Parang kahapon lang nung inaasa pa ng anak mo lahat gusto at kailangan sa iyo. Ngunit, sa 5 taon 2 buwang gulang, parang handa na siyang harapin ang mundo nang mag-isa! Sa edad na ito, ang iyong anak ay optimista kaya makikita siyang sumusubok ng mga bagong bagay nang walang pagaalinlangan.
Sa kabuuan, ang iyong 5 taon 2 buwang gulang ay masayang harapin ang buhay. Mapapansin ang go-getter na ugali sa mga bagay na sinasabi niya, tulad ng “Syempre!” at “Ayos!” At ang pinakamaganda ay siya ay mas magiging kooperatiba sa’yo dahil hindi niya pinapatunayan na siya ang boss mo!
Ito ang ilang milestones na tatandaan para sa mga 5 taon 2 buwang gulang.
Development ng 5 Taon 2 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Image source: Unsplash
Pisikal na development
Ang iyong anak ay nagtitiwala na sa kanyang mga kakayahan. Hindi na siya kasing dalas matisod at matumba, at kaya nang gumawa ng mga komplikadong galaw. Ang tiwala na ito ay dahil sa 20/20 niyang paningin.
Ngunit hindi ang paningin ang dahilan kaya masmalinaw niya nang nakikita ang mga bagay. Sa 5 taon 2 buwang gulang, mas may kontrol na siya sa kanyang katawan, at naiintindihan ang kanyang abilidad at limitasyon. Pinapababa nito ang panganib ng injury at aksidente.
Ilan sa mga kaya niyang gawin sa 5 taon 2 buwang gulang ay:
- Umakyat-baba sa hagdan nang walang tulong
- Lumakad nang paharap at paatras nang walang problema
- Lumukso at lumaktaw nang walang takot
- Mag-sara ng mga butones at zipper
- Mas pinipiling gamitin ang isang kamay kaysa sa kabila
- Humahawak ng lapit gamit ang dalawang daliri at hinlalaki
- Hindi nahihirapan sa kobyertos
Mga tip:
- Bigyan siya ng oras at lugar para maglaro sa labas. Ang paghikayat sakanyang maglaro ay nakakatulong sa pagdevelop ng gross motor skills.
- Ayain sa inyo ang kanyang mga kaibigan o sa play dates. Gusto ng anak mong nakakalaro ang mga kaibigan at natututo sa pagnood niya sa mga bago nilang nagagawa.
- Ipasok siya sa mga masasayang klase ng pisikal na aktibidad, tulad ng karate, ballet, o swimming. Ang pagtuto ng tiyak na galaw ay nakakatulong sa kanyang flexibility at nakakatuwa dahil may inaabot na hangarin.
- Hikayatin siyang maghanda ng almusal. Kaya niyang kumuha ng cereal at gatas nang madali. Ngunit, magkakaroon ng konting tapon. Ipaalam sa kanya na okay lang magkalat nang kaunti, ngunit turuan din siya maglinis nito.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi nakakapag-sipilyo o hugas ng kamay nang mag-isa
- Hindi nakakapagpatong-patong ng hanggang 8 bloke
Image source: Shutterstock
Kognitibong development
Sa ngayon, kilala na ng anak mo ang mundong ginagawalan at may ideya kung ano ang mga bagay, pati mga gamit nila. Naiintindihan niya na ang pera at nasasabi ang pinagkaiba ng barya sa papel.
Ang iyong anak ay patuloy na natututo at nagkakaroon ng bagong kakayahan, kaya mahirap ituro ang eksaktong milestones para sa 5 taon 2 buwang gulang. Subalit, siya ay tiyak na mausisa at gugustuhing matuto at sumubok ng ibang bagay. Ito ay magandang tanda ng paglaki na ang iyong anak ay masaliksik.
Mapapansin din na ang anak ay gustong gusto ang pagpapanggap na laro! Kaya niyang manatili sa karakter nang hanggang 15 minuto habang naglalaro.
Ito ang ilang kognitibong milestones na dapat malaman sa edad na ito:
- Alam na ang mga istorya ay may simula, gitna at katapusan
- Nasasabi kung hindi magkakasunod ang mga numero at letra
- Tumatagal sa isang aktibidad nang 15 minuto
- Pinaplano ang sunod na gagawin
Mga Tips:
- Mag-roleplay sa anak tuwing nagbabasa. Ang mga libro ay madaling hulaan ang mangyayari at ang memorya ng iyong anak ay gaganda kapag ginawa ang pagsasalita ng mga karakter.
- Isama siya sa pagsho-shopping para makita at matutunan ang iba’t ibang bagay at galaw.
- Mag-ensayo magsulat at gumuhit kasama ang anak. Hikayatin siyang gumuhit ng iba’t ibang mga bagay ay bigyang papuri kapag sinubukan.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Limitado ang interes
- Hindi lumalahok sa pagpapanggap na laro o pagpapantasya
Image source: Shutterstock
Social at emosyonal na development
Ang iyong 5 taon 2 buwang gulang ay sobrang palakaibigan at kaibig-ibig na bata na gusto ka maging masaya kasama niya. Dahik dito, mapapansin na tumitingin siya sayo nang madalas para kunin ang pagsang-ayon mo o kaginhawaan. Sa totoo, susubok siya ng iba’t ibang mga bagay upang mapakita mo ang pagmamahal sa kanya para sa kanyang katiyakan.
Sa puntong ito, siya ay nakakapagparating ng pagmamahal sa iba. Kaya niyang makisama nang madali sa mga kibigan at minsan ay makipaglaro sa kanila nang wala ka sa paligid.
Abangan ang mga sumusunod na developments:
- Natutuwang makipaglaro sa ibang bata (kadalasan dalawa) at nakkikisama nang maayos sa iba, kahit nakakalaro nang masmaayos sa dalawang kaibigan imbes na tatlo.
- Natutuwang maglaro ng bahay-bahayan
- Natutuwang maglaro ng mga bloke
- Gustong gusto maglambitin, umakyat, tumalon, at lumaktaw
- Gustong mapasaya ang mga kaibigan at nakakakuha ng ilan nilang paguugali
- Gustong nakakakuha ng atensyon
Mga tip:
- Tanungin siya kung anong nararamdaman habang nagkwe-kwento. Ang pagtuto ng pagpaparating ng mga nararamdaman ay ang unang hakbang para makontrol ang mga malalakas na emosyon tulad ng galit at kalungkutan.
- Maglaro ng mga may panuntunan. Binibigyan ka nito ng opurtuniyang turuan ang bata na makayang matalo at gamitin itong opurtuniyang matuto na sumubok muli sa susunod imbes na mag-tantrum.
- Kahit pa gustong gusto niyang makipaglaro sa iba, hayaan mo siyang maglaro din mag-isa. Bigyan siya ng “props” tulad ng lumang damit, sapatos, pati mga kaldero, na gagamitan ng imahinasyon upang mapalawak ang pagkamalikhain at independence.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi tumitingin sa mata o hindi sumasagot sa ibang tao
- Parang madalas na malungkot at hindi masaya
- Hindi nagpapakita ng iba’t ibang emosyon
Image source: Shutterstock
Pagsasalita at wika na development
Ang iyong 5 taon 2 buwang gulang ay magaling magsalita. Kaya niyang magsalita nang malinaw ng mga pangungusap na lagpas 5 salita. Naiintindihan niya ang mga sinasabi mo at kayang makipag-usap nang matagal sa iyo.
Normal lang sa edad na ito ang ma-utal. Kung siya ay na-uutal minsan, huwag mag-alala – parte ito ng normal na proseso ng pagsasalita at wika na development.
Ang kanyang bokabularyo ay lagpas na sa 2,000 na salita at patuloy lumalawak. Maaari niyang subukan gamitin ang mga bagong salita at magkamali. Kung mahirapan siya, huwag siyang itama agad. Sa halip, gamitin ang salita nang tama kapag ikaw na ang nagsasalita. Mas okay ito kaysa pigilan siya sa gitna ng pangungusap upang itama ang pagbigkas.
Ito ang ilan sa milestones ng wika at lengwahe na maaaring naabot niya na:
- Nagkwe-kwento gamit mga buong pangungusap
- Tamang paggamit ng future tense
- Nakikilala karamihan sa mga letra ng alpabeto
- Nagbibiro at nagsasabi ng mga masmahabang kwento
- Nakakasunod sa mga utos na maraming hakbang
Mga tip:
- Basahan siya ng istorya bago matulog. Hikayatin siyang pumili ng ibang libro kada gabi, at huwag kalimutan na tanungin ng ilang tanong tungkol sa binasa. Basahan siya ng bagong libro. Makakatulong ito sa pagpapalawak ng bokabularyo.
- Pagusapan ang mga pangyayari sa araw na iyon. Gumamit ng mga naglalarawan na salita tungkol sa oras, tulad ng “bago” at “matagal na.”
- Kung mapansina na nabibigo siya dahil nau-utal, maging mahinahon. Makinig at hikayatin siya na isipin ang sasabihin bago ito bigkasin. Makakatulong ito sa pag-kontrol ng pagka-utal.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Hinsi sabik magkwento tunkol sa araw niya
- Hindi nasasabi ang buong panggalan
- Hindi nakakabuo ng mga pangungusap
Image source: Shutterstock
Kalusugan at nutrisyon
Ang iyong 5 taon 2 buwang gulang ay nasa 17kg-20.3kg ang bigat at 106cm-112.2cm ang tangkad. Kailangan niya ng nasa 1,200 hanggang 1,600 na calories araw-araw, depende sa kung gaano siya ka-aktibo!
Sa edad na ito, madali siyang mabubusok sa mga meryenda. Dapat ay magkaron ng 3 meals (almusal, tanghalian, at hapunan) na may masustansyang meryenda sa mga pagitan.
Ang kanyang diet ay dapat may balanseng paghihiwalay ng iba’t ibang nutrients at minerals.
Ang layunin ay magsama ng 3-5 ounce ng protein (2 karne na kasing laki ng karton ng posporo, o 1 itlog), 1-1.5 na tasa ng prutas (1 maliit na saging, 2 strawberries na hinati sangkapat), 1.5-2.5 na tasa ng gulay, 4-6 ounce ng grains (2 kutsara ng kanin o 1 hiwa ng wholegrain na tinapay o 2 kutsara ng pasta), at 2.5 tasa ng gatas araw-araw.
Mga tip:
- I-limit ang mga ma-asukal na meryenda. Madali niya itong mauubos. Ang mga ito ay nakakasama sa kalusugan at walang sustansyang nabibigay.
- Panatilihing simple ang pagkain. Hindi kailangan gawing magara lagi ang luto. Kahit matalino ang anak at marunong gumamit ng tinidor, ang pagkakamay ay masmasaya parin at masmadaling kainin at ihanda.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Lubos na kulang sa timbang o mabigat, o mabilis nagbabago ang timbang
- May kakaibang mga pantal o bukol
- May lagnant na lagpas 39 degrees Celsius
Mga bakuna at karaniwang sakit
Sa edad na ito, karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. May mga iba na karaniwang ibinibigay kada taon, tulad ng flu shot.
Dahil ang anak ay dumadami ang oras kasama ang ibang bata, umasang magkaroon siya ng sipon at trangkaso minsan. Ang hand, foot and mouth diseas ay isa ring karaniwang sakit sa mga ganitong edad. Makaka-iwas dito sa pag-ugali at pagturo ng tamang kalinisan sa sarili, tulad ng paghuhugas ng kamay.
References: Mayoclinic, WebMD, Kidshealth
Previous month: 5 years 1 month
Next month: 5 years 3 months