliang tantrums kaya ang kalmadong dating mo ay ang magpipilit sa iyong anak na kumalma rin.
- Huwag siyang pigilan sa pag-enjoy ng kanyang kathang isip na mundo kasama ang gawa-gawang mga kaibigan. Hayaan maging malaya ang kanyang imahinasyon.
- Hikayatin siyang makisali sa panlabas na gawain kasama ang malaking grupo ng mga bata. Kung makita na siya ay naghahari-harian, hilingin sa kanya na kausapin ang mga kaibigan nang may pag-galang at kung bakit kinakailangan magpakita ng empatiya.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung ang iyong anak ay nahihirapan ipahayag ang kanyang sarili sa simpleng pangungusap o sadyang tumatangging makipag-ugnayan sa iba.
- Siya ay nagpapakita ng maling paguugali na may matinding pagpapakita ng pagkabigo o galit sayo at sa kanyang mga kaibigan.
Bantayan ang pag-uugali ng bata at kung madalas siyang nakikitang nakaupo nang malayo, isaalang-alang ito bilang babala at kausapin sila agad. | Image courtesy: Shutterstock
Pagsasalita at wika na development
Isa sa maraming child development at milestones ng 57 na buwang gulang ang nauunawaan na pananalita. Ang iyong anak ay kaya na ngayon magsabi ng kumpleto at minsan ay kumplikadong pangungusap tulad ng: “Nakita ko yung pusa tumakbo sa ilalim ng hagdanan at tsaka umakyat ng puno.”
Sa yugtong ito, siya ay makakasagot na ng mga tanong tungkol sa kanyang pagiging gutom o nilalamig. Saka, siya ay magagawa nang magbigkas ng mga simplent tula at kanta nang madali. Huwag magulat kung makita siyang gumagamit ng pang nagdaan tulad ng: “Sinara ni Mommy ang pinto,” o “Lumabas si Dad.”
These, however, are just a few of the many speech and language milestones he’ll hit at this stage. Expect the following as well:
Ang mga ito, gayunpaman, ay ilan lamang sa maraming milestones ng pagsasalita at wika na makakamit niya sa yugting ito. Asahan din ang mga sumusunod:
- Kaya nang gumamit ng mga preposisyon tulad ng “pagkatapos,” “sa,” “para”
- Gumagamit ng mga mapang-angkin na salita nang tama, kaya asahan siyang sabihin ang “Kay baby” o “Ni daddy/mommy”
- Tumutukoy sa mga tao, hayop, bagay, at gamit na hindi naroroon
- Kayang magbago ng tono o istraktura ng pangungusap upang umangkop sa antas ng pagkaunawa ng tagapakinig. Halimbawa, maaari niyang sabihin “Gusto ng cookie?” sa nakakabatang kapatid at “Lalabas ako pero gusto kong magsabi ng paalam sa’yo.”
- Kayang sumagot sa “sino?” “bakit?” “kailan?” at “paano?”
Mga tip:
Ang iyong maliit na toddler ay mabilis na tumatanda, nangangahulugan na hindi na kailangan ang pa-cute na baby talk. Ito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin:
- Subukang kausapin siya nang normal tulad ng pakikipag-usap sa ibang matatanda
- Hikayatin siya na sumagot ng kumpletong mga pangungusap at kumausap ng mga hindi pa kilala (sa ilalim ng iyong pangangasiwa)
- Itanong sa kanya ang mga pangalan ng kanyang mga kapatid, mga magulang at kahit address at numero ng bahay. Sa edad na ito, mabilis na nilang matututunan ang mga pangunahing kaalaman na ito.
- Samahan siyang magsanay sa pagbuo ng mga tamang pangungusap at magbigkas ng mga tula at tugma nang magkasama
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
If your child’s speech development worries you, you should speak with your paediatrician to ease your concern. But also keep an eye out for the following:
Kung ikaw ay nababahala sa development ng pagsasalita ng iyong anak, makipag-usap sa inyong pediatrician upang mabawasan ang pagaalala. Ngunit, magmasid din para sa mga sumusunod:
- Hindi nakakapag-salita nang malinaw at parang nabu-bulol o nahihirapan sa pagbubuo ng pangungusap
- Hindi niya mababago ang tono ng kanyang tinig o umangkop sa antas ng pag-unawa ng tagapakinig
Kalusugan at nutrisyon
Sa 57 na buwan, ang iyong anak ay humigit-kumulang nasa 18kgs ang timbang at nasa tatlong talampakan ang tangkad. Siya rin ay makakakuha ng kahit saan sa pagitan ng dalawa at tatlong kilo ng bigat at tatangkad sa pagitan ng lima at walong sentimetro kada taon.
Kailangan din niya ng pinakamaliit na 7,100kJ (1,700 kcal) araw-araw, pati maraming tulog at regular na sustansya.
|
Nutrisyon |
Halaga na Kinakailangan Araw-araw |
Ano dapat ipakain sa kanila |
Calcium at Bitamina D |
1,000 milligrams ng calcium and 3,000 IU (International Units) ng bitamina D |
3 tasa ng low-fat na produkto ng gatas kabilang ang isang tasa ng keso at yogurt at dalasang tasa ng gatas.
|
Iron |
10 milligrams |
4 na maliliit na meatballs sa spaghetti, o karne ng baboy, manok, at seafood patty; o isang itlog o maliit na chicken sandwich na may beans at kamatis sa tabi. |
Bitamina C |
Hindi lalagpas sa 650 milligrams/ araw
|
Isang tasa ng presa, o isang tasa ng katas ng kamatis sa spaghetti, o isang tasa ng kamote, green peppers, at isang orange. |
Mga bakuna at mga karaniwang sakit
Sa edad na ito, ang iyong anak ay dapat mayroon na ng mga bakunang ito:
Ang mga karaniwang sakit na dapat alamin o bantayan ay polio, bulutong, trangkaso, tigdas, beke, and whooping na ubo.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung napapakain nang sapat na dami ng nutrients ang bata ngunit napapansin parin ang mga sumusunod, makakabuting dalhin na siya sa duktor:
- Siya ay maliit o kulang sa timbang.
- Madalas na nagkakasakit
- Nagpapakita ng hindi inaaasahang pasa o bukol.
References: WebMD, CDC
Previous month: 4 years 8 months
Next month: 4 years 10 months